Chapter 09
Three days since the night of Sylas' confession. There are so many things that changed, first, nagamit niya na ulit yung kotse niya sa paghatid-sundo sa akin sa bahay, second, palagi siyang may baong mga pick-up lines na sigurado akong sa google niya lang kinuha at panghuli, ito na ata yung least favorite ko sa mga nagbago sa tatlong araw na panliligaw niya, he's too clingy, I really thought that I will be quick on getting used to it but I was wrong. Sa anim na taon naming magkaibigan ni Sylas, never siyang naging clingy sakin, yes he's comfortable around me but he never cling himself like this before, that's why it's harder for me to get used to this setup.
Nag-aayos na ko ng gamit sa kwarto nang marinig ko ang busina ng sasakyan niya sa labas. Panigurado akong si Mama na naman ang sasalubong sa lalakeng yon. Ever since ba naman nung umamin si Sylas, siya pa ang unang nagkwento kay Mama kesa sa akin. Onti na lang ata palipatin dito si Sy at ako ang paalisin.
"Nandiyan na manliligaw mo 'nak." Kinikilig na sabi ni Mama pagbaba ko ng hagdan. Ngumiti lang ako at hinalikan siya sa pisngi bago lumabas.
"Hi! Good morning sunshine!" Sylas said when I got inside the car. Araw-araw paiba-iba ang tawag niya sakin, the day before yesterday, beautiful ang tawag niya, kahapon naman, pretty girl. Napapa-facepalm na lang ako.
"You can call me Alli you know, that's still my name." I said getting weird again. Pero ngumiti lang si Sylas sa akin at inabot yung paper bag na kinuha niya galing sa backseat. Binuksan ko naman 'to at nakitang may sandwich and fruit cup sa loob.
"Tita said hindi siya nakapagluto ng breakfast kanina kaya binilhan muna kita bago dumiretso dito." He said smiling before starting the car's engine.
Kung papipiliin ko siguro yung nanay ko sa aming dalawa ni Sylas, baka ito pang manliligaw ko ang piliin niya. Nakakaloka! Kinuha ko na lang yung sandwich na binili niya at kinain, nagtaka tuloy ako bigla sa hindi pagluto ng breakfast ni Mama. Baka plano na naman nila 'tong dalawa, my gosh!
Pagkarating namin sa parking space ng building namin, nauna ng bumaba si Sylas para pagbuksan ako. Naalala ko tuloy bigla yung unang araw ng panliligaw niya, hindi ko naman alam na gusto niyang siya ang magbukas ng pinto sa side ko kaya lang naunahan ko siya, nagtampo ba naman sakin, kesyo bakit inunahan ko daw siya. Malay ko ba! Simula non hinahayaan ko na siyang pagbuksan ako kung saan man kami pupunta.
"Hatid na kita sa first class mo." Sabi niya at abot ng bag ko. Isa pa 'to sa mga hindi ako kumportableng ginagawa ni Sylas. Ang gaan-gaan lang naman ng bag ko pero gusto niyang siya pa din nagbubuhat, wala na lang akong sinasabi tungkol doon dahil alam ko namang gusto niya lang magpaka-gentleman.
"Hindi ka ba malalate?"
"Nope, may ten minutes pa naman ako." Sagot niya.
Pagpasok ko ng room, naabutan kong wala pa si Sir Paz, at buti na lang ding wala pa si Jace dahil mamaya magmaktol na naman 'tong lalakeng kasama ko. Nagpaalam na ko kay Sylas bago pa niya maabutan si Jace at pumasok sa room.
"So, nakasalubong ko si Sylas kanina." Jace said pagkaupo niya sa tabi ko. Wala pa din ang prof namin kaya naabutan lang niya 'ko ditong nagdo-drawing.
"What? Really?" I mean hindi na dapat ako magtataka diba? Dito din naman ang klase ni Jace. Since nang manligaw si Sylas, sinubukan ko na din umiwas kay Jace kahit papaano para wala ng masabi sakin si Sylas at nang mawala na din sa isip niya yung pag-aalala na may gusto ako kay Jace. Pero syempre pag sa klase, kinakausap ko pa din siya dahil ayoko namang mailang sa kanya at tuluyan na talagang lumayo yung loob niya sakin.
YOU ARE READING
Before Series #1 : Before Midnight
Fiksi RemajaAllison Sloane has been in love with her highschool bestfriend, Sylas Perez, for a long time now. Little did she know, Sylas is already planning to court her in their first year of college. They got together and last for three years until Sylas migr...