Chapter 18

3 2 0
                                    

Chapter 18



"Sure ka bang hindi mo na kailangan ng wheelchair?" Mom asked when I'm about to stand up from my bed. This is why ayokong dinadala ako sa ospital e, kung tratuhin niya 'ko parang sobrang lala ng aksidenteng nangyare sa akin.


"Ma, seriously? Okay na 'ko, I swear." I even raised my right hand as a sign of a promise and get my things but just when I'm about to pick my bag, Sy already take it from me.


Hindi din agad ako nakapagreklamo o ano dahil sa gulat ko sa presensya niya. Parang kahapon lang nag-aaway pa kami, ni hindi ko nga siya napansing pumasok sa room ko.


"Anong ginagawa mo dito?" I know what I said last night, that I can't stay mad at him but remembering how he raised his voice to me made me a bit annoyed right now.


"I'm picking you up, may aasikasuhin pa daw si Tita kaya tinawagan niya 'ko." Sagot niya. As if naman

maniniwala ako. For all I know, sinadya lang gawin yun ni Mama, may aasikasuhin e Sunday ngayon.

Hindi ko na lang siya sinagot at naglakad na palabas ng kwarto. Naayos naman na ni Mama lahat ng

bills na kailangan bayaran kanina kaya pwede na 'kong umalis na walang aasikasuhin.


"Babe, about yesterday. I'm sorry, I snapped." Sy said when we got inside the elevator. Timing nga naman na kaming dalawa lang ang nasa loob. I stared at him for a minute examining his eyes.


"Naiintindihan ko naman kung bakit ganon yung naging reaksyon mo Sy, but raising your voice to me? Really? You could've at least apologize to me first for punching my face or maybe for getting yourself in a fight. But you chose to get mad at me first, para ano, isang sorry na lang sa lahat ng nangyare ganon? Pero okay na, hindi naman ako galit. I know what that guy did was wrong, very wrong, and I know that you're just protecting me kaya okay tayo okay?" I said and gave him a hug. I can't even stay annoyed at him for so long.


Bago pa siya makasagot sa mga sinabi ko, bumukas na ang elevator kaya inunahan ko na siya lumabas, hanggang sa makarating kami sa sasakyan niya, pinagbuksan lang niya ako ng pinto at nilagay naman niya ang mga gamit ko sa backseat bago pumasok.


"Why are you so perfect?" I looked at him with my confusing eyes with his out of the blue question.

Pagpasok na pagpasok ba naman niya ng sasakyan, yun agad ang binungad niya sa akin.

"Ready na 'kong suyuin ka kasi alam kong galit ka sakin at alam kong mali yung ginawa ko pero bakit bati na agad tayo? I mean, don't get me wrong babe, I'm glad that we're now okay but I really thought that you will stay mad at me for like few more hours." He said still looked amused and I'm still confused.


"Ngayon ka lang ba nakakilala na hindi nagagalit sayo for so long?" I asked. When we were in

highschool, Sylas and I never had a fight kaya unusual sa akin 'tong feeling na 'to na nagka-

sagutan kami kahapon.


"Honestly? Yes. E never pa naman tayo nag-aaway kaya ngayon ko lang nakita yung ganyang side mo." I'm trying not to stifle a laugh when I saw how amused he is. Ang OA naman nito, para namang sobrang big deal nung nangyare. Ayoko lang talagang nagagalit because it doesn't make sense, nangyare na e ano pang ikagagalit mo. Plus, I never really get mad at someone before kaya hindi ko alam yung feeling na nagagalit.


"So now that you know about it. Don't you dare take advantage of it." I warned him. Mamaya magamit pa niya yun sa akin in the near future e.


"What? No! I promise not to take advantage of it babe, I swear." He said before starting the engine.

Paano ba naman at nandito pa din kami sa parking space ng ospital.


Paghatid sa akin ni Sylas sa bahay, tinulungan niya muna akong ayusin ang mga gamit ko kahit sinabi ko ng ako na ang mag-aayos nun mamaya, ayaw pa din magpaawat. Feeling ko pambawi lang niya 'to sa nangyare kahapon e. Nang matapos kami, kumain lang kami ng meryenda bago ako magpahinga. Paggising ko, napansin kong may papel sa side table ko at agad ko yun tinignan. Goodbye letter lang pala galing kay Sy, natulugan ko na ata siya bago pa siya makapagpaalam kanina sakin.


