Kabanata 4

131 8 0
                                    

Kabanata 4

Gatherings


Maraming nagsasabi na nakakatakot daw pumunta sa lawa dahil may kung anong naninirahan na diwata doon. Maraming naniniwala pero may ibang binabaliwala lang ang sabi-sabi. Kahit naman ako, hindi maniniwala sa sinasabi ng iba. Wala naman talagang diwata. Mga kathang-isip lang nila iyon.

Nang pagmasdan kong muli ang lawa, nae-enganyo akong mas lumapit pa at maglangoy. Prohibited ba ang lawa'ng ito sa mga gustong maligo? Tiningnan ko si Sir Arkin. Tahimik na siyang nakaupo sa lilim ng puno ng niyog. Ganoon din ang ayos niya. Nakatiklop ang tuhod habang nakapatong ang dalawang braso. Nakasandal ang ulo niya sa katawan ng puno habang nakapikit ang mga mata.

Ang kaninang paghanga ko sa lawa ay nabaling sa kanya. Pinagmasdan ko siya. Ang kanyang buhok ay nagugulo dahil sa malakas na hangin. Ang kanyang braso ay nakadepina pa rin kahit nakapatong lang iyon sa tuhod niya. Kahit nakaupo siya, mahahalata mong mahaba ang mga binti niya. Ang kanyang mukha ay perpekto para sa isang lalaking kagaya niya. Ang makapal niyang kilay, ang pilik mata niyang mahaba na kahit nakapikit ay nagpapapansin pa rin, ang kanyang ilong na nasa tamang tangos, ang labi niyang namumula, at ang kanyang panga na nababagay sa itsura niya. Panay din ang pagtaas-baba ng adams apple niya.

Nasa ganoong ayos ako ng nagmulat siya. Naalerto ako. Mabilis akong bumalik sa pagtingin sa lawa. Narinig ko ang bahagya niyang pagtayo. Halos lamunin ako ng kaba habang naririnig ang bawat hakbang niya na papalapit sa akin.

"You want to swim?" Tanong niya. Lumukso ang puso ko sa sobrang pagkasabik. Gustong-gusto kong lumangoy. Gusto kong maghubad para tanging undies lang ang suot ko at hindi mabasa ang uniporme ko. Pero nahihiya ako kay Sir Arkin. At hindi ko alam kung bakit.

"It's not prohibited to swim so suits yourself. Hihintayin kita." Nilakasan ko na ang loob ko. Walang pakundangan kong inalis isa-isa ang uniporme ko sa katawan. Hindi na ako nagkaroon ng oras para tingnan si Sir Arkin ng tanging bra at panty na lang ang suot-suot ko. Nahihiya ako. Baka makita niya ang namumula kong mukha.

Tumalon ako sa lawa. Malamig na tubig ang yumakap sa buong katawan ko. Ngumiti ako ng malawak nang makita ko siyang titig na titig sa akin.

"Ang lamig! Gusto mo rin bang maligo, Sir Arkin?" Mas nakakahiya yatang hindi ko man lang siya imbitahan na maligo rin. Siya naman ang dahilan kung bakit kami nandito.

Umiling siya. Nilagay ang dalawang kamay sa bulsa ng slacks niya saka bumalik sa lilim ng puno para doon ulit umupo.

"Enjoy yourself, Myra. Im fine here, don't worry." Hindi nakatakas sa aking mga mata ang biglaan niyang pamumula. Ha? May sakit ba siya?

Tinuloy ko ang paglalangoy. Nakarating pa nga ako sa talon para makita iyon ng malapitan. Halos humanga ako sa mala-kristal na tubig na bumabagsak mula sa talon. Ang ganda! Pupuntahan ko talaga ito kasama sina Mommy at Daddy.

Magtatakip-silim na ng napagdedisyonan kong umahon. Tinawag na rin kasi ako ni Sir Arkin dahil uuwi na raw kami. Nasa pangpang siya habang may hawak na tuwalya. Hindi niya magawang tumingin sa akin dahil sa ayos ko. Napatungo tuloy ako saka bahadyang napangiti. What's wrong with be, really?

"Bilisan mong magbihis. Baka sipunin ka," paalala niya. Tumango ako.

Kinuha ang tuwalya sa kanya para ibalot ito sa katawan ko. Nanginginig ang buong katawan ko habang papasok sa sasakyan. Doon na lang ako magbibihis para hindi ako masyadong lamigin. Tinutuyo ko na ang aking katawan ng may mapagtanto.

Shit! Wala akong extra'ng underware at bra! Tiningnan ko si Sir Arkin. Nakahalukipkip siya habang nakasandal sa hood ng kotse. Halatang naiinip na dahil sa katagalan kong magbihis. Bahala na! Hindi naman niya siguro mahahalata na wala akong suot sa panloob.

Claimed by HimWhere stories live. Discover now