Chapter 13

4 1 0
                                    

Chapter 13


12 noon na nang magising ako sa lakas ng pagkatok sa pintuan ko.

"Alli! Kakain na tayo!" Ugh! Bumangon na ko at nagmadaling pumunta sa may pinto dahil onti na lang ata masisira niya na ang pintuan ko.

"Al—"

"Galit ka ba? Onti na lang matatanggal na yung pintuan ko sa pagkatok mo." Kunot-noong sabi ko.

"Hehe kakain na tayo." Sabi niya sabay taas ng kamay niyang naka-form na peace sign. Sinimangutan ko lang siya at akmang isasara ang pinto nang pigilan niya yun.

"Magpapalit lang ako. Kagabi ko pa suot 'tong damit na 'to." Tumango na lang siya at sinabing hihintayin ako sa labas.

Minadali ko na ang pagligo ko at sinuot ko lang yung unang damit na nakita ko sa maleta ko dahil hindi pa ko nakakapag-unpack ng mga gamit. I just wore my floral romper partnered with my white crocs sandals at kinuha ko lang din yung body bag ko bago lumabas ng kwarto.

"Huy, tara na." Buti na lang at may couch doon sa labas ng kwarto ko dahil kung wala baka kanina pa nainip 'to. "Nasaan kapatid mo? Huwag mong sabihin sa akin na hindi mo ginising Sylas." Bago ko pa siya sinamaan ng tingin, naunahan na niya 'ko magsalita.

"Grabe ka, nando'n na siya sa baba. Sabi ko kanina mauna na siya para makahanap siya ng table natin." Natawa na lang ako dahil sa assumption na sinabi ko kanina at nilagpasan na siya.

Pagbaba namin, agad ko ng nakita si Earl na sinisimulan na ang pagkain niya.

"Hi Ate, sorry nauna na kong kumain, gutom e." Sabi ni Earl sabay tingin sa pagkain niya.

"Okay lang, nalate din ako ng gising. Kain ka na dyan." Sabi ko bago ako sinenyasan ni Sylas na kumuha na ng pagkain.

"Hindi ba breakfast buffet lang ang binayaran natin?" Nagtatakang tanong ko dahil ngayon ko lang napansin na sa restaurant ng hotel kami kakain.

"Pina-upgrade ko lang kanina, tsaka gutom na si Earl at ikaw natutulog pa. E wala naman na tayong oras maghanap ng kakainan sa labas kaya dito na lang." Pagpapaliwanag niya sabay abot sa akin ng plato. Na-guilty naman ako don, sana pala nag-alarm na lang ako.

Pagtapos namin kumain, bumalik na kami sa mga kwarto namin para makapagpalit ng damit para sa mga water activities na gagawin namin. Dahil tapos naman na ko maligo, kinuha ko na lang yung time na yun para i-unpack ang mga damit ko bago ako magsuot ng bikini. Matapos kong ayusin lahat, kinuha ko na ang yellow two-piece bikini ko at pumasok sa restroom.

Sylas' so overprotective of me kaya alam kong pupunain niya 'tong suot ko kaya imbis na cardigan ang ipatong ko, sinuot ko na lang ulit yung romper na suot ko kanina sa lunch. Kinuha ko lang ang shades, sunblock, sunscreen, at liptint at nilagay sa knitted beach bag ko bago lumabas ng kwarto. Kakatukin ko na sana ang pintuan ni Sylas nang saktong lumabas na siya, suot-suot ang white summer blouse at board shorts niya.

Hindi naman ako nainform na lumaki pala talaga yung katawan niya. Ang presko niya tignan. Wtf! Ayusin mo pag-iisip mo Allison Sloane!

"Tara na." Sabi niya at akmang kukunin niya sana ang bag ko pero nailayo ko yun agad.

"Sobrang gaan lang nito Sy, kaya ko na." Sabi ko at lakad papuntang kwarto ni Earl. Kakatok na sana ako nang bumukas 'to bigla. Anak ng! Pati sa pagbukas ng pintuan, pareho sila ng kuya niya.

"Kakatukin pa lang sana kita, you ready?" He nodded.

