Zaya's POV
Napagkasunduan naming Zapphire ang ipangalan sa baby girl namin.At makalipas nga ang dalawang buwan ay ito at nag aasikaso naman kami para sa binyag nya.
Nasunod ang gusto nina Axel,Rain at James na maging Ninong sila.Umuwi naman si Regz galing California.Nag iisa syang Ninang.Wala kasi si Zen eh .Kung nandito yun di rin yun papayag na di sya maging Ninang.Sa mansyon gaganapin ang venue.Nagpacatering service nalang ulit kami para di ganun kapagod.
"Let's go na",yaya ni Zaire at binuhat na si Zapphire.Papunta na kaming simbahan.Kagabi pa kasi sa mansyon ang mga Ninong at Ninang kaya sabay sabay na kaming pupunta sa simbahan.
"Sa kotse ko nalang tayo",wika ni Rain kay Regz at James na ngayon ay hindi pa rin nag uusap.Kahapon naman ay civil sila sa isa't isa.Ano kayang nangyari sa dalawang ito.
"Sure",wika ni Regz at nauna na sa frontseat.Ang ganda ganda nya sa suot nya.Simpleng white dress lang naman pero nagmukha syang diwata.Kahit yata polyethylene ipasuot dito maganda pa rin sya.Kaya patay na patay si James eh.Kaso olats pa din.
Sina Axel naman ang magkakasama nina Tito at Tita.Kung noong birthday ni Zach ay konti ang bisita ngayon ay marami na.Imbitado lahat ng empleyado sa WGC.
Sa likod kaming mag iina naupo.Kalong ko si Zapp at katabi ko naman si Zach na nilalaro ang kapatid nya.Bigboy na talaga ang baby ko.Pagkagaling nya sa school ay lagi nyang hanap ang kapatid nya.
Kami lang ang magpapabinyag ngayong araw kaya saglit lang ang seremonyas at natapos na din agad.Laking pasasalamat ko naman at hindi umiyak si Zapp.Parang aliw na aliw pa sya sa binuhos ni Father sa ulo nya.Akala yata ay naliligo sya.
Agad naman syang pinagpasa pasahan ng mga Ninong at Ninang nya.Picture taking muna bago lisanin ang simbahan.
Pagktapos nang picture taking ay diretso na sa kanya kanyang mga sasakyan pabalik sa venue.
Di naman magkamayaw sa dami ng bisita.Halos lahat nga ng empleyado ay nagdatingan.Masaya silang nakukwentuhan habang kumakain.
"Maam where should I put this?",tanong ni Ms.Alva sabay taas ng regalong bitbit.
"Dito nalang.Salamat Ms.Alva .",sya kasi ang pansamantalang pumalit sa pwestong nabakante ko.Nakaleave ako for three months.
"You're welcome Maam",nakangiting wika nya.
"How's our department so far?",naitanong ko out of curiosity.
"Doing fine Maam.You don't have to worry.Everything is under control",nakangiting wika nya.
"Im not worried.I know I can trust you.",nakangiting sagot ko din."Pano enjoy kayo ha.Kakausapin ko muna ibang bisita",paalam ko.
"Sure Maam."
"Zai,kanina pa kita hinahanap",si Regz naman.
"Bakit?",takang tanong ko.
"May tumatawag sa phone mo.Bes Zen ang pangalan",wika nya.Nakacharge kasi ang phone ko sa kwartong ginagamit nya.Nanghiram kasi sya ng charger kagabi kaya di ko na kinuha.Doon nalang ako nagcharge.
"Talaga?",tuwang tuwang wika ko."Wait lang at tatawagan ko",paalam ko.After ilang dekada ay naisipang tumawag ng bruha.Nag call back ako.
Nakailang dial na ako ay wala pa ding sumasagot.Inulit ko ulit.
"Hello Zaiiiiii",tili nya sa kabilang linya.
"Hoyy bruha ka nasaang lupalop kaba?Bakit ngayon ka lang nagparamdam?",tanong ko agad.
"Andito ako sa Mindanao.Kinuha phone ko ni Tita.Sorry di ako nakapagsabi"
"Bakit anong nangyari?",
"Ewan basta may kumidnap sakin.Pag gising ko andito na ako sa gitna ng dagat.Sa isla.Tapos kasama ko si June"
"Si June???Bakit??Paano?"
