Chapter 15
Few weeks had passed, classes already started and now I'm inside the national bookstore, buying another sketchbook because stupid that I am forgot to buy this before school started.
I'm with Tracy today, dahil yung magaling na jowa ko ay nakahanap na ng madaming kaibigan sa isa sa mga class niya at ayun nga na-aya siya maglaro ng basketball ngayon.
"Ito ba Alli?" Trace said and give me the sketchbook she was holding.
"Hindi yan yun." Napakatanga ko naman kasi at yun pa talaga yung nakalimutan kong bilhin. Sa hilig ko mag-sketch, sketchbook pa talaga ang nakalimutan ko.
Nagikot-ikot pa kami ni Tracy hanggang sa makita ko na yung brand na gusto ko at kumuha na 'ko ng tatlo, just in case maubusan ako. Hindi agad nakatakas sa akin ang pagkagulat ni Tracy sa tatlong sketchbook na kinuha ko kaya tinawanan ko lang siya bago ko siya yayain sa cashier.
"You really love sketching huh?" Tanong niya pagka-abot ko sa babae sa counter ng mga pinamili ko.
"Obviously, most of it are my drafts lang pero tinatago ko pa din. Naging hobby ko na din talaga yung pagse-sketch since I was still a child." Pagpapaliwanag ko.
Nang matapos kami sa NBS, kumain na muna kami ng lunch. And that reminds me of Sylas, hindi pa niya 'ko tinetext simula kaninang umaga. Nasiyahan na ata sa paglalaro yon at nakalimutan na 'ko agad. Habang nag-iintay ng pagkain namin, kinuha ko na muna ang phone ko para icheck kung nagtext na ba siya at baka hindi ko lang narinig kanina pero pagtingin ko, wala talaga.
To: Sylas
Lunch na babe, hindi pa din kayo tapos?Few minutes later, kasabay ng pagdating ng pagkain namin ang pagtunog ng phone ko. Pero pinili ko na munang kumain dahil gutom na din ako kanina pa. Nagkwentuhan lang kami ni Tracy simula sa pinakaweird na mga bagay na naeencounter namin sa school hanggang sa mga random topics na lang na pwede naming mapagkwentuhan. Hanggang sa mapunta kami sa lalakeng natitipuhan niya from Tourism.
"Paano ka naman napunta bigla sa Tourism? Balita ko sa labas pa ng UP yung building nila ah?" Nagtatakang tanong ko. Totoo namang wala sa vicinity ng campus yung building ng tourism, paanong nakilala yun ni Tracy? Ang gala talaga nitong babaeng 'to.
"Oo nga, e wala naman akong sinabing doon ko siya nameet, nung enrollment ko lang siya unang nakita and since then wala na." She said pouting. Natawa ako agad sa reaksyon niya at bago pa niya yun makita, pinigilan ko na ang pagtawa ko.
"Akala ko naman nakadayo ka na doon, pero paano mo pala nalamang tourism siya? Huwag mong sabihin sakin Tracy, naging stalk—"
"Hoy, ang OA mo Alli. Hindi ba pwedeng narinig ko lang? Pareho kasi kaming magpapa-ID nung araw na yun at tinanong siya nung lalake don kung ano daw course niya, edi syempre narinig ko." Pagpapaliwanag niya. Hindi naman halatang defensive 'tong babaeng 'to.
"Oh okay, believable naman." Nakangiting sabi ko. Pinagkwentuhan pa namin saglit yung crush niya, dinescribe pa niya sakin yung buong features ng mukha nung lalake to the point na napipicture ko na talaga siya sa utak ko. Napakatalas naman ng memory nito. Sana lahat may eidetic memory like her.
Nang maihatid ko si Tracy sa bahay nila, doon lang ako nagkachance tignan yung reply ni Sylas na kanina ko pa hindi nababasa kaya hindi na din ako nagtaka nang makita kong ang dami niya ng messages.
From: Sylas
Katatapos lang namin babe, nagshower lang ako.From: Sylas
Babe, kain muna kami sa labas. Kumain ka na ba?
YOU ARE READING
Before Series #1 : Before Midnight
Teen FictionAllison Sloane has been in love with her highschool bestfriend, Sylas Perez, for a long time now. Little did she know, Sylas is already planning to court her in their first year of college. They got together and last for three years until Sylas migr...