Kabanata 24

140 8 0
                                    

Kabanata 24

Preparation

This is my first time to witness the downfall of the Princess in this family. Hindi ko alam na may ganitong side pala si Aphrodite. Masayahin siya noon. Palaging nakadikit sa akin dahil gustong-gusto niya ako bilang ate. Pero, matapos ang anim na taon, naisip ko tuloy kung totoo ko ba talaga siyang kilala. Wala na akong naging balita sa kanya noong umalis ako papuntang Canada. She's not even texted me or chat me of her whereabouts. Wala rin akong nakuhang balita sa kanya tungkol kay Arkin.

At ngayong nasasaksihan ko ang paghihirap niya, gusto ko siyang puntahan sa kanyang kwarto at kausapin.

Tumahimik kaming lahat. Tanging pagsinghot lang ni Tita Annie ang naririnig sa hapag. Nakita ko ang umiigting na panga ni Arkin habang nakatingin kay Tita. Sabihin man niya sa akin na okay ang nangyari ngayon, hindi pa rin mapapagkailang hindi rin niya gusto ang inasta ng kapatid niya. But he needs to understand because Aphrodite was his little sister.

"Can I talk to her, Arkin?" Pabulong kong tanong. He squeezed my hand. He even looked at me in the eyes, smiling widely.

"Of course, baby. She needs accompany. She needs to cleared her mind. Go on," aniya sabay halik sa pisngi ko.

Tiningnan ko rin muna sina Tita Annie at Tito Saint para magpaalam. Alam kong sa oras na ito, umiiyak na siya.

Tatlong hakbang na lang palapit sa kwarto niya, naririnig ko na ang malakas niyang hagulhol.

Ilang beses akong kumatok. Ilang beses kong tinawag ang pangalan niya. At nang nasigurado niyang hindi ko siya titigilan, biglang bumukas ang pinto at sumalubong sa aking paningin ang luhaan niyang mukha.

Nagulat ako ng sugurin niya ako ng mahigpit na yakap. Muntik pa nga akong ma-out of balance kung hindi ko lang pinanatiling matibay ang pagkakatayo ko.

Lalong lumakas ang hagulhol niya. Halos mabasa na ang aking damit dahil sa luha niyang tumutulo sa balikat ko. I heave a deep sigh. I patted her back to calm her down.

"Shhh. Stop crying, Beauty. You can do this. We can help you to your studies. Nandito kami ng Kuya mo para tulungan ka," nag-aalala kong sabi. Narinig ko ang pagsinghot niya. Marahang kumalas sa yakap para tingnan ako at punasan ang pisngi niya.

"I missed you so much, Ate Myra! I'm glad, Kuya finally found you. Halos mabaliw 'yon noong umalis ka. And don't mind me. I can handle my own problems," she's smiling, but I know, it's fake. Ganyan din ako noon. Noong panahon na pinagtatabuyan ko si Arkin.

Nginitian ko siya. Hinawakan ko ang kanyang kamay at inaya siyang pumasok sa sarili niyang kwarto. Her room is too cozy. Very detailed. Walang makikita na kahit anong kalat maliban sa mga librong nakapatong sa study table niya.

May nakita rin akong picture frame na nakasabit sa itaas ng dingding, katapat lang ng master bedroom. It's her and a familiar face... it must be...

"He's Zchekello Harold De Guzman, my ex," sabi niya nang mapansin na doon ako nakatingin. Zchekello? Yung kilala ko bang Zchekello ang tinutukoy niya?

"His name is familiar. May kilala akong ganyan din ang pangalan. He looks like him though. Baka nga, siya iyon," bulalas ko. Ngumiti siya. Hinigpitan ang hawak sa kamay ko at inaya akong maupo sa edge ng kama niya.

"He always say, I need to study hard. Don't mind him because he always on my side, Ate Myra. Panatag ako kasi he's true to his words. Sinunod ko siya. Inayos ko ang pag-aaral ko pero habang nakasentro ang sarili ko sa pag-aaral, ang siyang paghahanap niya ng iba. I've give him all of me, even myself. Dahil sa sobrang pagbibigay, hindi ko napansin na niloloko na pala niya ako. Mahal niya ako pero mas mahal niya ang babaeng iyon. Kaya nga nagawa niyang lokohin ako kahit kami pa.

Claimed by HimWhere stories live. Discover now