Kabanata 22
Surprise
There's two option to love someone, first, you can secretly hide your feelings towards him and second, you can confess to him that you love him. Nasa taong iyon lang malalaman kung reciprocated ba ang nararamdaman mo sa kanya.
Hindi ko inamin noon sa kanya na mahal ko siya. Hinayaan ko lang ang sarili ko na sumunod sa agos ng nararamdaman niya at nararamdaman ko. Kaya nang malaman ko ang tungkol sa ginawang pagsisinungaling ni Daddy sa mga magulang niya noon, naisip ko agad ang solusyon na iwan siya at magpakalayo-layo. Iyon ang unang pumasok sa isip ko para hindi ko siya masaktan. Kung kami talaga ang magkakatuluyan sa huli, gagawa at gagawa ng paraan ang tadhana para magtagpo ulit kami at umamin sa isa't-isa na hindi nagbabago ang nararamdaman naming dalawa.
And I know, this is the time, our fate.
Hindi ko inaasahan na makikita ko siya rito sa mismong Talyer namin. At sa mismong unang araw pa ng trabaho ko rito.
Ito ba ang gusto ng tadhana? Ayaw talaga ng tadhana na pahirapan kaming dalawa. Tama si Arkin. Six years is enough for the both of us. This time, we need to reconcile our feelings to each other. I, finally, confess that I love him before until now.
He cupped my face once again. He look at me in my eyes, longing.
"I love you, Myra. Please love me back..." he said, smiling.
Hinaplos ko rin ang mukha niya. Tinitigan siya sa kanyang mga mata. Kitang-kita sa mga mata niya ang matagal na niyang tinagong emosyon. Namumungay ito at nagsusumamo.
"People change, even the feelings... but my feelings for you is still there..." I pointed to my heart, throbbing like crazy.
"Stop begging, Arkin. Stop chasing me, because I won't go this time. I'm finally back to you. I love you..." I can't hold my tears anymore.
Nag-unahan silang tumulo sa mga mata ko. Tinanggal ko ang kamay ko sa pisngi niya para yakapin siya ng sobrang higpit. Humagulhol ako sa balikat niya. Ramdam ko rin ang panginginig ng kanyang balikat.
"Don't change your heart, baby. I keep that in mind," he huskily said, kissing my hair.
* * *
"Wala ka bang balak magpahinga, anak?" Tanong ni Daddy isang araw nang bumisita siya sa Talyer.
Tumayo ako para salubungin siya ng yakap. He kissed my hair and hugged me too.
"Busy po ang Talyer, Dad. Hindi ko naman pwedeng pabayaan ang mga trabahador natin. Kung busy sila, dapat busy din ako. We're team, you know?" Nangingiting sabi ko. Ginulo niya ang buhok ko at pinanggigilan ang pisngi.
"Kung kasama ko lang ang Mommy mo sa pagbisita rito, papagalitan ka rin niya. Pagdating talaga sa trabaho, manang-mana ka sa akin." Tumatawa niyang sabi. Napangiti ako.
Noon, I doubted the love he gave for Mom. Simula ng malaman ko na na-coma siya ng matagal na panahon at nagising lang para kay Tita Annie, gusto ko siyang saktan at murahin. Bakit hindi niya nakikita noon ang effort ni Mommy sa kanya? Nagiging bulag pala talaga ang pag-ibig? At nang hindi siya binalikan ni Tita Annie, he choose to chase Mommy. What an asshole!
Pero habang kinekwento ni Mommy ang ginawa ni Daddy sa kanya, nauunawaan ko na rin kung bakit hindi bumitaw si Mommy.
Hindi lahat ng pagkakataon, binibigay agad. May tamang oras at panahon para sa inyong dalawa.
YOU ARE READING
Claimed by Him
RomanceMyra Floresca Nolasco was a typical girl. She has all. Money, beautiful mansion, complete family, luxurious things, friends, and boy bestfriend. She has all that but one thing she doesn't have... someone can love her for who she is. Arkin Hanze De...