Kabanata 3

142 7 0
                                    

Kabanata 3

Thanks

Akala ko okay na ang problema ko sa School. Akala ko magiging maayos na ang lahat kahit kumalat ang video na nangyari sa Acquintance Party. Pero nang pinatawag ulit ako ng Dean, bigla akong kinabahan.

Nasa unahan si Sir Arkin habang nagle-lecture tungkol sa Physical Fitness ng ipatawag ulit ako ni Dean. Lahat ng kaklase ko ay nag-aalala. Lalo na ang bestfriend kong nakatungo, hindi makatingin sa akin.

Alam kong sinisisi niya ang kanyang sarili dahil hindi niya ako sinamahan ng gabing iyon. Gusto ko siyang puntahan para sabihing hindi niya kasalanan kaso hinihintay na raw ako ni Dean sa opisina nito. Bumuntong-hininga ako. Lalabas na sana ng lumapit si Sir Arkin sa akin.

"After your class, we need to talk, Miss Nolasco." Walang buhay akong tumango. Hindi inintindi ang sinasabi niya. Gusto ko na lang umuwi sa bahay. Magkulong sa kwarto hanggang mawala ang problemang ito. Bakit kasi nangyari pa 'yon? Tinulungan ko lang naman ang babae sa Party. Wala naman akong ginawang masama. Dapat bang hindi ko na lang tinulungan ang babae? Pero magiging masama lalo ako kung hindi ko siya tinulungan.

Kumatok ako sa pintuan. Narinig ko ang boses ni Dean sa loob kaya pumasok na ako. Agad na sumama ang mukha ko ng makita ang lalaking prenteng nakaupo habang naka de-kwatro. May ngisi sa kanyang mukha ng tumingin siya sa akin. Kinuyom ko ang aking kamao. Kung wala lang si Dean dito, nasuntok ko na siya.

"Good morning, Miss Nolasco. I'm glad you're here. So we can discuss about the video. Right, Alexis?" Umayos ng upo si Alexis sa maliit na sofa. Ayaw ko mang umupo katabi siya kaso wala akong nagawa ng doon ituro ni Dean ang uupuan ko.

Marahas akong umupo. Pinorma ang siko para masiko ang tagiliran niya. Pinanlisikan niya ako ng mata ng tumama ang siko sa kanya. Nginisian ko lang siya. Hindi lang 'yan ang mangyayari sa kanya kung hindi siya aaminin sa ginawa niyang katarantaduhan.

"What's behind the video, Alexis, Floresca?" Mas lalong sumeryoso ang boses ni Dean. Nakapatong ang dalawang braso nito sa lamesang nasa harapan niya.

"It say it all, Dean Mario, she tugged my junior." Walang pasubali na sabi ni Alexis. Galit akong tumingin sa kanya. Akmang susuntukin siya pero hindi natuloy dahil sa sigaw ni Dean Mario.

"Alexis, Floresca, enough! I want to hear the truth." Mapakla akong natawa. Hear the truth? Unang araw pa lang sinabi ko na sa kanila na ginawa ko lang 'yon dahil may binastos siyang babae. Umiling-iling ako. Kailan pa sila nagkaroon ng panahon para marinig ang side ng mga tamang estudyante?

"But Im telling the truth, Dean!" Sigaw ni Alexis. Hindi na ako nakapagtimpi. Sinunggaban ko siya saka hinila ang collar ng uniform niya. Nanggagalaiti ako sa galit. Marahas ko siyang tinayo. Hindi na pinakinggan pa ang sinasabi ni Dean dahil kinain na ako ng aking galit.

"You, idiot! You make a move to that girl! You even touch her from your dirty hand! I know I'm not perfect but every girls deserve to be respected! You asshole! Dapat makulong ka!"

"Myra Floresca!" Halos mayanig ang buong katawan ko sa sigaw na nanggagaling sa pintuan. Nanghina ang mga tuhod ko. Nabitawan kong bigla ang collar ni Alexis na takot na takot habang nakatingin sa akin.

Tiningnan ko si Daddy at Mommy na nakatayo sa tapat ng pintuan. Seryoso silang nakatingin sa akin. Ano na namang nagawa ko? Pinagtanggol ko lang naman ang sarili ko. Naluluha ko silang tiningnan. Alam kong nagiging rebelde ako minsan sa kanila. Alam ko minsan naiinis ako sa kanila, pero huwag naman nilang ipamukha sa akin na hindi sila naniniwala.

Claimed by HimWhere stories live. Discover now