We just spend the whole day trying all the water activities at the beach, we tried snorkeling, kayaking, we even tried scuba diving and a lot more. I thought Sylas will overreact when he saw me undress my romper but I was wrong. Hinayaan niya lang naman ako, buti naman nalugar niya ang pagiging overprotective niya sa akin dahil nasa beach kami, natural na magsusuot talaga ako dito ng bikini.

Matapos ang ilang oras na pagbababad sa tubig, naisip na namin bumalik sa hotel pagtapos namin panoorin ang sunset at magpahinga muna saglit bago kami mag-dinner. Sinuggest ko na din na maghanap kami sa labas ng pwede kainan dahil gusto ko din maglibot.

I just wore my yellow floral dress ending above my knee and my sandals before going outside my room finding Sylas there waiting for me again.

"You look beautiful." He blurted unexpectedly that made me blush. Shit! Ang liwanag ba naman dito sa hotel namin kaya alam kong makikita niya ang pagpula ng pisngi ko. "I made you blush. You're cute when you're blushing." He added and tousled my hair before walking near me. "Can I hold your hand?"

I don't know what to say or what to do, I just felt his hand holding my hand and intertwining our fingers.

"Earl's already downstairs." He said and walked towards the elevator still holding my hand.

Nakapasok na kami lahat-lahat sa elevator pero hindi pa din ako nagsasalita. Lahat ng atensyon ko ay nando'n lang sa kamay naming magkahawak. Sylas' know how to make me crazy even in a smallest thing possible. Nang makalabas kami sa elevator, si Earl agad ang bumungad sa amin, when I noticed his eyes looking at my hand with Sylas', doon lang ako bumalik sa sarili ko.

But I can't seem to find the urge to let go of his hand on mine.

"Tara na kuya, gutom na 'ko." Nakangiting sabi ni Earl at nauna ng lumabas. "Magiging thirdwheel pa ata ako dito." He whispered but good enough for me to hear. At alam kong narinig din ni Sylas yun dahil bigla siyang ngumiti.

"Maghanap ka na kasi ng liligawan mo, sixteen ka naman na."

"Wala akong type sa school, puro mga maarte, ayoko sa mga ganon." Sabi niya nang hindi tumitingin samin.

"Alli," He called turning his gaze to me. "Are you okay? Kanina ka pa tahimik."

"Uhh na-nagugutom na kasi ako. Saan ba tayo... kakain?" Uutal-utal kong tanong habang nakatingin sa kanya.

"May nahanap na daw si Earl kanina kaya sundan na lang natin siya." Tumango na lang ako at umiwas na ng tingin.

Mahabang lakaran pa ang nangyare bago kami makapunta sa kainang tinutukoy ni Earl at buti na lang ay hindi na namin kailangan mag-intay dahil may vacant table agad kaming nakita. Though we still waited for like half an hour before they serve our food that I think its worth it dahil masarap naman ang pagkain.

Pagbalik ng hotel, nagpaalam na si Earl na mauuna na daw siya sa kwarto niya kaya kami na lang ni Sylas ang naiwan dito sa lobby. Mabuti na lang at hindi na niya hinawakan ang kamay ko pabalik sa hotel dahil hindi pa din ako nakaka-recover sa paghawak niya ng kamay ko kanina.

"So saan mo gusto pumunta? Maaga pa naman." 8 pm nang makabalik kami sa hotel at hindi pa naman ako inaantok. But at the same time, hindi ko din alam saan kami pupunta. "Beach front na lang?" He suggested and I just agree with it, gusto ko din naman makaramdam ng malamig na hangin.

We're just walking along the shore when we saw people sitting around a bonfire. It seems that it's open for public kaya dumiretso kami doon at umupo sa bandang dulo kung saan wala din gaanong nakaupo. While I enjoy the view in front of me, naramdaman ko ang pagtingin sa akin ni Sylas. I looked back at him and give him a smile.

Maybe this is the right time to make our relationship official.

"Alli,"

"Sy," We laughed at the same time and he signaled me to continue what I'm about to say.

"I've been thinking a lot now and I already decided... to make our relationship official. I love you since then and I just feel that I love you even more." I said still looking at his eyes that reflects the fire in front of us.

"I love you Allison Sloane, and I promise to love you for a lifetime. This is just the beginning of our forever." He said and hugged me tight.

He makes me the happiest and I won't let go of that.

——————————————————————

Before Series #1 : Before MidnightWhere stories live. Discover now