Kabanata 10

134 8 0
                                    

Kabanata 10

Date

"Let's talk," he huskily said.

Nagkatinginan kami ni Aphrodite. Lumapit siya sa akin at mahigpit na humawak sa kamay ko. Napalunok ako. Hindi makatingin ng maayos kay Arkin na seryosong-seryoso ang tingin.

What should we do? Magpapanggap ba ako na hindi alam kung sino ang nagbigay ng picture frame na nasa dingding? Alam kong magagalit siya kay Aphrodite kapag sinabi ko na sa kapatid niya ito galing.

"W-Why?" I stuttered. Madiin na napapikit. Napahawak din ako ng mahigpit sa kamay ni Aphrodite. Gosh! I'm so nervous!

"Ditdit, leave her room. I need to talk to her." May babalang sabi niya. May halong kaba ang mga mata ni Aphrodite habang nakatingin sa akin. Nginitian ko siya. I assured her that I'm fine. Hindi naman magagawa akong saktan ni Arkin.

"You sure, Ate Myra? Kuya looks scary." Bulong niya. Binitawan ko ang kamay niya. Ginulo ang buhok bago ngumiti ulit.

"I'm fine. Just put that dress in the bed. I wear it for you later," nakangiti kong sagot. Sumilay na ang ngiti sa kanyang labi. Tumango sa akin. Lumapit muna siya sa sofa para kunin ang cellphone na iniwan niya kanina.

"Bye, Ate Myra!" She waved her hand. I nod at her.

Tumikhim si Arkin. Napatalon ako sa gulat. Bumalik na naman ang kabang nararamdaman ko dahil sa nakita niya. Naiilang akong tumingin sa kanya. Kumunot ang noo ko ng makita siyang nakatungo, namumula ang buong mukha.

"W-Wear your clothes," bulong niya. Tumikhim ulit. Nang maintindihan ang sinasabi niya, pinamulahan ako ng mukha.

Marahas na kinuha ang dress na nasa ibabaw ng kama at nagtatakbo papasok ulit sa walking closet.

"Idiot, Floresca! You almost forgot that you wearing nothing but a bathrobe! Idiot, idiot!" I murmured.

Aphrodite choose a simple white off shoulder halter dress. It's perfect for my body. Alam na alam ng bata'ng iyon ang babagay sa katawan ko.

When I'm done wearing my dress, I put a light make up on my face. I tied my hair on a messy bun. I even choose my strap sandal to put on my feet. When I'm done, lumabas na ako sa walking closet para harapin ulit siya.

He remained standing when I'm out. He crossed his arm while staring at me. Madilim pa rin ang tingin niya. I'm a little bit shocked when I saw him not wearing his eyeglasses. Is he wearing a contacts again? Pero nakasalamin siya kanina bago ako pumasok ulit sa walking closet diba?

"Where did you get those?" Panimula niya ng tuluyang makalapit ako sa kanya. I remained my exposure. Hindi pinapahalata na kinakabahan.

Kinuyom ko ang aking kamao. Malalim na bumuntong hininga.

"Where did you get this also?" Pabalik na tanong ko. Tinutukoy ang hawak ko ngayong picture frame. He's taken a back because of the picture Im holding. Mabilis na umiwas ng tingin. I got him.

"Don't ask me with another question, Myra. Answer me first!" Napatalon ako sa biglaan niyang pagsigaw, napanganga.

"What the hell! Huwag kang sumigaw! I'm not deaf!" Nagagalit kong sagot. Lumunok siya. Umigting ang panga.

"Where did you get those, Myra? What if anyone see that? Baka isipin ng makakakita na binabastos kita!" Napasinghap ako. Kitang-kita ko ang pamumula ng mukha niya, tanda na galit na galit siya. Ito ba ang pambungad niya sa akin pagkatapos ng isang taon? He lecture me?

Claimed by HimWhere stories live. Discover now