Habang nag ba-bike ako may nakita akong isang matanda sa tabi ng kalsada ngt hihingi ng limos .
Dinadaanan lang siya ng mga tao,huminto ako at kinapa ko ang bulsa ko ayun may pera pa naman ako.
Kinuha ko yung pagkain ko para sana mamayang gabihan ko.
Nagbike ako papalapit sa matanda at pinarada ko ang bike ko sa tabe.
Pagkatapos,lumapit ako sa kanya.
"Nay"tawag ko sa kanya at agad siyang tumingin saakin. Umupo ako sa tabi niya at kinausap siya.
"Ahm..nay kumain napo ba kayo?"tanong ko sa kanya na ikina iling niya. Agad kong inabot sa kanya yung binili kong kanin at ulam.
"Sa inyo nalang po"sabi ko pero kita kong nag aalinlangan siyang abutin yung dala ko, agad kong kinuha ang kamay niya at nilagay ko sa palad niya ang dala ko.
"Tanggapin niyo na po iyan"sabi ko at ngumiti. Agad naman niyang binuksan ang dala ko. Nakalimutan ko ibigay ang kutsara kaya kinuha ko sa bag ko yung kotsara at binigay sa kanya, agad naman niya yun inabot.
"Kumain na po kayo Nay"sabi ko ng naka ngiti,kumain na siya. Ako naman pinag mamasdan lang siya.
Alam kong pinag titinginan ako ng mga tao ngayon pero wala akong pake sa kanila, ng matapos ng kumain si nanay ay agad kong kinuha yung tubigan ko sa bag at inabot sa kanya.
Kinuha naman niya at ininom, habang umiinom siya kinuha ko ang pera ko sa bulsa ko at kinuha iyon.
Isang daan nalang?,kinapa ko yung bulsa ko. Wala na,oks lang may trabaho naman ako mamayang gabi ei.
"Ahh..nay pagpasensyahan mona ito lang ang maabot ko sayo"sabi ko at binigay sa kanya yung isang daan at kinuha niya iyon
"Ahm,mauna napo ako"sabi ko at tatayo na sana ako,bigla niyang hinawakan ang kamay ko kaya naupo ulit ako
"Sa-salamat hija"sabi niya
"Wala po yun,handa po akong tumulong"sabi ko
"Dahil may mabuti kang puso,bibigyan kita ng 3 kahilingan" sabi niya nag taka naman ako,alam kong sa mga kwento lng nangyayare ito. Posible bang mag katotoo?
Pero kung may hihilingin ako, gusto ko magkaron ng kaibigan kahit isa lang,ni isa wala pa saking nakikipag kaibigan
gusto ko rin mag karoon ng kapatid,kaso nag iisang anak lang ako kahit ate-atehan lang pwede na
and last gusto ko naring mag ka jowa! Kahit anong gender gahahha
"Alam kong hindi kapa nag kakaron ng kaibigan at gusto mong magkaron ng kapatid at gusto mong mag karoon ng Kasintahan tama ba?" Lahh? Tama nga siya
"Paano niyo po nalaman?"tanong ko pero ngumiti lang siya
"Ang hinihiling mo,ay matutupad"sabi niya at ngumiti,ngumiti nalang ako
"Sana nga po"sabi ko at tumayo na at pumunta nasa bike ko,tumingin muna ako kay nanay at winagay way niya ang kanang kamay niya.
Nang sinimulan ko nang mag pidal tumingin ulit ako kay nanay at bigla siyang nawala ohw ang creepy ahh. Sana nga matupad ang mga 'yon
End of prologue

BINABASA MO ANG
My Three Wishes |JenLisa| (Tagalog)[COMPLETE]
Hayran KurguLisa is a poor person who supports herself alone. Because of her kindness, an old woman grants her three wishes. What could her three wishes be? Started:july 20 2020