Prologue

374 10 0
                                    

First love never dies nga daw ika nga nila, siguro para sa iba "OO" meron din namang "HINDI"

Para sakin? Pwedeng "OO" pwede ding "HINDI"

Pwede ba yun? Di ko din alam, pero nasa "OO"

Siguro para sa iba, gusto na lang nilang makalimutan yung "sakit" na dulot sakanila ng FIRST LOVE nila".

Pero para sakin, ayokong mawala ang first love ko.

Kahit na nadurog ang puso ko.

Kahit na nasaktan ako.

Okay lang, dahil sa "FIRST LOVE" ko marami akong natutunan.

Natutunan kong mag tiwala sa bagay na noon ay hindi ko pinaniniwalaan. Hindi naman kase ako naniniwala sa "LOVE" eh, hanggang isang araw nagising na lang ako na "TUMAMA NA SAKIN YUNG LOVE NA SINASABI NILA"

Natuto akong maging "SELFISH"

Gusto ko sakin lang sya ngingiti.

Gusto ko ako lang ang nasa tabi nya.

Gusto ko ako lang ang nakikita nya.

Gusto ko ako lang ang tumatakbo sa isip nya, kase sya lang ang laging nasa isip ko.

Gusto ko tignan nya ko kung pano ko sya tignan.

Gusto ko mahalin din nya ko kagaya ng pag mamahal ko sa kanya.

Pero tama nga sila "HINDI LAHAT NG GUSTO MO MAKUKUHA MO"

Yung ngiti at tingin na gusto kong makuha galing sakanya "SA IBA NYA BINIBIGAY"

Iba ang gusto nyang nasa tabi nya.

Iba ang laman ng ipisan nya.

Kung pano ko sya tignan.

Kung pano ko sya mahalin.

Ganun din "SYA" sa "KANYA"

Sa loob ng limang taon mag kasama kami ng kami lang.

Sa loob ng limang taon alam ko kung sino ang tumatakbo sa isip at laman ng puso ng nag iisang "MY LOVE" ko at sigurado akong "SYA" yun at "HINDI AKO" Kahit na malayo sya "SYA PARIN" para sakanya.

Sino nga ba ako diba?

Extra lang naman ako sa love story nila, kase umpisa pa lang kitang kita na sila talaga ang para sa isa't isa.

Masakit man, natuto akong tanggapin na hindi sya para sakin.

Natuto akong pahalagahan ang mga bagay.

Natuto akong lumaban, subukan ang mga bagay na hindi ko pa na susubukan.

Natuto din akong "BITIWAN" ang bagay na "HINDI PWEDE"

Love also means "SACRIFICE" and "LET OUR LOVE GO" right?

Nag step back ako at hinayaang sya sa piling ng "IBA" para lang maging "MASAYA SYA"

Ganun naman talaga dapat diba?

Dapat maging masaya tayo kahit na hindi tayo ang dahilan ng kaligayahan ng mga mahal natin, masaya na sila "MASAYA NA RIN TAYO"

Ngayon isa na lang ang alam ko, gagamitin ko ang lahat ng mga natutunan ko sa taong susunod or "HULI" kong mamahalin.

Alam kong may mga bagay pa kong matutunan, pero sana, sana yung taong yun "SANA" sya na yung maging "LAST LOVE" ko

Fixing a broken hearted heart. (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon