Kabanata 21

121 7 0
                                    

Kabanata 21

Kiss

Nang sumunod na araw din iyon, nakuha ni Arkin ang sasakyan niya. Tahimik lang siya habang pinagmamasdan ako mula sa bintana ng opisina ko. Akala ko hindi ko na siya makikita. Akala ko pagkatapos ng nangyari noong nakaraan, hindi na siya magbabalak na magpakita ulit sa akin pero nagkamali ako.

Araw-araw siyang bumabalik dito sa talyer. At iba't-ibang sasakyan ang pinapagawa niya.

Minsan, flat lang ang gulong, dito pa niya napipiling magpa-vulcanize. Noong nakaraan, ganoon din. Flat na naman ang gulong ng sasakyan na dinadala niya rito.

Kaya takang-taka na ako sa ginagawa niya. Ayaw kong maniwala sa mga naiisip ko kaso ganoon ang pinapahiwatig ng ginagawa niya.

Mahal pa rin kaya niya ako? Gusto pa ba niyang maayos ang naudlot naming relasyon?

Pero habang pumapasok 'yan sa isip ko, palaging sumisingit ang katotohanang ikakasal na sila ng bestfriend niya.

Pinapatunayan lang sa akin na gumising na ako sa kahibangang naiisip ko.

Alam kong baliw na baliw ang puso ko sa kanya. Halos magwala nga ito habang pumapasok siya rito sa opisina ko para kunin ang kanyang resibo.

May binabalak ba siya? Hindi ba siya busy sa preparasyon ng magiging kasal nila?

Mag-iisang linggo na rin na hindi niya kasama si Nova. Siguro si Nova ang mag-isang nag-aayos ng kasal nila. Hanggang ngayon pala, patay-patay pa rin si Nova sa kanya.

"Ma'am tinatanong po ni Sir de Castro kung ayos na raw po ang resibo?" Natatakot na sabi ni Miko.

Simula ng magpabalik-balik si Arkin dito, hindi ko na maiwasang magalit kay Miko. Siya palagi ang umaapproached sa lalaking iyon. Hindi raw niya matanggihan dahil sayang daw ang kita. Malaking kliyente raw iyon ng talyer namin. Bwisit!

"Maghintay siya! Hindi pa ako tapos," sigaw ko. Mabilis itong tumango at sinarado ang pinto.

Umagang-umaga binibwisit agad ako ni Arkin. Tuwing napapagawi ang tingin ko sa bintana, nakikita kong nakatingin siya sa akin. Minsan tinatagilid niya ang kanyang ulo saka ngingisi.

May kumatok na naman sa pintuan. Padabog akong tumayo para ako na ang magbubukas.

"What?!" Sigaw ko pagkabukas ko ng pinto. Seryosong mukha ni Arkin ang sumalubong sa akin. Tinaasan ko siya ng kilay. Hawak-hawak niya ang kanyang wallet habang winawagayway.

"My receipt?" Nakangisi niyang tanong. Pumikit ako ng mariin. Nagtiim bagang. Bwisit siya!

"Hindi pa tapos," mataray kong sagot. Humagalpak siya ng tawa. Tuwang-tuwa sa ekspresyon na binibigay ko sa kanya.

"Really? Ngayon lang yata natagalan ang paggawa mo ng resibo, Myra?" Preskong sabi niya. Mas tumalim ang tingin ko sa kanya. Kinuyom ang kamao para pigilan ang sariling mabatukan siya. Bwisit na lalaking 'to! Alam na alam niya kung paano ako mapikon.

"Pakialam mo ba? Maghintay ka ng matagal kung gusto mo," sabi ko sabay pinagsaraduhan siya ng pinto.

Narinig ko ang hagalpak ng tawa niya sa labas. Mas lalo akong nagngitngit sa galit.

Claimed by HimWhere stories live. Discover now