Chapter 12

14 2 0
                                    

Chapter 12


Natapos ang isang linggo, inaayos na namin lahat ng natitirang mga requirements ngayon sa school bago mag-bakasyon. Nabawi ko na din lahat ng grades ko nung finals, nilibre pa ko ni Sylas para daw ma-celebrate namin yung pagtaas ng mga grades ko. Swerte na lang talaga ko na may Sylas sa buhay kong tinulungan ako sa acads.

"Tapos mo na lahat ng requirements?" Tanong ko nang makitang walang ginagawa si Sy at iniintay lang akong matapos.

"Nakumpleto ko na last week pa." Nanlaki naman agad yung mata ko sa sinabi niya pero agad ding bumalik sa normal yun nang maalala kong si Sylas nga pala 'tong kausap ko. Sobrang punctual sa lahat ng bagay.

"Magtataka pa ba 'ko." Natawa naman siya sa sinabi ko.

Nasa OUR kami ngayon at kinukumpleto ko na lahat ng kailangan para wala na 'kong isipin pag nagbakasyon kami. Plano naming pumunta ng Boracay kasama ang kapatid niya pero ang original plan naman talaga ay dapat kami lang ni Sylas pero alam kong hindi din papayag si Mama kaya sinabi ko na lang na isasama namin si Earl kahit hindi talaga pero dahil maparaan ang nanay ko, siya na mismo ang nagbalita kay Earl nang tungkol don kaya wala na din kaming nagawa kundi isama talaga siya. Sylas was pissed but I just ignored it kahit ang sarap niyang asarin hindi ko na lang din ginawa.

Matapos sa OUR, hinatid lang ako ni Sylas sa bahay  dahil kailangan ko pang mag-impake para sa flight namin mamayang madaling araw.

"I'll come pick you up later okay?" I nodded before closing his car's door and wait him to leave.

Nagpalit lang muna ako ng damit bago ko simulan mag-impake, tatlong araw lang naman kami at summer season naman kaya naisip kong isang maleta at carry on na lang ang dadalhin ko. Nagsimula na 'kong magtupi ng mga dadalhin ko nang marinig kong tumunog ang phone ko.

From: Sylas
Can you believe this, nakapag-impake na si Earl at minamadali na niya 'ko para daw masundo ka na namin. Tsk!

Natawa ako agad sa message ni Sylas. Naiintindihan ko naman talaga since the very beginning kung bakit kahit ang kapatid niya pinagseselosan niya. Paano ba naman, sinasadya lang pala ni Earl asarin ang kuya niya, yun ang sinabi niya sakin nung huling punta ko sa bahay nila kaya walang araw daw na hindi napikon sa kanya si Sylas tuwing binabanggit niya ang pangalan ko sa kuya niya. Mga bata talaga! Ako pa ata ang magiging nanay sa bakasyon naming tatlo.

To: Sylas
Hayaan mo na, huwag mo na lang pansinin.

Pagka-reply ko, tinawag na 'ko ni Ate Marie para sa dinner at sinabi din niyang nasa baba na si Mama na ipinagtaka ko naman. Lately, ang aga na umuwi ni Mama sa bahay which is okay with me dahil nakakasabay ko na siya sa dinner but everytime I asked her about it, ang laging sagot lang niya ay maaga lang daw talaga siya umaalis ng company. Bumaba na 'ko at nakitang nakaupo na siya sa may dining.

"Hi, Ma. Ang aga mo ulit ngayon." I said after taking a seat.

"Well, maaga na 'ko umaalis ng kumpanya ngayon." Nakangiting sabi niya at sabay kuha ng ulam sa table.

"Why? Is there something wrong in the company?" Nag-aalalang tanong ko dahil parang may mali sa paraan ng pagsagot niya.

"What? No sweetheart, everything's fine. It's just that I prefer to work here from home and be with you most of the time. Tutal eight hours naman ang usual work time ng isang tao sa opisina diba? Kaya umuuwi na 'ko ng maaga at dito ko na lang minsan tinutuloy yung trabaho ko." Pagpapaliwanag niya. I didn't see that coming and I also didn't know what to say so I just smiled at her.

Before Series #1 : Before MidnightWhere stories live. Discover now