Chapter 17

266 14 2
                                    


Zaya's POV

Maaga akong pumasok sa opisina.Nagkita na nman kami ni June sa cafeteria.

"Goodmorning Zaya"

"Goodmorning mo mukha mo.Bakit naman di ka nagpapakilala sa bestfriend ko?Tinadtad mo pa ng text"

"Nasabi nya sayo?"

"Oo galit na galit na ang loka.Bakit ko daw pinamigay ang number nya"

"Hahaha hayaan mo at magpapakilala na ako."

"Dapat lang.Wag mo nang hintayin na mag init din ang ulo ko sayo"

"Oo na.Mamaya magpapakilala na ako.Nakasabay ko kanina sa elevator ang sekretarya ni Boss,narinig ko na naka leave daw si Boss ngayon.Bakit kaya?"

"Baka may aasikasuhin.Tara na kumain.Ako na magbabayad for real na this time"

"Sige salamat naman hahaha"

Nasa opisina na ako ng narealize ko kung bakit absent si Sir.Shit nasa bahay nila ang anak ko.Araw araw sinusundo ni Mang Andy.Hindi kaya itakas nya ang anak ko?Baka nagtanong sya kay Tita at sinabi naman ni Tita.Tapos ngayon ay itatakas nya na ang anak ko.Susmiyo wag naman sana.Kung anu ano ng pumapasok sa utak ko na eksena.

Nagpasya akong tawagan si Tita.

"Hello Zai,napatawag ka?May problema ba sa kompanya?",asked Tita.

"Wala naman po.Tita si Zach po kumusta?Nandyan na po ba sila ni Rosie?",tanong ko.

"Oo andito na.Naglalaro na sila"

"Sila?Sino pong kalaro ng anak ko?Si Sir po ba?Di po kasi sya pumasok ngayon",kinakabahang wika ko.

"Relax Zai.Syempre kalaro nya ang Lolo nya.",sabi ni Tita.Nakahinga naman ako ng maluwag.

"Thanks God",wala sa loob na naibulalas ko.

"Bakit Iha?Nag aalala kaba?Don't worry gaya ng sabi ko your secret is safe with me",sabi nya na mukhang nabasa ang tumatakbo sa isipan ko.

"Pasensya na po Tita,napaparanoid lang po yata ako"

"I understand.Yun lang ba sasabihin mo?Wala namang problema sa kompanya?"

"Yun lang po Tita.Wala naman pong problema.Pasensya na po sa abala.Bye po Tita"

"Sige Iha"

Yan kasi kung anu ano kasing iniisip mo.Hayss.Makapag trabaho na nga lang ng makauwi ng maaga.Kailangan ko sunduin ang anak ko ng maaga mamaya.

Zaire's POV

Mula ng nalaman ko kung sino ang mystery girl four years ako,hindi nawala ang posibilidad na maaring nabuntis ko nga sya.

Idagdag pa ang pagiging magkamukha namin ni Zach at parehas kaming allergy sa peanut.Baka namana nya sakin yun.I need to find out kaya ito ako ngayon.Di pumasok sa trabaho para makasama ang hinihinalang anak ko.

"Zaire tumawag si Zai.May problema ba kayo?Bakit parang takot sya na lumapit ka kay Zach",Mom asked.

Mas lalo lang tumindi ang hinala ko.Kung di sya guilty ay bakit kailangan nyang matakot?

"It's nothing Mom."Saka ko na sasabihin pag sigurado na ako."Mom why don't we go shopping today?" palusot ko lang yun.Gusto ko lang makasama sa kumain sa labas si Zach.Para kung sakaling anak ko nga sya ay hindi na ako mahihirapang kunin ang loob nya.

"Kayo nalang kaya anak ni Zach.Wala ako sa mood mag shopping today.Saka mas gusto kong kasama si Zai.Hindi nya ako minamadali sa pagpili ng mga damit at bag",wika ni Mom na ikinatuwa ko naman.

"Sure Mom,wag mo nalang po sana mabanggit ito kay Zaya."

"So you want me to lie?"

"Ofcourse not.You just keep it a secret"

"Tell me what is the difference between the two",hamon ni Mom.