"Pakana to ni Dad at Tita.Pinatapon nila ako dito para di ko mapigilan ang kasal nila.Ayaw ko na dito Zai.Walang internet,generator lang gamit namin.Saka walang aircon.Saka madaming insekto.Saka----tot tot tot..
Nawala na ang kabilang linya.Di ko pa natatanong kung saan sya sa Mindanao ay namatay na ang tawag.Nang idial ko ulit ay unattended na.
Kailangan kong malaman kung nasaan sya.Knowing her di talaga yun sanay sa buhay probinsya.Ni lamok at ipis ay di sya madapuan.Hihingi nalang ako ng tulong kay Zaire.Lumabas na ako at inasikaso ang mga bisita.Karga naman ni Regz ang anak ko.Si Zaire naman ay nakikipag usap din sa ibang bisita.Si Zach ay andoon kay Tito Axel nya.Close na sila.Tito Pogi na ulit tawag nya.Ewan ko kung anong klaseng pang uuto ang ginawa ng pinsan ko.
"Where have you been?",bulong ni Zaire ng makalapit na sakin.
"Upstairs,tumawag si Zen.Nasa mindanao daw sya.Pinatapon ni Tito.Di ko pa natatanong kung saan sa Mindanao ay naputol na ang tawag.Can you help me to find her?",pakiusap ko sa kanya.
"Ofcourse.Don't worry too much okay?Akong bahala"
"Thank you"
"Youre welcome.Let's just talk about that later okay?For now let's enjoy this moment.Shall we?",tanong nya.
"Yeah.Sure",sagot ko.
Nang pahapon na ay nagsipag alisan na ang mga bisita.Mga malalapit na kamag anak na lang ang natira.Ang mga empeyado sa kompanya ay nag uwian na.
"Zaya come here",yaya ni Regz."Magpapasama sana ako sayo"
"Where?"
"Sa rooftop.Gusto ko sana makita ang view from there.I love stars",sabi nya.Gabi na kasi.Naiwan ang mga bata kay Rosie.
"Sige.Let's go"
"Yes.Sana pala dinala ko camera ko.Para macapture ko ng mas malinaw ang buwan at bituin"
"Ang dilim dito Regz",wika ko.Sa taas lang maliwanag pero dito sa pwesto namin ay madalim.
"Kaya nga mas mgandang mag star gazing eh.Kasi sila lang ang makikita mong liwanag.Look may shooting star",wika nya sabay turo sa taas.Napatingala naman ako.
Sa bilis ng bulalakaw ay hindi na ako nakapag wish.Nag abang ako baka may susunod pa.Di ko inalis ang tingin sa taas.
Maya maya pa ay nag yaya na si Regz pababa.Nilalamig na yata.Naka dress pa kasi na sleeveless.
Nang makarating kami sa baba ay tahimik na.Madilim na din.Bubuksan ko sana ang ilaw pero pinigilan ako ni Regz.
"Look there",wika nya sabay turo sa likod ko.Paglingon ko ay may ibat ibang kulay ng ledlights at nakasulat ang WILL YOU BE MY WIFE?
Nagulat ako sa nangyari.Di agad nakapag react ang katawan ko.Namalayan ko nalang na nagbukas ang ilaw at nakaluhod na sa harap ko si Zaire.
"Will you do the honor of becoming my wife?",ulit nya.
"Yes .",sagot ko at tumayo na sya para isuot ang magandang singsing.
Nagpalakpakan naman ang mga tao sa paligid.Na hindi ko namalayang nanonood na pala samin.
"Yes thank you sweety.Iloveyou",wika nya.
"Thank you",sagot at nagtawanan sila.
Hinapit naman ako ni Zaire palapit sa kanya."Alam ko na kung paano ka magsasabi ng iloveyoutoo.Maghintay ka mamaya",bulong nya at pinamulahan ako ng mukha.Ang loko at tinotoo nga ang sinabi.Bago kami matulog ay nakailang round din kami.
BINABASA MO ANG
Accidentally Mom(COMPLETED)
Short StoryBeing a mother at such a young age is a big responsibility.How can you survive when you dont have a knowledge on how to raised a child? The worst thing is that you cant even tell to the father of your child because it was just a mistake.And you're h...