Bumaba na 'ko sa kusina at nakitang wala pa si Mama, e 8 pm na. Kadalasan yun ang oras ng

dinner namin. Hinanap ko si Ate Marie para tanungin kung nasaan si Mama at sabi naman niya ay nasa kwarto lang. At dahil ako na din naman ang nauna dito sa dining table, naisip ko ng ayusin ang lamesa, this is the first time I will fix the table. Matapos kong ayusin ang lamesa, umakyat na 'ko para tawagin si Mama sa kwarto niya.


"Ma? Let's eat na." Pero nang wala akong marinig na sumagot galing sa loob, binuksan ko na ang pintuan at nang makita siyang wala sa loob, nakaramdam na 'ko ng pag-aalala. Sabi ni Ate Marie nasa kwarto lang daw si Mama. Kukunin ko na sana ang phone ko nang may marinig akong pagbukas ng pinto.


"Anak--"


"Ay Mama!" Nang makita ko siyang kalalabas lang ng CR doon lang ako nakahinga ng maluwag. Ano ba naman yan Alli, nagiging praning ka na din tulad ng boyfriend mo.


"Why sweetheart? May problema ba?" Mom asked when he saw how shocked I am.


"Ahh nothing Ma. Nagtaka lang kasi ako wala ka pa sa baba kanina, kaya ako na nag-ayos ng dinner table tapos nang tatawagin kita sa kwarto mo hindi ka sumasagot kaya pumasok ako tapos wala ka. Nag-alala lang ako, Ma." Mabilis na paliwanag ko. Hiningal pa 'ko don.


"Naligo lang ako anak, kauuwi ko lang kasi kani-kanina lang kaya naligo muna ako. Oh look how worried you are, halika nga dito." She said and motion me to come close to her and she hugged me. "Ano naman inisip mong nangyare sa akin para mag-alala ka ng ganon anak?"


"I'm not even sure. Napraning lang ako bigla nang hindi kita makita dito sa loob kaya nag-alala agad ako." Nangingilid na yung luha ko at bago pa man yun bumagsak napunasan ko na agad nang hindi napapansin ni Mama.


Pagtapos non, sabay na kami bumaba sa dining table at kumain. I still can't forget what happened

upstairs. Just the thought of my Mom being gone makes me crazy. Hindi ko kakayanin and I knew

that since Papa died, I know to myself that I will go crazy when someone take my Mom away from me.

Nakuha na sakin si Papa, hindi ako papayag na pati ang Mama ko, kukunin din.


Pag-akyat ko sa kwarto, I just took a bath and do my skincare before going to bed. May pasok na ulit bukas at naisip kong matulog na ng maaga pambawi lang din sa mga sleepless nights ko sa mga nakaraang araw. Nag-goodnight lang ako kay Sylas at pinatong ko na ang phone ko sa side table. Bago ko pa maisara ang mga mata ko, narinig kong tumunog ang phone ko at alam kong hindi si Sylas yon dahil nagreply naman siya agad kanina.


From: Jace

Hi Alli, I didn't hear from you since this morning, nakalabas ka na ng ospital?


Shit! Oo nga pala, nagsabi ako kay Jace na babalitaan ko siya kanina pag nakalabas na 'ko.

At kanina pa 'ko nalabas and it's already 10 pm now, hindi ko pa din siya natetext.


To: Jace

Oh my gosh! I'm sorry Jace, nawala na sa isip ko. Pagsundo sakin ni Sy kanina, hindi ko na nahawakan yung phone ko. Let me make it up to you tomorrow. Lunch? Sounds good?


From: Jace

Uhh I don't know Alli, ayoko naman magka-away kayo ni Sylas. Plus, wala ka naman na kailangan ibawi, gusto ko lang malaman kung nakauwi ka na.


To: Jace

Jace? I won't take no for an answer so might as well give me that lunch okay? That's set tomorrow. I'll be off na goodnight!


—————————————————————

Before Series #1 : Before MidnightWhere stories live. Discover now