Keep on voting para mkita nyo pangalan nyo sa sunod na update ko.☺Zaire's POV
Nang nakita kong prenteng nakaupo sa sofa si Axel ay gusto ko syang sugurin ng suntok.Matinding pagpipigil ang ginawa ko dahil kasama ko ang anak ko.Ayaw kong isipin nya na okay lng manakit ng kapwa.Naniniwala kasi ako sa kasabihang "Your child will follow your example,not your advice".
Kailangan ko munang kumalma.Di naman ako ganoon ka martir para harap harapang makipagplastikan sa kanila.Tao lang ako nasasaktan at napupuno din.
Kinuha ko ang kotse sa bahay at tumulak ako papunta sa condo ni Rain at James.Nasa iisang building lang din kasi ang dalawang yun.Magkaiba lng ng condo unit.
"Oh pre napatawag ka",sagot ni Rain ng tawagan ko.
"Punta ako diyan pre ngayon.Wala ba kayong lakad ni James?",tanong ko.
"Wala naman pre.Balak namin manood ng Kingdom sa Netflix pre.Ang ganda daw kasi Zombie series.Papunta na nga dito si James eh.Bakit napadpad ka yata dito?Akala ko ay full time Dad kana",mahabang daldal ni Rain.
"Mamaya na tayo mag usap.Tinatanong ko lang naman kung bakante kayo"
"O sige pre.Dala ka alak at pulutan.Kunwari kapa pag may problema ka lng naman pumupunta sa condo",kilala tlaga nya ako.
"Sige ako ng bahala."
"Yownn.Sige na pre.Andito na si James hintayin ka namin bago namin panoorin ito.Kainan yata ito pre eh.Sige na bye",pahabol pa.
Dumaan muna ako sa grocery store sa baba ng condo.Bumili ako ng hard drinks.Kanina ay napadaan ako sa Giligans nag order ako ng madaming sisig pang pulutan.Pagdating ko ay naka set up na ang table sa harap ng 40 inches na TV ni Rain.
"Tagal mo pre.Kanina ko pa gustong pindutin ang play button nito",kupal tlaga.
"Di sana di mo na ako hinintay.Di naman yan ang pinunta ko dito eh.Pumunta ako dahil dito",sabay taas ko ng bitbit kong alak at pulutan.
"Wow.Nakakamiss ang sisig.Tara simulan na natin yan",si James.
"I play mo na pre.Tingnan natin kung maganda talaga",ayaw paawat ni Rain.
"Ay hala.Bakit dumating ang zombie ng umaga?Anong nangyari?",tanong ni Rain.
"Malay ko.May season 2 nga diba",si James naman.
"Search mo nga pre kung available na season 2",Rain said.
"Ito na pre.Di makapaghintay."
Kanina pa ako nandito pero itong dalawa ay wiling wili manood.Tapos na ang isang season.1 oras isang episode naka anim na sila.Lasing na ako pero di pa kami nag uusap ng maayos.
Tumayo na ako.Mga buset akala ko pa naman ay dadamayan ako.
"O pre saan kana pupunta",takang tanong ni Rain.
"Uuwi na ako.Mga gago manood nalang kayo jan.Pakasaya kayo",wika ko.
"Uy pre mamaya kana umuwi.Hindi pa pala tapos ang season 2",wika ni James at bahagyang siniko si Rain.
"Hindi alam ko yang palabas na yan.Tapos na ang season 2 nyan.Manood na kayo nakakahiya naman sainyo",sabay lakad ko palabas ng pinto.
Humabol naman ang dalawang loko.
"Hahaha sorry na pre.Ito na di na kami manonood.Inom na ulit.Tara",at kinaladkad nila ako pabalik sa upuan ko.
"Ano bang problema pre?",maya maya ay tanong ni James.
BINABASA MO ANG
Accidentally Mom(COMPLETED)
Cerita PendekBeing a mother at such a young age is a big responsibility.How can you survive when you dont have a knowledge on how to raised a child? The worst thing is that you cant even tell to the father of your child because it was just a mistake.And you're h...