Chapter 25

225 11 4
                                    


Zaire's POV

Nadatnan kong tulala si Zai.Kinakausap sya ng anak namin pero tumatango lang sya.

"Daddy, you're here na",saka nya lang namalayan ang presensya ko.

"Come here buddy",wika ko at nilapitan sya.

"Daddy I'm hungry na po.Kanina pa ako nagsasabi kay Mommy di nya ako pansin",sumbong nya.

"Hey what's wrong?",tanong ko kay Zai.

"I will tell you later.Kumain na muna tayo.Let's go.Nagluto si Rosie ng sinigang",sagot nya.

****

"Pumunta kanina sa Zeph sa opisina ko.Pinagbantaan nya ako.Pag hindi  kita nilubayan ay baka madamay ang anak ko.Bumalik ka nalang kaya muna sa bahay nyo??Pag nalaman nyang mgkasama tayo lalo yung magagalit",sabi nya.

"Don't worry akong bahala sa kanya.Di ako papayag na madamay anak ntin"

"Lumayo kana muna"

"Mas mapoprotektahan ko kayo kung kasama ko kayo."

"Paano kung----"

"Basta di ako aalis.Kakausapin ko nalang sya"

"Siguraduhin mo lang na di madadamay si Zach"

"Promise"

Zaya's POV

Regular kaming nag uusap ng pinsan kong si Axel.Nasa Sorsogon pa daw sila.Balak na kasi nila ibenta ang bahay at lupa nila doon.

Wala pa din akong balita kina June at Zen.Sure na pupuntahan ko mamaya ang bahay ni Tito.Tatay ni Zen.

Maaga akong nag out.Diretso ako sa mansyon nina Tito.Di biro ang trapik papunta sa bahay nila.5 ako umalis ngayong alas otso pa lang ako paparating sa kanila.

Pinindot ko ng ilang beses ang doorbell nila.

"Kayo po pala Maam Zaya.Pasok po kayo",pinagbuksan ako ng mayordoma nila.Madalas kami dito ng anak ko kaya kilala na kami ng mga tao dito.

"Manang asan po sina Tito?",tanong ko.

"Nasa business trip sya iha.Bakit mo naitanong?",sagot isang eleganteng babae na pababa ng hagdan.Siya ang kinasama ngayon ni Tito.Ayaw sa kanya ng bestfriend ko kaya ayaw ko din sa kanya.Feeling kasi namin ay gold digger ito.Ito nga at nasa bahay lang pero nakasuot pa ng mamahaling alahas.

"How about Zen,Tita?Hindi po ba sya umuuwi dito?Matagal na po kasing di umuuwi ng condo si Zen.Nag aalala na po ako"

"You don't have to worry Iha.She's somewhere in Mindanao.Walang signal sa lugar kaya di ka nya makontak"

"Ano pong ginagawa nya doon?"

"Vacation my dear.You don't have to worry anymore.Rest assured na safe sya.Do you want to eat here?"

Ewan ko ba pero kakaiba talaga ang feeling ko kay Tita.Feeling ko may tinatago sya.Baka sya ang dahilan kung bakit nawawala ang bestfriend ko.Wala tlaga akong tiwala sa hilatsa ng pagmumukha nya.

"Hindi na po Tita.Uuwi na din po ako.Naghihintay na po ang anak ko",baka hindi rin ako matunawan kapag ikaw ang kasabay ko kumain.

Nagpaalam na ako.Mahirap kasi baka matrapik na naman.

Habang binabaybay ko ang kahabaan ng edsa ay nakakaramdam na ako ng gutom.Saktong pagkalabas ko ng Edsa ay bumulaga sakin ang trapik sa may intersection.Pagsulyap ko sa relo ko ay pasado alas dyes na.Malamang tulog na ang anak ko.

Matawagan nga si Zaire.Kinapa ko ang cellphone ko.Sa kamalas malasan ay empty bat pa.Baka naiwanan kong bukas ang data.

Bago pa ako nakalampas sa trapik ay alas onse na.

Accidentally Mom(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon