Kabanata 18
Ignore
Humahangos ako habang tumatakbo papasok ng bahay. Patuloy ang pagtulo ng luha ko. Nahihirapan na rin akong huminga dahil sa lakas ng hagulhol ko.
Umupo ako ng masarado ang pinto. Niyakap ang tuhod para doon mas umiyak. Ang sikip-sikip ng dibdib ko. Hindi ko alam na ito lang pala ang makakapag-iyak sa akin ng sobra. Daddy do a bad thing to ruined Arkin's parents relationship. Doon pa lang, wala na akong karapatan sa pagmamahal na binibigay ni Arkin. Ayoko na rin magpakita kina Tita Annie at Tito Saint dahil sa nalaman.
Paano nagiging maayos ang pag-uusap nina Daddy at Tito Saint kung may ganoon pa lang nangyari sa nakaraan? Paano nakakangiti si Tita Annie kay Daddy kung may nagawa itong kasalanan sa kanya? Alam kong nagkaroon sila ng relasyong dalawa. Pero hindi ko naisip na may iba pa palang nangyari bukod doon.
"Anak, anong nangyayari?!" Gulat na gulat na tanong ni Mommy. Hinawakan niya pa ang balikat ko para tulungang makatayo. Hinang-hina ako habang nakatingin kay Mommy. Gusto kong magtanong. Gusto kong malaman ang lahat. Pero mabilis kong napigilan ang sarili ko.
"W-Wala po. Napagod lang ako sa School—-" pinutol niya ang sasabihin ko.
"Huwag kang magsinungaling, Myra Floresca! Ano bang nangyayari?" Kahit galit siya, kitang-kita pa rin sa kanyang mga mata ang pag-aalala.
Pumikit ako ng mariin. Kinuyom ang kamao na nasa tapat ng hita ko. Pigilan mo ang sarili mo, Floresca. Baka may magawa kang hindi maganda at pagsisihan mo sa huli.
"Wala nga po, Mommy. Pagod lang po talaga ako. Aakyat na po ako sa kwarto," walang buhay kong sabi. Humalik muna sa pisngi niya bago umalis sa harapan niya.
Pagtalikod ko pa lang kay Mommy, nagsimula na namang magpatakan ang mga luha ko. Hindi ko na alam ang nararamdaman ko. Gulong-gulo na ang isip ko. Kahit lumipas na ang maraming taon, nagkatuluyan man ang magulang ni Arkin, hindi pa rin mapapagkaila na nagkaroon ng atraso ang Daddy ko sa kanila.
Ayos man ang pakikitungo nila sa isa't-isa, para sa akin, iba na. Hindi ko na alam kung tunay pa ba ang pinapakita nila sa harap namin. Kung mayroon pa ba silang hinanakit kay Daddy. Gusto kong maramdaman ang naiisip ni Tita Annie, lalo na si Tito Saint.
Nilabas ko lahat sa gabing iyon ang nararamdaman ko. Magdamag akong umiyak para mawala na ang hinanakit sa kalooban ko. Kahit pa nahihirapan na huminga sa sobrang pag-iiyak, nagawa ko pa rin makatulog kahit mabigat ang nararamdaman.
Halos hindi ko makilala ang sarili ko sa salamin. Magang-maga ang mata, magulong-magulo ang buhok, at namumula ang buong mukha dahil sa pag-iyak.
Naninikip na naman ang dibdib ko. Namumuo na naman ang luha sa mga mata ko. Hindi ito ang gusto kong mangyari sa amin ni Arkin. Hindi ito ang binuo ko sa aking panaginip. Masyadong masakit. Tagos na tagos sa puso ko ang sakit.
"Floresca, kumain ka." Nabalik ako sa reyalidad ng magsalita si Daddy. Tinitigan ko siya.
Ano po bang ginawa niyo noon, Daddy? Paano kung magkaroon na nang lamat ang pagsasama namin ni Arkin? Ayokong humarap sa pamilya niya. Nahihiya ako.
"F-Floresca, b-bakit ka u-umiiyak?" Nauutal na sabi ni Daddy. Mabilis siyang dumalo sa akin para yakapin ako ng mahigpit. Mas humagulhol ako ng iyak. Niyakap siya ng mahigpit para mawala ng konti ang bigat na nararamdaman ko.
"Anak, what's wrong?" Nag-aalala niyang tanong. Umiling-iling lang ako, hindi makapagsalita. Mas hinigpitan ang yakap sa kanya.
"Kagabi ko pa siya tinanong, Havoc. Ganyan lang din ang sinagot niya sa akin." Maowtoridad na sabi ni Mommy. Hindi na sila makakain dahil sa akin. Pinilit kong huwag humikbi. Kumalas na sa yakap para matapos na sa kinakain.
YOU ARE READING
Claimed by Him
Roman d'amourMyra Floresca Nolasco was a typical girl. She has all. Money, beautiful mansion, complete family, luxurious things, friends, and boy bestfriend. She has all that but one thing she doesn't have... someone can love her for who she is. Arkin Hanze De...