Kabanata 17

119 8 0
                                    

Kabanata 17

Confrontation

"Okay ka lang?" Nag-aalalang tanong ni Arkin. Napangiti ako ng mapakla.

Pagkatapos kong makita ang halikan na namagitan sa kanilang dalawa, kahit nanghihina ang mga tuhod, nagawa kong makatayo para bumalik sa loob na parang walang nangyari.

Ilang minuto lang naman ang lumipas ay nakabalik din sila. Hindi ko magawang makatingin sa kanila kanina. Parang nilalamukos ang puso ko sa tindi ng galit at panghihinayang.

May balak ba siyang sabihin sa akin ang nangyari sa pagitan nila kanina? Ayoko siyang komprontahin. Gusto kong siya mismo ang magsabi sa akin ng tungkol doon. May karapatan siyang gumawa ng paraan para hindi mahalikan ng bestfriend niya. May karapatan siya para itulak ito palayo sa kanya. Pero bakit hinayaan niyang mahalikan nito?

Mas lalong sumisikip ang dibdib ko dahil sa mga naiisip. Naramdaman ko ang paghaplos ni Arkin sa likod ko. Kanina pa nakauwi ang mga parents nila pati na rin sina Nova at Rolly. Siya lang ang nagpaiwan dito dahil gusto raw niya akong makasama. Hindi ba niya alam na sa pagpili niya na makasama ako, binibigyan niya lalo ng sugat ang puso ko? Kahit kailan yata hindi ko na makakalimutan ang nangyari sa gabing ito.

"You look bothered, Myra. What's wrong?" Bakas sa boses niya ang pag-aalala. Gusto ko siyang sampalin. Gusto kong ipakita sa kanya na nasasaktan niya ako nang hindi niya nalalaman. Bawat galaw niya, may kung ano sa parte ko ang nawawasak. Sa bawat kislap ng kanyang mga mata, may kung ano sa puso ko ang nasisira.

"N-Nothing. I... I'm just tired," I murmured. He get my hand, enterwhined with his. Gusto kong iwakli iyon. Parang nawalan ako ng karapatan para mahawakan siya ng ganito. Pinagmasdan ko ang kamay naming dalawa. May pumasok na eksena sa aking utak. Eksenang hawak-hawak niya ang kamay ni Nova, mahigpit at hindi mabitawan. His hand, enveloped other's hand, his bestfriend's hand to be exact. His first love pertaining to Nova.

"I see. You can go to your room now," aniya. Akmang tatayo na ako nang mas higpitan niya ang hawak sa kamay ko. Pansin na pansin ko ang hesitasyon sa mukha niya. Parang may gusto siyang sabihin pero ayaw lang sumunod ng labi niya. Napapikit ako ng mariin. Nagsisimula na namang kumirot ang puso ko.

Bakit ayaw mong sabihin? Takot ka bang malaman ko, Arkin? Natatakot ka ba na bitawan din kita katulad ng ginawa niya? Gusto kong lahat isatinig iyan kaso ayaw lumabas sa labi ko. Dahil kahit ako, natatakot sa mangyayari. I'm bond to be with him. I'm not seeing myself without him. Pakiramdam ko, mababaliw ako kung mawawala siya sa akin. Ayokong mangyari iyon.

"My hand, Arkin," bulalas ko. Bigla siyang natauhan. Napangisi ng mapagtantong mahigpit pa rin ang hawak niya sa kamay ko. "Ah, right.  I'm sorry," he whispered, lean on my shoulder. Napasinghap ako ng maramdaman ang mainit niyang hininga sa aking leeg. Paano ako makakapagpahinga kung ganito siya? Wala yata siyang balak na pakawalan ako.

"Can we stay like this for a minute? I just want to close to you, baby." Pinalambing niya ang kanyang boses. Gusto kong matuwa. Gusto kong sugurin ng halik ang kanyang labi. Kaso may kung anong bagay ang nagpapahinto sa akin. Nanlamig din ang buong katawan ko dahil sa inaasta niya. Kung hindi ko lang nakita yung kanina, iisipin ko na may bumabagabag lang sa kanya kaya ganito siya. Pero hindi. Kahit pumikit ako, senaryo pa rin ng pangyayari kanina ang paulit-ulit na naglalaro sa isip ko.

"Hindi ka pa ba napapagod? You need to rest too." Nabigla siya sa pagbigkas ko ng mga salita. Kahit naman ako, nabigla rin sa sinabi ko. Kung sa ibang pagkakataon, iisipin niya na kaya ko lang sinabi iyon dahil pagod lang talaga siya pero iba ang sitwasyon ngayon. May ibang meaning ang sinabi ko.

Claimed by HimWhere stories live. Discover now