Chapter 4

265 13 9
                                    

Zaya's POV

I woke up early.Handang handa na ako para sa exam.Isa pa baka mainip si Sir na pogi sana pero masama ang ugali kakahintay sakin.

I wore my glasses again.Pinili ko ang long sleeve na puti n bihirang bihira kong gamitin sa kumbento.Maliban na lamang kung ako ay magnininang sa binyag.Wala naman kasi akong maraming damit.Ito na ang pangmalakasan ko.Todo na to.

Pantalon na blue sa pambaba.Yung mga nauso pa noon na pantalon.Kung ano ang laki sa may hita ay ganoon din hanggang sa baba.Square pants na yata ang tawag ng mga taga Manila dito.

Sa paa nman ay ang nag iisa kong rubber shoes na regalo pa ni Mother Superior nung nag 16 years old ako.Ingat na ingat ko ito kahit ng minsang napagala ako sa palengke eh nakita ko ang presyo tig 250 lamang.Wala nman sakin yun,ika nga "It's the thought that matters".

"Zaya,goodluck sayo.Galingan mo ha",salubong ni Tita.

"Sure tita.Makakaasa po kayo",sagot ko naman.

"Sige na punta kana sa sasakyan ni Zaire at kanina pa yun naghihintay",

"Sige po.Mauuna na po kami",paalam ko.

"Stop the crap and get in now",mabagsik na wika ni Poging Masungit."Were getting late.Naiipit na tayo ng trapik pag binagalan mo pa",dagdag pa.

Hmp.Naku kung di lang talaga pogi.Walang imik akong sumakay sa likod.

"Hey,Im not your driver.Sit here in front.Pagmumukhain mo pa akong driver."

Agad naman akong lumipat ng pwesto.Sa byahe ay tahimik kaming pareho.Di naman kami close para mag usap.Kung ayaw nya ako kausap di wag.

"Yes babe",sagot nya ng tumunog ang kanyang cellphone.

Babe pala ha.May girlfriend na pala.Akalain mo yun may nakatiis sa ugali nya.

"Talk to you later babe,Im driving.Yeah yeah.Uuwi ako sa condo mamaya.Kita na lang tayo doon.Goodbye na",paalam sa kausap.

Ganun ba talaga yun?Ang babae na ang pumupunta sa bahay ng lalaki?Kung sa probinsya yan malamang ipinatawag na ang magulang at siguradong kasalan agad.

"Were here",maya maya ay wika nya.

Inilibot ko ang paningin sa malawak at matayog na building.Ang laki pala ng Manila College.

Tinanggal ko na ang seatbealt at bumaba na.

"Here,"sabay abot ng calling card."Text me when you're done.Maglilibot lang ako sa mall."

"Sige po Sir.Salama--",abat di pa ako tapos magsalita ay sumibad na.Napaka bastos talaga naman oo.

Sa lawak ng building ay di ko alam kung saan gaganapin ang entrance exam.Palinga linga ako sa paligid.

"Hey,Miss",tawag ng babae sa likuran ko.

Deadma lang.Baka hindi naman ako ang tinatawag.

"Miss na naka longsleeve.Hey you",wika pa.

"Ako ba?", turo ko sa sarili.

"Oo Miss ikaw nga.Mag eexam ka din ba?Sabay na tayo.Wala akong kasabay ii.Zen nga pala",pagpapakilala nya sakin.

Maganda si Zen.Pati porma nya ay halatang pang mayaman.Maputi at sexy.

"Oo mag eexam din ako.Zaya nga pala",wika ko.

"Anong course ba kukunin mo?",tanong nya.

"BS in Accountancy sana.Ikaw ba?"

"Really?Yan din gusto ko eh.Buti na lang may kasabay ako.Let's go na.",

"Alam mo ba kung saan mag eexam?Ang lawak naman kasi ng school na to",tanong ko.

"Of course Dear.My dad is a shareholder of this school.Ayaw na nga ako pag examin kasi pasok na daw ako pero ayoko ng ganun.I want to try my best.Gusto ko nakapasok ako dhil kaya ko at di dahil may backer ako",paliwanag nya.

