Chapter 40

282 13 2
                                    


Zaire's POV

We are busy preparing for our wedding.Nag pre nup kami sa Scotland.Pumunta din kami ng California,kina Regz.

Busy din kami sa pagplano kasama ang wedding coordinator.Mula sa gowns at suit ng mga abay hanggang sa mga bulaklak.

Best man si James at Maid of Honor naman si Regz.Wala pa kasing balita kay Zen.Mukhang mahigpit ang security ni Tito Zandro.

Syempre pa ang ringbearer ay ang poging pogi kong anak.Abay din ang girlfriend ni Axel.Kapartner naman ni Rain ang bestfriend ni Regz na kasama nya dito sa Pilipinas.Di daw nakasama ang isa kasi may mga anak na maiiwan.

D-DAY

Gusto ko sana ay engrande ang kasal.Yung lahat ng empleyado ay imbitado.But Zai wants to have a solemn wedding.Sa Batangas namin gaganapin ang kasalan.Mga malalapit na kamag anak lang ang imbitado.Nagpahatid nalang ako ng magcacater sa kompanya at libre ang pagkain ng lahat ng empleyado.

We agree to hold our wedding here in Caleruega Church somewhere in Batangas.And I must say na tama nga ang desisyon ni Zai na dito ganapin ang kasal.

The place was so peaceful.Napapalibutan ng mga puno.Kung nature lover ka ay swak na swak ito sa panlasa mo.Tahimik ang lugar at sagrado.

Now I am standing in front waiting for my bride.Nauna nang pumasok ang mga abay.Ang gaganda at ang popogi nila.Pagkatapos ay ang anak ko naman na di rin paatalo sa kapogian.Dala dala ang singsing naming dalawa.

Bumukas ang pinto at huling pumasok ang napakagandang bride.She refuse to wear white gown kaya ang suot nya ay touch of beige.Bumagay naman sa kanya at mas lalong naemphasize ang kaputian nya.

Kasabay nya papasok sina Tito at Tita.Sila ang naghatid kay Zai palapit sakin.Zai wants Sister Leni to attend but the latter said she can't.The kids need her.She just send us her blessing to our unison.

She looks really beautiful.I can't take my eyes off her.

"Uso kumurap pre",bulong ni Rain.

Nang iabot sakin nina Tito at Tita ang kamay ni Zai ay emosyonal nilang sinabi na pinagkakatiwala nila sakin si Zai.Wag ko daw sasaktan kasi sila ang makakaharap ko.Wala naman talaga akong planong saktan ang asawa ko.

After we exchange our I do's and recite our vow then the last part of the wedding was to kiss the bride.I kiss her shortly and her eyes are still close.

"Open your eyes wifey.Mamaya na ng gabi ang kasunod nyan",bulong ko sa kanya.Napadilat naman sya bigla.

Nagpalakpakan ang mga kamag anak namin.Binuhat ko naman si Zach at binuhat ni Zai si Zapp para sa picture taking.Walang humpay na picture taking ang naganap.Good thing we hired the best photographer in town.

Pagkatapos magpicturan ay nagtungo na kami sa venue.Binalik na ni Zai si baby Zapp kay Rosie.Maganda ang venue.Over looking ang view ng Taal Volcano.Syempre walang humpay na naman ang pagpicture.Lalo na si Regz na ngayon ay ginawang taga picture si James.Ipopost nya daw sa IG nya.

"Sakin na nga yan.Picturan ko kayo",wika ni Rain sa kanila.

"Kuya--

"Minsan lang to.Saka best man at maid of honor kayo.Pwesto na",utos ni Rain.

Wala nmang nagawa ang dalawa kundi mag pose.Background nila ang view ng  Taal Volcano.

"Are you happy?",tanong ko kay Zai habang kumakain kami.

"Ofcourse.Pero mas masaya kung andito si Zen",sabi nya.Alam kong miss na miss nya na si Zen.Ang daming kaganapan ang napalampas ni Zen.Mula sa pagbubuntis ulit ni Zai,hanggang sa binyag at ngayon kasal naman namin.

"Don't worry di ako titigil sa pagtulong.",lagi kong linyahan pero wala namang progress.Masyado nga kasing magaling ang mga tauhan ni Tito Zandro.Yung Daddy ni Zen.Zandro din kasi ang pangalan ng Tito ni Zai.

"Thank you.I know you're busy."

"Anything for you".

