Kabanata 12

112 9 0
                                    

Kabanata 12

Jealous

I gratified myself, I know, but I want to back out now! Hindi pala madaling pagbigyan ang sarili dahil nakakabaliw pala. I'm so paranoid. Isang linggo na kaming hindi nagkikita ni Arkin pagkatapos ng nangyari sa bahay. Nakadalawang bisita na sina Tita Annie kaso wala akong Arkin na nakita. Kahit si Aphrodite, wala. Busy ba ang bata'ng iyon? Akala ko suportado niya kami? Dapat gumagawa siya ng paraan para pumunta rito ang Kuya niya! Nakakainis naman!

"Kawawa ang fried chicken, Floresca," Rolly said. Natauhan ako. Tiningnan ko si Rolly na magkasalubong ang kilay habang nakatingin sa akin. May hawak pa siyang fried chicken na nasa bibig niya.

"Hindi kasi ako gutom," pagdadahilan ko. Mas lalong nagsalubong ang kilay niya. Tiningnan ako ng maayos. Nilapit pa niya ang mukha niya sa akin kaya tinulak ko siya.

"Ano ba! Baho ng bibig mo! Amoy manok!" I joked. Humagalpak ako ng tawa. Siya naman itong masama pa rin ang tingin sa akin. Mamaya ko na nga iisipin si Arkin.

"Mommy, oh!" Sumbong ni Rolly kay Tita Vanessa na wiling-wiling nanonood sa amin.

"Eat up, Rolly. You look like a kid. Kaya ka hindi nagugustuhan ni Flor." Biro ni Tita. Narinig ko ang mahinang tawa ni Tito Hilbert. Bumaling si Rolly sa akin habang nakanguso. Kinurot ko ang pisngi niya.

"Cute talaga ng bestfriend ko!" I cheered. Sina Tita Vanessa at Tito Hilbert naman ang napangiwi.

"Aww. Bestfriendzoned ang binata natin, darling." Kantyaw ni Tito Hilbert sa anak. Bumusangot ang mukha ni Tita. Sinamaan ng tingin ang asawa.

"What? I didn't say anything, darling. Don't look at me like that. Pakiramdam ko magiging outside the kulambo ako ngayon ah." He joked. Marahas na pinalo ni Tita Vanessa si Tito Hilbert sa balikat nito. Humagalpak ito ng tawa. Ganoon din ang ginawa namin ni Rolly.

His parent's cute everytime they're fighting. Ilang beses ko na bang nasaksihan ang ganito sa kanila? They are look like best of friends. Ano kayang kwento sa nakaraan nila? Mahirap din kaya? Rolly never mentioned about his parents past. May alam kaya siya?

"Stop it, Mom, Dad, you two just flirting infront of us. Nakakawalang gana," bulalas ni Rolly. Natawa ako. Humagalpak naman ng tawa si Tito Hilbert.

"Anak nga kita, Ceasar. Kilalang-kilala mo kami," proud na sabi ni Tito. Napangiwi ako. Rolly tsk-ed.

Natapos ang tanghalian namin sa bahay nila Rolly. Aayain ko pa sana siya na pumuntang Mall kaso may gagawin pa raw siya. Kaya ang ginawa niya, hinatid na niya agad ako sa bahay.

Nakanguso ako habang kinakaway ang kamay habang papalayo ang kotseng sinasakyan niya. I heave a deep sigh. Tumingala para makita ang malawak na kalangitan. Ang tindi ng sikat ng araw. Ang sakit sa balat!

Tumalikod na ako. Nagsimula ng humakbang nang marinig ko ang pangalan ko na tinawag ng isang tao.

"Myra Floresca!" His voice thundered.

Kumalabog ang puso ko. Hindi na ako mapakali sa kinatatayuan ko. Ang paghinga ko ay bumibigat habang naririnig ko ang hakbang niyang papalapit sa akin. Nakatalikod ako sa kanya. Pero ramdam na ramdam ko pa rin ang presensya niyang malapit na sa akin.

I gasped when I felt his arm enveloped my waist. What the hell! Ang puso kong kumakabog kanina, mas dumoble ang kabog. Halos mahimatay ako sa bilis ng tibok ng puso ko. Ramdam na ramdam ko rin ang mainit niyang hininga sa batok ko. Nagtindigan ang balahibo ko sa katawan. Anong ginagawa niya?

Claimed by HimWhere stories live. Discover now