Chapter 27
Nagising ako sa alarm ng phone ko, kanina ko pa pinapatay yun sa kadahilanang inaantok pa 'ko pero nang makita ko kung anong oras na agad akong napabangon.
"Shit! Ahhhh!" First day na nga pala namin sa kumpanya! Kinuha ko yung orasan ko computing kung ilang oras na lang ako pwede mag-ready for work and I have almost 30 minutes before I need to be there. "Ang galing mo talaga, Allison. Ngayon mo pa pinatay yung alarm mo!" Sigaw ko sa harap ng salamin nang makapasok ako sa CR.
Naligo lang ako ng mabilisan at hindi na 'ko nagbasa ng buhok at matatagalan pa 'ko sa pagpapatuyo nito tutal nagbasa naman ako kagabi kaya okay naman na din yun ano. I just a wore my new black pencil skirt and a white blouse pairing with my new silver heels that I just bought last week with Tracy. Hinayaan ko na lang ding gamit ko para sa desk ko sa office at bumaba na. Mamaya na lang siguro ako kakain dahil wala na talaga akong oras.
While on my way to the office, ang dami ko ng naririnig na messages sa phone ko and as much as I really want to read those, hindi naman pwede dahil nasa daan ako. Nang mag-red light, kinuha ko na agad ang phone ko para tignan yung mga messages.
From: Sylas
Babe, are you coming to work ba?
From: Sylas
I bought you breakfast if you're hungry
From: Tracy
Uy babe! Ano na, nasaan ka na?
From: Tracy
Natraffic ka ba?
From: Tracy
Dalian mo nang makaabot ka pa sa orientation.
Shit! Nakakainis talaga! Nagmadali na 'kong magmaneho papunta sa kumpanya dahil ayoko naman agad na panget ang impression sa akin lalo na at iba sa mga empleyado ay alam na anak ako ng CEO. Bakit kasi hindi na lang ako nagpasundo kay Sy? Paniguradong pagsasabihan na naman ako nun mamaya.
"Anong nangyare sayo?" Tracy asked when she saw me almost running out of breath. Paano ba naman tinakbo ko na 'tong department namin kanina at desperada na din akong maka-abot sa orientation namin.
"Tumakbo ako." Hingal-hingal na sagot ko.
"Kaloka 'to. Diba tinext naman kita na male-late yung supervisor natin?" Para akong binagsakan ng madaming sakong bigas sa narinig ko.
"W-what?" Kinuha ko agad yung phone ko sa bag.
From: Tracy
Sige babe, take your time, mas natraffic pa ata sayo yung supervisor natin.
"See? I texted you." Tracy said beside me.
May maganda pa kayang mangyayare sa araw na 'to?
Nang matapos ang orientation, hinatid na din agad kami ni Ms. Rodriguez sa mga cubicle namin, at nasa akin ata yung swerte ngayon dahil magkatabi ang amin ni Tracy. At ang kay Sylas naman ay tapat nung kay Jace, wala naman na 'kong dapat ipag-alala sa dalawang yun dahil simula nung in-assume namin ni Sy na may namamagitan kay Jace at Tracy, mas nakampante na siya.
Ganon lang ang naging set-up namin sa trabaho, akala ko sa teleserye lang nangyayare 'to pero totoo pala talaga na napaghihigpitan ang mga interns, paano ba naman kasi ilang beses ko ng nakitang pinaghigpitan ng isa sa mga senior namin si Cess, yung isa sa mga interns dahil sa report niya. Parang linggo-linggo na lang ata, siya yung napupuna kaya hindi din namin maiwasang magtaka nila Tracy.
YOU ARE READING
Before Series #1 : Before Midnight
Teen FictionAllison Sloane has been in love with her highschool bestfriend, Sylas Perez, for a long time now. Little did she know, Sylas is already planning to court her in their first year of college. They got together and last for three years until Sylas migr...