Mayaman nga.Kaya pala.

"So lets go and let it done.C'mon Zaya.Goodluck to us."

That's how me and Zen met.We became friends after that.Mabait naman sya kahit mayaman.Di sya yung maarte gaya ng ibang mayayaman.

I called Sir Zaire after the exam.Madali lang pala exam.More on Math kaya chicken lang sakin.Medyo nangamote lang ako sa English pero keri naman.Malaking tulong yung mga nabasa ko sa Internet kagabi.

"Hello Sir.Tapos na po kami mag exam.",bungad ko pagkasagot nya ng tawag ko.

"Sige just wait for me.Palabas na ako ng mall.Kung saan kita binaba kanina doon mo na lang ako hintayin",wika nya

"Okay po Sir.Hinta--' tot tot",pinatayan ako ng kumag.Attitude talaga.

Zaire's POV


Malayo pa lang ako ay tanaw ko na si Tandang.Palinga linga sya na animo'y nawawalang bata.

Mabilis kong pinasadahan ng tingin ang suot nya.Really?White long sleeves.Mukhang galing sa pagnininang lang ang peg.At yung pantalon?Nineteen forgotten pa yata nauso ang ganyang pantalon.Ang sapatos na unang tingin pa lang ay alam mo ng mahinang klase.Panigurado akong lalaitin sya ng mga magiging kaklase nya.Pang mayaman ba nman ang school na napili nya.

"Get in",pagkakita nya sakin ay lumiwanag ang mukha nya.Parang tuta na binalikan ng nanay nya.

Walang imik syang sumakay sa unahan.

"So how's your exam?",out of nowhere na tanong ko.Di naman ako interesado.Naisipan ko lng itanong.

"Okay naman po.Nasagutan ko lahat.Sa english mahirap pero sa Math chicken lang",sagot nya.Sa dami ng sagot nya ay chicken lang naintindihan ko.May lahi nga yata sila na manok.Tandang at chicken.Perfect match.

Zaya's POV

Pagkarating namin sa bahay ay agad akong kinumusta ni Tita.

"So hows the exam?Mahirap ba?"tanong nya.

"Di naman po Tita.Nasagot ko naman po lahat.Nextweek po ay ipopost sa Website ng school ang result."wika ko.

"Goodluck Zaya.I know makakapasa.May tiwala ako sayo",

"Salamat po Tita".

"Mom,i will leave later.Balik na po ako sa condo,"singit ni Zaire.

"Agad?Kailangan ba tlaga bumalik agad anak?Di pa kayo nagkikita ng Dad mo."

Naku tita may babalikan yang babae sa condo nya.Kung alam nyo lang.

"Mom,may aayusin lang kami konti sa school.Tatawag po ako pag nakita ko na schedule ng graduation namin."

"Sige anak.Kumain muna kayo ng makapagpahinga muna.Let's eat."

After lunch tumulong ako kay Manang maghugas ng pinggan.Ayaw nya pa nung una pero napilit ko naman sya.

Nagtungo ako sa kwarto ko at umidlip saglit.Nang nagising ako ay wala na si Sir Poging Masungit."Thanks Lord buti nman.Makakahinga na ako ng maluwag."

After one week ay nakita ko ang pangalan ko sa mga nakapasa.Tuwang tuwa si Tita.Hinanap ko din ang pangalan ni Zen.Nakapasa din sya.Simula na ng tunay na laban nextweek.Papasok na ako sa Kolehiyo.Parang kelan lang suntok sa buwan na makapag aral ako.Pero heto ako ngayon at magkokolehiyo na.

Gumradweyt na din si Sir Zaire.Lumuwas sina Tita at Tito pero nagpaiwan ako.Pinipilit ako ni Tita sumama pero umayaw ako.Baka laitin na naman ako ng kumag na yun.Kahit di nya sabihin ay alam ko sa sarili ko na nilalait nya ako.Sa mga tingin pa lang nya ay alam ko na.


Accidentally Mom(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon