Chapter 28

9 1 0
                                    

Chapter 28





Graduation Day


"Congrats to us!" Tracy greeted us after the ceremony.


It's our college graduation today pero hindi pa natatapos dito 'to dahil meron pa kaming dadaluhang university graduation next week. Ganon daw talaga yun dahil sa sobrang estudyante sa UP, nakahiwalay ang graduation ng mismong college mo at pagdating sa university graduation, maikling ceremony na lang yun.


"Congrats to you," Jace teased her with a smirk. Kasabay na no'n ang pagbatok sa kanya ni Tracy. Habang kami ni Sylas ay nakatingin lang sa kanilang dalawang naghaharutan sa harap namin.


Simula nang matapos kami sa internship namin, hindi na ulit namin pinag-usapan ang tungkol sa pag-alis ni Sylas. I know that he already noticed that I'm still not okay with it pero wala siyang ginagawa. Tulad ko ba, iniiwasan lang din niya?


"Congrats, babe." I flinched when he whispered to my ears. Ni hindi ko man lang namalayan ang paglapit niya sa sobrang clouded ng isip ko. "Is everything okay?" Why are you keep asking me even though you already know the answer? I wish I can ask him that.


"Hmm yes, congrats to you too, babe." I said and gave him a smile.


We just celebrated our graduation in a restaurant reserved by Mom, inimbita na din niya sila Sylas para mas madami kami kesyo malungkot daw kung dalawa lang kaming magce-celebrate. Tahimik natapos ang dinner, kung hindi lang siguro nagkwentuhan sila Mama pati si Tita, mabibingi na kami dito sa katahimikan. Mom already seems to notice that I'm really quiet in dinner that's why after the dessert namin, nag-aya na siyang umuwi.


"What's wrong, sweetheart? Nag-away ba kayo ni Sylas?" She asked when we got inside the house.


"Hindi po, Ma. Pagod lang po siguro ako." That's not a lie though. Pagod naman talaga ako, pagod akong magpanggap na okay lang lahat. Para bang nag-iintay na lang ako ng araw ng pag-alis ni Sylas bago matapos lahat. Hindi naman na nagtanong si Mama kaya nagpaalam na 'kong aakyat na 'ko sa kwarto.


-----------------------------------


A month passed after our university graduation, nagtrabaho na 'ko agad sa kumpanya habang inaayos ko yung mga kakailanganin ko para sa ALE next month, mabuti na din na sobrang busy ko dahil natulungan din naman ako nito para mawala sa isip ko kahit saglit si Sylas.


Hindi ko alam kung ilang araw o linggo pa ang lilipas bago ko mismo masabi sa kanya yung nararamdaman ko. Dalawang buwan na lang, pagtapos no'n aalis na siya. And who knows kailan ko pa ulit siya makikita. Alam ko din namang busy siya ngayon sa pag-asikaso ng mga kakailanganin niya para sa migration niya. Siguro nawala na din sa isip niya ang pakikipag-usap sakin.


I focus myself at work, tanggap lang ako ng tanggap kung ano ang binibigay nila at gawa lang naman ako ng gawa para may maipasa ako sa deadline. Gano'n lang ang naging routine ko sa nakalipas na isang buwan at ngayon magda-dalawang buwan na 'kong nagtatrabaho, sa susunon na linggo na ang ALE ko. I'm not even sure kung nabanggit ko ba ang tungkol dito kay Sylas, dahil hindi naman na niya kailangan mag-take nito especially sa Europe siya kukuha ng trabaho.


"Hindi ba talaga alam ni Sylas na ngayon ang exam mo?" Tanong ni Tracy matapos ang exam namin. Sa sobrang pagbabad ko ng mga mata ko sa reviewers, ngayon lang ako sobrang naging confident na mapapasa ko 'to.


"Hindi ata." Simpleng sagot ko habang naglalakad kami palabas ng building.


"Ata? Hindi ka sure gano'n?" Kahit gaano ata ako mag-seryoso kay Tracy nagagawa niya pa din akong patawanin. "Alli, pull yourself together." Seryosong pagtawag niya sakin kaya napatigil ako sa paglalakad.


Before Series #1 : Before MidnightWhere stories live. Discover now