Kabanata 13
Dance
Magkahawak-kamay kaming pinagmamasdan ang paglubog ng araw. Ang sarap ng hangin na tumatama sa mukha naming dalawa. Ang kalangitang unti-unting dumidilim, ang mga ibong naghahanap ng kani-kanilang masisilungan dahil magtatakip-silim na. Ang hanging unti-unting humihinahon at ang tibok ng puso naming kumakalma.
Napalingon ako sa ginagawa ni Arkin sa kamay ko. He draw a small circle on my palm. Hindi rin maalis sa labi niya ang matamis na ngiti. Kitang-kita ko rin ang kumikislap niyang mga mata. Isa na naman ba itong panaginip? Pwede bang humiling na sana huwag na akong magising sa panaginip na ito? Ang sarap sa pakiramdam na may totoo nang nagmamahal sayo. Hindi ka lang magiging masaya, magiging maligaya ka pa.
"It's tickles, Arkin. Don't do that!" Sigaw ko. Tumawa lang siya. Inayos ang pagkakahawak sa kamay ko at hinigpitan pa lalo ang hawak dito.
"Don't blame me. Blame yourself instead. Stop being adorable," he murmured. Kinalas ang hawak sa akin saka kinabig ako para mayakap. Bumungisngis ako. Hindi ko alam na ganito pala maglambing ang isang Arkin Hanze de Castro.
Ilang minuto pa na ganoon lang ang posisyon namin. Nakasandal ako sa dibdib niya habang yakap-yakap naman niya ako mula sa likuran.
Biglang nag-ring ang cellphone na nasa gilid niya. Sabay naming tiningnan iyon. Kinalas niya ang isang kamay sa baywang ko para masagot ang tawag.
"What? Party?" Baritonong sagot niya. Nakita ko rin ang pagtiim bagang niya.
/ Yes, bro! Nakakatampo ka na! You left Manila for a girl, Arki! I can't believe it! Akala ko study first? / may himig na tampo sa boses ng kausap. Don't blame me, okay? Maririnig ko talaga ang pinag-uusapan nila dahil nasa didbib niya ako.
"Ulol! I'm done reviewing kaya ako umalis sa Manila, Arthur! Kailan ba?" Nagtitimpi niyang tanong. Hindi ko maiwasang humanga sa kinikilos niya. May ganito pala talagang perpektong tao? Kahit galit na, gwapo pa rin.
/ Ngayon. We're on the way to your house, bro! / sagot nito sabay halakhak at pinatay na agad ang tawag.
Muntik ng mabitawan ni Arkin ang cellphone dahil sa sagot ng kaibigan.
He eyed me, apologetically. Nginitian ko naman siya. What's wrong with that? Hindi naman pwedeng ako lang ang makakasama niya. He has a friend before he met me. Walang kaso iyon.
"What?" Natatawang sabi ko.
Namungay ang kanyang mga mata. Binitawan ang cellphone para yakapin ulit ako.
"Ayokong pumunta. Gusto ko dito lang sa tabi mo," sabi niya, nakanguso. Humalakhak ako. Pinalong bahagya ang kanyang braso.
"Ano? No! Kung gusto mo, pwede naman akong sumama sayo." Sagot ko sabay ngiti sa kanya. Doon dumilim ang kanyang mukha. Eh? Ano na namang ginawa ko?
"Fine! Let's go," malamig na sagot niya.
Nagbago ang timpla ng mood ni Arkin nang makarating kami sa Club. Mukha siyang bugnot na bugnot habang nakatingin sa malawak na dancefloor. Nasa tabi man niya ako, parang hindi naman niya nararamdaman ang presensya ko.
Naiinis ako. Kanina lang ang lambing-lambing niya tapos ngayon nakasimangot na siya. Ni hindi nga niya mahawakan ang baywang ko. Nakakainis!
Mga limang katao ang lumapit sa amin. Mga nakabusangot ang mga mukha nito habang nakatingin kay Arkin.
"Ulol ka talaga, Arki! Pumunta pa kami sa bahay niyo tapos magtetext ka sa akin na nandito ka na pala! Gantihan lang?" Sinuntok pa niya ang balikat ni Arkin. Mas lalong dumilim ang mukha niya. Nakita naman iyon ng lalaki kaya tumikhim na lang ito.

YOU ARE READING
Claimed by Him
RomanceMyra Floresca Nolasco was a typical girl. She has all. Money, beautiful mansion, complete family, luxurious things, friends, and boy bestfriend. She has all that but one thing she doesn't have... someone can love her for who she is. Arkin Hanze De...