After kumain ay nagpasya kaming bumalik na sa Manila.I wanted to go to overseas para sa honeymoon pero ayaw ni Zai.Baka daw mag iiyak si Zapp pag naiwan.Pero nangako naman sya na pag pwde nang iwanan si Zapp ay itutuloy namin ang honeymoon.

Si Mang Andy na ang nagdrive pabalik ng Manila.Tulog na kasi si Zach at kailangan ko na syang kargahin.Si Baby Zapp ay tulog na din at buhat na ngayon ni Zai.Para makapagpahinga naman daw ng maayos si Rosie sa byahe.My wife was very considerate.Lagi nyang iniisip ang mga tao sa paligid nya.

"I have a gift for you",sabi ko kay Zai matapos naming ibaba ang mga bata sa kwarto.Kay Rosie muna si Zapp ngayong gabi.

"What is it?"tanong nya.Inabot ko naman ang picture ng bahay na pinagawa ko last year.Pati ang titulo na nakapangalan sa kanya.

"Sakin to?",di makapaniwalang sagot nya."Ang ganda",namamanghang wika nya.

Minsan kasi ay napag usapan namin kung anong klaseng bahay ang gusto nya.Sabi nya ay yung may malawak na bakuran at di gaanong kalaki.Yung sapat lang samin.Mahirap daw pag malaki mapapagod sya paakyat akyat sa hagdan pag tatawagin ang mga bata.Dapat daw pag sumigaw sya ay dinig na agad nila.

She's just a simple woman.Pag binigyan mo sya ng mga mamahaling bagay ay sandamakmak na sermon ang abot mo.Dapat daw ay dinonate nalang sa mga bata.Napakamatulungin din nya.Walang palya ang padala nya ng donation sa kumbento.Wala ding palya ang tulong ng kompanya sa mga bata.Alam kong kasiyahan nya ang mga bata kaya nagpasya akong pag aralin sila.Tuwang tuwa naman si Zai ng nalaman yun.

"Kelan tayo lilipat?",tanong nya.

"Kung kelan mo gusto."

"May mga gamit naba dito?"

"Kompleto na.Ikaw nalang kulang.Kayo ng mga bata"

"Thank you",wika nya sabay yakap sakin."Lagi mong pinagbibigyan ang gusto ko"

"Happy wife ,happy life sweety. Yan ang sabi sakin ni Dad.Kaya daw nagtagal sila ni Mom.Tingnan mo hanggang ngayon ay parang mga teenager pa din kung maglambingan"

"Kaya pala.Pero pag may hindi ka gusto ay magsabi ka."

"Talaga?

"Oo pero syempre ako pa rin ang masusunod.Kaya shut up ka na lang"

"Sabi ko nga.",wika ko.

Bago natapos ang linggo ay lumipat na kami.Kasama namin si Rosie.May sarili na ding kwarto si Zapp.Dati kasi ay share sila ng kuya nya.

Bale lima ang kwarto sa taas.Tatlo sa baba para sa mga bisita.Bukod pa ang kwarto ni Rosie sa baba.

Tuwang tuwa naman si Zach kasi malawak na ang palaruan nya.Ngayon ay masayang nakasakay sa kotseng laruan at paikot ikot sa malawak na bakuran.

Maya maya ay may kausap na syang magandang batang babae.Nag babike kanina ang bata.Sa may kabilang kanto siguro nakatira.Pinapasok pa ni Zach ang bata sa gate at niyayang maglaro.Pinahiram nya ang isa nya pang kotse.Ilang minuto lang ay masaya na silang naghahabulan sa malawak na bakuran.Minsan ay nagkakabungguan pa sila.Pero tatawa lang ng tatawa.

"Thank you",yakap ni Zaya sa likod ko."You know Im not that showy but deep inside I appreciate everything you've done.Thanks for being a good father to our kids.Thanks for being a good husband to me.Thanks for everything hubby",wika nya.First time in the history na hindi Boss o Sir o Zaire ang itinawag nya.

Hinarap ko sya at hinigit papalapit sakin.Minsan lang maglambing to.Lubusin ko na.

"Youre welcome wifey.Always."wika ko hinalikan sya sa labi.Napaungol ako ng sinagot nya ng mas malalim ang mga halik ko.Hanggang sa makarating kami sa taas.At nabinyagan ang bagong bagong bedsheet ng king size na kama.

The End☺
Thank you for reading this far.Sana ay nag enjoy kayo.Next na ang story ni Zen.Pero bago yan Epilogue muna.☺☺Thank you so much.💋💋💋

Accidentally Mom(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon