Kabanata 19

113 8 0
                                    

Kabanata 19

Migrate

Kapag ba pinagtabuyan mo yung tao, lalayo ba agad siya sayo?

Kapag ba sinabi mo sa kanya na hindi mo na siya mahal, maniniwala agad siya?

Kapag ba umiwas ka sa kanya, titigilan kanya?

Kasi sa sitwasyon namin ngayon, he never get tired of chasing me, following me, and beg for my forgiveness. Kahit ilang beses ko na siyang tinaboy. Kahit ilang beses ko na sinabing hindi ko siya mahal. At kahit ilang beses ko na siyang nilalayuan tuwing nakikita ko siyang papalapit sa akin.

He never get tired of me that I can't forgive myself. Wala siyang ginawa kundi ang mahalin ako at suyuin. Kahit mukha na siyang pagod at nasasaktan. I want him for myself, but I know my limitation. Baka gawin ko rin ang ginawa ni Daddy noon. Kaya ngayon pa lang, gumagawa na ako ng paraan para lumayo sa kanya, kahit masakit sa akin.

"Myra Floresca, let's talk," seryosong sabi ni Mommy.

Tumingala ako para tingnan siya. Pagod na pagod na ang katawan ko dahil sa pagrereview ko gabi-gabi. Ayokong bumagkas. Ayokong madisapppoint sina Mommy at Daddy sa akin. Ayokong sisisihin nila ang pagkakagusto ko kay Arkin kaya bumababa ang grades ko.

"Wait lang po. I need to finish this," sagot ko sabay balik ulit sa pagsusulat ng mga key words. Pero nagulat ako ng hablutin ni Mommy ang notebook ko. Magpoprotesta na sana ako ng tingnan niya ako ng masama.

Binaba ko ang aking ballpen, bumuntong-hininga. Tumayo ako, kinuha sa kamay niya ang notebook.

"Mom, nag-aaral po ako. Importante po ba 'yan?" Tinatamad kong turan. Napasinghap siya. Mas lalong tumalim ang tingin sa akin.

"What?! I will never pressured you about your studies, Floresca! I'm here to talk about you and Arki! Bakit araw-araw siyang nasa labas ng bahay? Bakit hindi mo siya nilalabas? Pinapalayo ka ba ng Daddy mo sa kanya?" Gulong-gulo niyang tanong. Padabog na umupo sa tabi ko. Nilayo ang mga notebook na ginawa kong reviewer.

"I'm busy, Mom. My grades was failing. Masyado ko pong nakakalimutan ang pag-aaral ngayon kaya kailangan kong mag-focus sa pag-aaral. Ilang beses na po akong napagalitan ng mga Professor dahil sa mga bagsak na quizzes at exam. Wala po muna akong panahon sa ibang bagay," deretsahan kong sabi. Napaawang ang bibig niya. Hindi makapaniwalang nakatingin sa akin.

Umiwas agad ako ng tingin dahil baka makita niya sa aking mga mata ang kabaliktaran ng mga sinasabi ko. Mas gugustuhin kong maniwala siya sa akin ngayon kesa naman magkaroon pa siya ng pagdududa sa mga sagot ko.

"I don't believe you, Floresca. Labasin mo si Arki. Isang linggo na siyang ganyan. Hindi na rin yata umuuwi sa kanila dahil sa ginagawa mo sa kanya. Ano bang problema niyong dalawa?" May diing sabi niya. Hindi lang siya kuryoso sa nangyayari sa amin ni Arkin, nag-aalala rin siya sa ginagawa ni Arkin sa sarili niya.

Kahit naman ako. Gusto ko siyang lapitan. Gusto ko siyang yakapin ng mahigpit at sabihing hindi totoo lahat ng sinasabi ko pero ayoko. Buo na ang loob ko. Kahit masaktan kaming dalawa, susundin ko pa rin ang alam kong tama.

"Hayaan niyo siya. Ginusto niya—-"

Naputol ang sinasabi ko dahil sa malakas na hampas ni Mommy sa lamesa. Nalaglag ang mga nakapatong na gamit ko. Lalong tumalim ang tingin niya sa akin. Pumikit ako ng mariin, kinalma ang sarili.

"Mom..." I murmured.

Isang linggo na akong nagpapanggap na malakas. Isang linggo ko nang pinipigilan ang maiyak. Isang linggo ko nang pinipigilan na labasin si Arkin. At isang linggo ko na rin kinikimkim ang galit ko.

Claimed by HimWhere stories live. Discover now