Zaya's POVNasa kwarto ako ni Zach kasi pinatulog ko muna sya.I was scrolling in my Instagram account.Bihira lang ako gumamit ng social media.Halos si Zach nga ang laman ng account ko.
May nag notif sa baba.
_prettyregz started following you.
Nakahiligan ko na kasi ang mag followback sa lahat ng followers ko.Ang unfair kasi kung gusto mo ikaw lang ang ifofollow.I mean kahit di mo naman sila pinilit na i follow atleast have a decency to followback as sign of gratitude.Give and Take ba.Hindi pwedeng take lang ng take.Pag likers mo make sure you return the favor.Kasi kung hindi magsasawa din yan maglike sa post mo.
So i opened her account para mafollow ko sya.May post sya recent lang.May kasamang lalaki?Di ganun kalinaw ang mukha pero nakatag naman kay @z.wade.I stalk her account marami silang picture ni Zaire sa Scotland.Naextra din sa picture si Rain.Kaya pala hindi umuuwi may girlfriend na pala.
Biglang nanghinayang ang puso ko.Yan kasi arte arte kapa.Ginto na naging bato pa.Hayy.Kung di lang kasi dahil sa lokong Axel na yan.Speaking of Axel wala na din paramdam ang pinsan ko.
Si Zen ay nasa Mindanao,si June nag resign na daw ng tuluyan,si Axel missing in action at si Zaire?Ayon lumalablayf.
Kung kelan naman handa na akong bigyan sya ng chance saka naman nawala.Kung kelan handa ko ng aminin na pinsan ko si Axel ay saka naman sya nakahanap ng kapalit ko.Ganun ba talaga kadali makahanap ng kapalit?Kailangan ba laging may reserba?Akala ko pa naman seryoso sya."Seryoso sya.Ikaw naman ang may kasalanan eh.Pinamukha mong wala na syang pag asa kasi namanhikan na sina Axel" sabi ng kabilang banda ng utak ko.Natulog akong mabigat ang dibdib.
Kinaumagahan ay balik trabaho na ako.As usual busy na naman ang araw ko.Nabalitaan ko din sa may lobby na papasok na daw si Zaire sa trabaho.Di ko alam ang sasabihin ko kapag nagkita kami.Sabagay hindi pwedeng hindi kami magkikita.May mga for approval nya akong papeles.Baka utusan ko nalang si Ms.Alva makikisuyo na lang ako.
"Ms.Alva busy po ba kayo?",tanong ko sa kanya sa kalagitnaan ng trabaho namin.
"Hindi naman po Maam.Bakit po?",sagot nya.
"Makikisuyo sana ako kay Boss.For approval sana yang mga yan.Okay lang bang makisuyo sayo?",pakiusap ko.
"Sure Maam.No problem",sagot nya at nakahinga ako ng maluwag.
"Maam ayaw pong tanggapin ni Boss.Kayo daw po ang magdala para pirmahan nya",sabi nya pagkabalik nya.
"Ha?Bakit daw?"
"Hindi ko din po alam Maam.Basta yun po ang sinabi nya.Kung kailangan nya ng pirma ko pumunta kamo sya dito" yan po Maam ang saktong sinabi nya.
Napabuntong hininga ako ng ilang beses.Ang arte nya.Kung di ko lang minamadali itong mga papel na to nunca akong pupunta sa opisina nya.Baka mamaya andoon pa babae nya.
Mabigat ang loob na pumasok ako sa opisina nya.Hinihintay na daw ako sabi ng sekretarya nya.
Pagbukas ko ng pinto ay nagulat akong di sya nag iisa sa loob.Andun nga ang babae nya.Gusto pa yatang ipamukha sakin ang babaeng pinagkakaabalahan nya.
"Sorry babalik nalang po ako mamaya",sabi ko sabay hakbang sa pintuan.
"No please stay.Paalis na din ako",wika ng babae."Im Regz by the way.I stalked your account last night.The little boy is handsome huh.I guess your Zai right?",tanong nya sakin.
"Zaya Monteza",sabay abot ko sa kamay nya."Nice meeting you",sabi ko out of respect.Kahit ang totoo ay nagngingitngit na ang kalooban ko sa selos.Ang ganda nya kasi.Makinis at maputi.Di lalayo sa ganda ng bestfriend ko.
BINABASA MO ANG
Accidentally Mom(COMPLETED)
ContoBeing a mother at such a young age is a big responsibility.How can you survive when you dont have a knowledge on how to raised a child? The worst thing is that you cant even tell to the father of your child because it was just a mistake.And you're h...