Kabanata 25
Happy
Hindi ka agad magiging masaya kung hindi mo pagdadaanan ang paghihirap at kalungkutan. Hindi magiging matatag ang pagmamahalan niyo sa isa't-isa kung hindi niyo mararanasan ang pasubok ng tadhana.
Pumulupot sa aking baywang ang mamasel niyang braso. Nakikiliti ako sa hiningang tumatama sa leeg ko. Naramdaman ko rin ang isa pang yakap na nagmumula sa binti ko. Tumungo ako para makita ang mini version ko. Malawak ang ngiti habang pinanggigilan ang binti ko.
"Momma, me too, me too! I... I want to hug you," she said, almost crying. Natawa kaming dalawa ni Arkin nang marinig ang tantrums ng anak namin.
Bumitaw si Arkin sa pagkakayakap para daluhan ang anak. Lumuhod siya para magpantay silang dalawa.
"Ayaw mo bang yakapin din si Daddy?" Aniya, pekeng lumungkot ang mukha. Natawa ako ng mabilis na umiling si Meshia. Nanlaki naman ang mga mata ni Arkin.
"You hurt my feelings, baby. You don't love me anymore?" Malungkot niyang sabi.
It's been four years when we got married. Sa taong din iyon, nabuntis ako. We experience the ups and down situations. Ang tanging nagpapatibay sa puso at loob ko ang sinabi sa akin ni Daddy noon. Mas isipin ang pinangako sa isa't-isa para maresolbahan ang problema.
Lumuhod ako sa harap ng mag-ama ko. Natatawang sinandal ang ulo sa balikat ni Arkin. Nakasimangot pa rin ang mukha niya habang nakatitig sa aming prinsesa.
"Stop laughing, Myra. Our daughter don't love me anymore. She always wants you, cuddle you, and hug you. How about me, baby? She don't want me!" He becomes hysterical. Panguso-nguso pa siya habang nakatingin sa akin.
Si Meshia naman ay nagtataka habang nakatingin sa ama. Apat na taon na siya. Mabait na bata pero nasobrahan sa kulit. Nagmana yata sa Tita Aphrodite niya.
"Come on, Arkin! You talk like my Dad before! Ganyang-ganyan si Daddy noong sinabi ko sa kanya na gusto kita! My gosh! Stop being a childish freak! She never understand you because she is just four! But we know, she loves you too." Natatawa kong bulalas. Ako naman ang sinamaan niya ng tingin. Pero kalaunan ay lumambot din ang ekspresyon dahil lumapit si Meshia sa kanya, pinipilit makaupo sa kandungan niya.
"Love you, Dada! Love you, love you!" She whispered to his ear, making him blush.
Mabilis na tumayo si Arkin para kargahin si Meshia. Nilahad naman niya ang isang kamay para tulungan akong tumayo rin. Nginitian ko siya at tinanggap iyon.
Sa pagiging mag-asawa namin ng apat na taon, kitang-kita ko kung paano kami alagaan ni Arkin. Hindi lang siya puro salita, pinapakita at ginagawa rin niya ang lahat para sa aming dalawa ng anak niya. Maybe, he's not perfect, but for me, he is more than that. Wala na akong mahihiling pa kundi ang panghabang buhay naming dalawa.
Ganoong tagpo ang naabutan ni Aphrodite nang pumasok siya. Ngiting-ngiti siya habang may hawak na napakaraming paper bag. Mabilis na nagpupumiglas si Meshia para magpababa, makalapit sa Tita niyang may pasalubong na naman sa kanya.
"Alright, alright. I'll put you down, baby. Huwag malikot!" Natatawang bulalas ni Arkin.
Nang nasa sahig na ang mga paa ni Meshia, mabilis itong tumakbo sa Tita Aphrodite niya.
Naramdaman ko ulit ang kamay niyang nakahawak sa baywang ko. Pareho kaming nakangiting dalawa habang pinagmamasdan ang mag-Tita. Aphrodite is happy now. Hindi man niya sinasabi sa amin kung sino ang maswerteng lalaki na mahal siya ngayon, masaya pa rin kami para sa kanya.
YOU ARE READING
Claimed by Him
RomanceMyra Floresca Nolasco was a typical girl. She has all. Money, beautiful mansion, complete family, luxurious things, friends, and boy bestfriend. She has all that but one thing she doesn't have... someone can love her for who she is. Arkin Hanze De...