Kabanata 20

125 10 0
                                    

Kabanata 20

Meet Again

"Welcome back, anak!" Sigaw ni Mommy sa akin. Natawa ako. I look around inside our house. Wala pa rin pinagbago pagkatapos ng anim na taon. Pero kahit walang nagbago, may nadagdagan naman sa amin.

"Ate!" Sigaw ni Myron, bunsong kapatid ko. Tumakbo siya papunta sa akin. Niyakap ang binti ko. Mas lalong sumikdo ang puso ko sa sobrang tuwa. Kinalas ko ang yakap niya sa akin para yakapin siya ng mahigpit.

Noong umalis ako papuntang Canada, anim na taon ang nakalipas, buntis pala si Mommy. Tuwang-tuwa ako nang ibalita iyon sa akin ni Daddy gamit ang video call. Sa internet lang kami nakakapag-usap. Pero hindi naging hadlang ang layo ng distansya para hindi ako makilala ng kapatid ko.

"You want a pasalubong, Myron?" Magiliw na sabi ko. Lumawak ang ngiti niya, hinigpitan pa lalo ang yakap sa akin.

"Yes po! And I want your hug too." He chuckled. Pinanggigilan ko siya. Malakas naman siyang bumungisngis.

"Myron, go to your Daddy. Ate Myra needs to rest." Nalilitong tumingin sa akin si Myron. Ngumuso rin siya. I patted his head and finched his cheeks.

"Magpapahinga lang si Ate, baby. Then after that we play. Okay ba sayo iyon?" Pinababa ko ang aking boses para lambingin ang kapatid ko. Ngumiti siya sa akin at tumango.

"Rest, Ate!" Aniya sabay halik sa pisngi ko. Tumakbo siya papunta kay Daddy na nasa labas. Pinagmasdan ko siya na may ngiti sa labi hanggang sa mawala siya sa paningin ko.

Tumalikod na ako para pumunta sa kwarto. Nasa gitna pa lang ako ng hagdanan ng sundan ako ni Mommy. May hawak siyang tray na may baso na may lamang fresh milk.

"Akin na, Mommy," sabi ko.

"Huwag na. Ako na ang magdadala nito." Sagot niya sabay iling. Hindi mawala ang ngiti sa kanyang labi hanggang makarating kami sa kwarto ko.

Pagtapak-tapak ko pa lang sa loob ng kwarto, bumalik ang lahat makalipas ang anim na taon.

Nakikita ko ang aking sarili sa kama habang umiiyak. May senaryo rin akong nakita ang aking sarili habang nakatingin sa bintana.

Pumikit ako ng mariin. Kahit lumipas na ang maraming taon, sariwa pa rin sa akin ang dahilan kung bakit ako pumuntang Canada.

Maayos kaya siya simula noong umalis ako? Tumigil kaya siya sa pagpunta rito sa bahay ng malaman niyang wala na ako? Naisip din kaya niyang sundan ako sa Canada noon? Pero kahit anino niya, hindi ko nakita. Siguro napagod na siya. Siguro napagtanto niya na masyado na siyang nagpapakatanga sa akin. Siguro nagising na siya sa katotohanan?

Ngumiti ako ng mapait. Ginusto mo 'yan, Floresca, panindigan mo!

"You should rest, anak. Drink this before you sleep," nakangiting sabi ni Mommy. Tiningnan ko siya. She little bit old now. Pero nandoon pa rin ang angkin kagandahan niya.

Umupo ako sa edge ng kama. Kinuha ang baso na hawak ni Mommy at mabilis iyong inubos. Gustong magpahinga ng katawan ko dahil kagagaling ko lang sa mahabang byahe pero ayaw ng isip ko.

Marami akong katanungan tungkol sa kanya. Gusto kong malaman kung anong mga nagawa niya sa loob ng anim na taon. Masaya na kaya siya? May nakilala na kaya siyang babae na mamahalin siya kagaya ng pagmamahal na binigay niya sa akin noon?

Ano ka ba naman, Myra Floresca! Anim na taon na ang lumipas, siya pa rin ang iniisip mo.

"Kumusta na po... ang talyer?" Si Arkin. Bumuntong hininga ako. Gosh! Si Arkin pa rin talaga!

Claimed by HimWhere stories live. Discover now