"Mom telling lie means nagsabi ka ng di totoo.While keeping a secret is hindi ka lang magsasalita kaya hindi yun kasinungalingan"

"Whatever",Mom rolled her eyes."Sige na di ko na sasabihin.Pero pag nalaman nya kasi sinabi ng anak nya ay labas na ako doon.Maliwanag?"

"Maliwanag Mom"Mag aasikaso lang po ako.Aalis na kami within an hour"

"Sige ako na bahala mag asikaso sa apo ko.Ako na din magpapaliwanag na aalis kayo"

"Thanks Mom.You're the best"

We spent most of the time sa arcade.Panay lang ang laro ng kasama ko.Hinayaan ko lang sya.Mukha namang nag ienjoy sya.

"Tito,Im hungry",wika nya ng matapos na maglaro.

"Okay let's find a good place to eat.What do you want buddy?"

"I want chicken,spaghetti,sundae and fries",sabi nya.So we ended up in a fast food chain.Typical batang pinoy.Wala yatang batang pinoy ang di naakit ni Jollibee.

Pagkatapos namin kumain ay pumunta kami sa Toy's section.Titig na titig na naman sya sa malaking laruan.Kasing laki ng huli kong binili pero mas maganda ang disenyo.Hm may taste pumili.

"You want that?"

Bahagya syang umiling pero ayaw naman bitawan ng tingin ang laruan.

"Why?It's beautiful",I try to convince him.

"Mommy will get mad at me"sagot nya.

"Why?Because already have one?"tanong ko.Tumango lang sya.

"How about Tito will buy that and you will play that car in Lola's house only."

"Mommy can still see that."

"Akong bahala okay.?We will buy that"

"Really Tito?",nakangiti na sya.

"Yes.Really."

I ended up buying that car.Halos di na magkasya sa compartment kaya nakabukas nalang sa likod.Wala namang pagsidlan ang saya ng bata.

Zaya's POV

Maaga akong nag out.Dahil nga napaparanoid na ako di na rin ako mkafocus sa trabaho.

Dali dali akong nagmaneho punta kina Tita.Pagdating ko ay mukhang nagulat sa Tita.Di yata inaasahan na maaga ako darating.

"Zai,maaga ka yata ngayon.Halika pasok.May meryenda dito",sabi ni Tita na mukhang nataranta.Bakit parang ang tahimik ng bahay?At saka nasaan ang anak ko?

"Tita nasaan po si Zach?"tanong ko at mukhang kinabahan si Tita.

"Zai ano kasi---

"Mommy...Mommy..--bago pa makasagot si Tita ay narinig ko na ang sigaw ng anak ko.

Paglingon ko ay nakita ko syang karga karga ni Zaire at mukhang galing sa galaan.

"Anak saan ka galing?"tanong ko sa anak ko ng makalapit na sakin.

"We go to the mall.We play Mommy",sagot ng anak ko.Paglingon ko kay Zaire ay bumalatay sa mukha nya ang pagkaguilty.

"Lets talk",sabi ko sa kanya."Anak dito ka muna kay Lola.Mag uusap lang kami ni Tito",baling ko sa anak ko.Tumango naman sya.Clueless sa mga nangyayari.

Umakyat sya sa study room kabuntot ako.Pagpasok na pagpasok palang at binanatan ko na agad.Walang intro intro.Chorus agad.

"Diba sinabi ko na sayong hindi mo anak ang anak ko?Hindi kaba nakakaintindi?O ayaw mo lang intindihin?Mahirap bang intindihin ang sinabi ko?"

"Hindi",sagot nya.

"Yun naman pala.Ayaw ko ng mauulit ito."

"Hindi ko nga ba anak si Zach?"patuloy nya."Bakit parang takot na takot ka?May tinatago kaba?"

Napakurap ako ng ilang beses.

"Wala.Wala akong tinatago"

"Sana nga.Sana nga hindi ka nagsisinungaling.Sa oras na malaman ko na nagsisinungaling ka----

"Ano aagawin mo anak ko?"Ilalayo mo sya sakin?"

"You will see"


Accidentally Mom(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon