Kabanata 14
Jealous 2.0
Halos isubsob ko ang aking mukha sa lamesa dahil sa pagod na nararamdaman. Gusto ko ng sumuko sa pag-aaral! Ang hirap-hirap sa College. Hindi pa man kami tapos sa isang lesson, another lesson na naman. Hindi na maabsorb ng utak ko ang lahat ng sinasabi ng Prof ko. Mabuti pa ang iba kong kaklase, aliw na aliw sa tinuturo ng Prof namin.
Nakanguso akong tumingin kay Rolly. Hindi niya ako napapansin dahil busy siyang nakikinig sa guro sa unahan. Napalabi ako. Humulumbaba habang nakatitig sa kawalan. Gusto ko na magbreak! Lugaw na lugaw na ang utak ko.
"—- dismiss," Nabalik ako sa reyalidad ng marinig ang pag-dismiss ni Prof. Nang makalabas ang guro, tumayo ako at nagtatalon. Yes! Sa wakas, tapos na!
"Ang saya-saya ah," kantyaw ni Rolly. Ngumisi ako sa kanya. Lumapit para akbayan siya.
"Kain tayo!" Pasigla kong sabi. Nginitian niya ako ng malawak. Kinurot pa ang pisngi ko bago nagsalita.
"May pupuntahan ako, Flor," malumanay na sabi niya. Ngumuso ako. Tinanggal ang pagkakaakbay sa kanya. Nakakatampo naman.
Tumango lang ako sa kanya nung lumabas siya sa classroom. Ako na nga lang mag-isa ang pupunta sa cafeteria. Tss.
Nasa bukana pa lang ako ng cafeteria, napasimangot na agad ako. Heck! Bakit ang daming estudyante na kapareho namin ng breaktime? Paano ako nito kakain?
Maglalakad na sana ako papasok nang biglang mabunggo ako ng isang grupo. Nagtatawanan sila kaya hindi nila ako napansin. Pagsasabihan ko na sana sila ng makita ko ang lalaking kinaiiritahan ko. Nakangisi siya sa akin habang pinapasadahan ako ng tingin, ulo hanggang paa. Tinaasan ko siya ng kilay. Humalukipkip.
"Long time no see, Miss Nolasco. I know, you remembered me?" Mayabang niyang sabi. Inayos pa niya ang kanyang buhok, nagpapapogi. As if naman kikiligin ako sa paganyan-ganyan niya.
"Sinong hindi makakaalala sayo? Isang lalaking walang modo at bastos? Ah, Right! You must be Alexis?" I mocked him. Nagtiim bagang siya. Nakita ko rin ang pagkuyom ng kanyang kamao. His friends gasped, hindi inaasahan ang sinabi ko. I smirked.
"Pardon me," habol ko pa. Nilagpasan ko silang lahat. Natawa pa ako dahil sa pag-awang ng mga bibig ng mga kaibigan niya.
Hindi na ako dumerecho sa cafeteria. Pumunta na lang ako sa likod ng eskwelahan. Malakas na hangin ang sumalubong sa akin pagkatapak-tapak ko pa lang sa malawak na damuhan. Napapikit ako ng marinig ang mga ibon na nag-iingay dahil sa nagagawa nilang kalayaan. Ang mga pagaspas ng mga dahon ay sumasayaw kasabay ng hangin. Umupo ako sa lilim ng puno. Binaluktot ang tuhod para mayakap ito.
My stomach make a sound. Napangiwi ako dahil gutom na talaga ako. Kung hindi lang maraming estudyante ang nasa loob ng cafeteria, kung hindi ko lang nakita ang lalaking iyon, nakakain na sana ako ngayon.
Umayos ako ng pwesto. Sinandal ang likod sa katawan ng puno at marahang pumikit.
Mag-iisang linggo na simula ng pumunta kami ni Arkin sa Club. Mag-iisang linggo na rin na hindi na naman siya nagpaparamdam. Aphrodite gave me another picture frame, it's our picture again. Ang nasa larawan ay noong nasa bahay nila kami. Me and Arkin kissing each other. Pinamulahan pa nga ako ng mukha nang makita iyon. Kaya hindi ko rin siguro maiwasang ma-miss si Arkin.
Naaalala kaya niya ako? May pinaplano na naman ba siya para sorpresahin ako? Kung may numero lang niya ako, na-text ko na siya. Our feelings is mutual, right? Hindi lang naman siguro ako ang nagmamahal?
YOU ARE READING
Claimed by Him
RomanceMyra Floresca Nolasco was a typical girl. She has all. Money, beautiful mansion, complete family, luxurious things, friends, and boy bestfriend. She has all that but one thing she doesn't have... someone can love her for who she is. Arkin Hanze De...