Kabanata 11

110 10 0
                                    

Kabanata 11

Gratified

Hindi lang isang beses naulit ang paglabas-labas namin ni Arkin. Because of what happen that night, everything become surreal. Because of his effort, my wall that I build, break into pieces. Hindi naman siguro masamang pagbigyan ang sarili? Hindi naman siguro masamang sumubok? Alam kong mabilis. Isang taon kaming hindi nagkita tapos naging ganito agad siya sa akin. He never said that he likes me but I can see that through his efforts. Ganoon naman talaga. Hindi sa pagsasabi ng isang tao malalaman mo na may gusto ito, makikita at mararamdaman mo ito sa kilos at sa gawa ng taong iyon.

I never mentioned it to Rolly. Ni hindi ko nakekwento sa kanya ang nangyayari sa pagitan namin ni Arkin. I know, he will supported me but the last time Dad mentioned Arkin, he ignore me for one year. I don't want to risk it again. Ayokong lumayo ulit sa akin ang bestfriend ko.

"Are you okay?" Rolly asked, worried. Lumingon ako sa kanya. I smiled widely at him. I even pinched his cheek. He groaned.

"Don't do that again! I'm eating, you know?" He murmured. Natawa ako. We're in the same school again. Magkaklase ulit kami kahit nasa College na. Hindi ko nga alam kung sinusundan lang ba ako nitong bestfriend ko o talagang nangyayari na lang talaga.

"Okay, okay! But really, I'm fine. College student's sucks bigtime, Rolly! Akala ko mahirap na noong Grade 12 tayo pero mas mahirap pala talaga kapag nasa first year college ka na!" Ngawa ko. Narinig ko ang pagtawa niya. Nagawa pa niyang guluhin ang buhok ko. Sinamaan ko siya ng tingin. Nagkibit balikat lang naman siya at nagsimulang kumain ulit.

"Simula pa lang ito, Floresca. But I know we can do this! Tayo pa ba?" Pagyayabang niya. Ngumisi ako. Inagaw sa kanya ang kutsarang may lamang kanin at  ulam at walang sabi-sabing sinubo ko iyon. He groaned again. He even glared at me. Humagalpak ako ng tawa. Binalik ulit sa kanya ang kutsara na parang wala akong ginawa. Sumimsim din ako sa chocolate drink niya. I winked at him when I saw him glaring with a dagger in his eyes. Tuwang-tuwa talaga ako kapag ganito siya.

"Bumili ka ng sayo, Myra Floresca! That's mine!" Marahas niyang kinuha sa akin ang chocolate drink niya.

"What?! Damot mo naman! Tatlo pa naman iyang chocolate drink mo! Akin na ang isa!" Sabi ko sabay hablot ng isang chocolate drink na nasa lamesa. Humaba ang nguso niya. Binitawan ang kutsara para makuha ang natitirang dalawang chocolate drink. He glared at me again. Nginisian ko lang siya. As if naman magagawa niyang magdamot sa akin.

"Huli na 'yan. Sa susunod hindi na kita bibigyan. Tss." Pagsuko niya. I beamed. Tumayo sa kinauupuan para lumapit kay Rolly at yakapin siya. Niyakap ko siya ng mahigpit. Halos mabuga naman niya ang kanyang iniinom dahil sa ginawa kong yakap.

"Ano ba! Bitaw nga, Floresca! Hindi ako makahinga." Sigaw niya. Tawang-tawa ako habang nakatitig sa kanya. Hindi pa rin inaalis ang yakap. Nakatingala ako para makita ang namumula niyang mukha. Cute!

"Sabi ko naman sayo, girl. May girlfriend na nga si Ceasar. Ibibigay mo pa ba iyan?"

"Hindi ko alam, best."

Nahinto kami sa pag-aasaran nang marinig iyon. Nabitawan ko rin agad si Rolly. Sabay naming tiningnan ang dalawang babae na nasa gilid namin. Ang isang babae ay nakatungo habang may hawak na regalo at ang isa ay yakap-yakap ang braso ng babae, ito yata ang nagsalita kanina.

Tumikhim ako. Sabay tuloy silang napatingin sa amin. Otomatikong namula ang mukha ng babaeng may hawak ng regalo. Hindi nakaiwas sa akin ang bahadyang pagtulak ng isang babae sa kanya.

Claimed by HimWhere stories live. Discover now