A/N: Shout out nga pala sa mga magigiting na bumoto at nagcocomment.Para sainyo to.Keep on voting para sunod kayo naman i shout out ko(feelingera 😂)Alphabetical para patas😂
1.Maam Amon,Krystel
2.Bondoc,Mae Ann
3.Luistro,Aloha
4.Best Machado,Jenny
5.Piedad,Jessah Alvie.At sa lahat ng nagbabasa.Kaya vote vote na para mashout out ko kayo☺Di ko kasi alam kung sino mga silent reader☺Hirap maghula.Basta thank you sainyo.Alam nyo na yun sa sarili nyo kung sino kayo.Iloveyou all❤
Zaya's POV
Nag arkila kami ng sasakyan papunta sa dati naming bahay.May kalayuan din kasi.Camarines Sur ang samin samantalang Sorsogon pa ang dati naming bahay.Kaya siguro di rin ako nahanap ni Mommy.
Sa mainroad ay si Zaire ang nagmaneho.Pinalitan ko nalang ng papasok na sa lugar namin.Ang dami kasing pasikot sikot dito.Kabisado ko pa naman kahit papaano ang daan.Masasabi kong marami ang ipinagbago ng Sorsogon.Sabi ng iba ay dahil magaling daw ang namumuno.Si Chiz Escudero,at malakas daw ang hatak sa turista dahil sa asawa nyang si Heart Evangelista.Panay kasi ang post nya ng mga tourist spot dito samin.Bakit ko nalaman?Syempre finofollow ko sya sa IG.Gandang ganda ako sa mga OOTD nya.Pati nga yung tiktok videos nya pinapanood ko din.
Pinarada ko ang sasakyan sa may kalayuan sa bahay ni Tito.Malayo pa lamang ay halatang abondonado na ang lugar.Nasaan na kaya sila.?
Paglapit ko ay sumalubong sa paningin ko ang gate na kalawangin na.Punong puno pa ng mga gumagapang na damo.
"Ito na ba yun?",tanong ni Zaire.
"Oo ito yun."
"Mukhang matagal ng walang nakatira dito"
"Kaya nga eh.Teka at magtatanong tanong ako sa kapit bahay"
Naglakad lakad ako sa unahan.Natatandaan ko ay may kapitbahay kaming Manay Belen ang pangalan.
"Tao po.Tao po",sigaw ko sa gate nila.Maya maya ay lumapit si Zaire at may pinindot sa gilid ko.
"May doorbell kasi",nakangising wika nya.
"Aba malay ko.Di ko napansin.Dati kasi ay nagsisigawan lng kami dito"
"Noon yun.Nagbago na ngayon"
"Sino sila?",tanong ng matabang babae na lumabas at nagbukas ng gate.
"ManayBelen?",tanong ko.
"Ako nga.Sino ba sila?"
"Manang Belen ako ito si Zia.Anak po ako ni Letezia yang kapitbahay nyo po dati"
"Naku Zia ikaw na ba yan?Abay ang ganda mo na.Noong nawala ka ay uhugin ka pang bata ka.Saan kaba napadpad at nawala kang bigla?"
"Mahabang kwento po Manay Belen."
"Halika kayo sa loob at doon tayo mag usap.Ipaghahanda ko kayo ng meryenda.Alam ko paborito mo ang ginataang bilo bilo.Yun pa din ba ang paborito mo Zia?"
"Opo.Miss na miss ko na nga po yun eh.Madami na po akong natikman sa manila na bilo bilo pero wala pong tatalo sa bilo bilo nyo"
"Naku naman at akoy binola pa."
Nang naluto na ang meryenda ay nag usap na kami ni Manay.Sinabi nyang nabaril daw ng ilang beses si Mommy ng gabing iyon.At hindi nakaligtas sa kamatayan.Hinuli naman daw at dinakip si Tito ng pulis.Kinasuhan ng habang buhay na pagkakakulong kaya naiwan ang bahay at napabayaan.Nabanggit din nyang hinanap din daw ako ng barangay namin pero wala silang balita sakin.Kaya masaya si Manay na nakaligtas ako sa trahedya.
Walang patid ang pagdaloy ng luha ko.Biglang sumariwa sakin ang nangyari.Kung anong klaseng impyerno ang dinanas namin ni Mommy sa kamay ni Tito.
"Zia anak isuot mo itong kwintas na ito.Bigay pa to sakin ng Lola mo.Minana nya pa din sa ninuno nya.Kaya lahat ng magmamay ari nito ay dapat letter Z nagsisimula ang pangalan.Sa anak na babae lamang ito pwede",paliwanag ni Mom.
Ang lola nya ay Zeverina,mommy nya Zenaida Letizia,dahil mahaba ang pangalan ng mommy nya at nahirapan daw sya magsulat kaya pinaikli nya pagdating sakin.Zia lang.
"Thank you Mommy.Ang ganda naman po nito"
"Ingatan mo yan anak.Gawa sa totoong ginto yan.Pamana pa ng kanunununuan."
"Opo Mommy"
"Mommy",lalong lumakas ang hagulgol ko.Hinayaan lang ako ni Manay.
"Shh.It's okay.It's okay.Iiyak mo lang yan",wika ni Zaire at niyakap ako.I feel so lost.Ang sakit pala na makompirma mo na wala na ang nanay mo.At ang pinakamasakit yung wala ka sa tabi nya ng mga panahong nagdurusa sya.Kahit ng namatay sya ay wala ako sa tabi nya.
"Im sorry Mommy.Im sorry",patuloy pa din ang pagtangis ko.Mas lalong humigpit ang yakap ni Zaire sakin.Na para bang gusto nyang iparating na hindi ako nag iisa.Na may karamay ako.At malaking bagay yun sakin.
"Pwede po bang makahingi ng tubig?",tanong nya kay Manay at unti unting pinakawalan na ako.
"Saglit lang Iho.Kukuha ako"
"Salamat po",wika nya ng abutin ang tubig.
"Salamat po Manay.Pasensya na po kayo",sabi ko.
"Naku walang anuman.Okay lang naiintindihan ko ang nararamdaman mo.Ako man ay nagluksa din sa pagkawala ni Letizia.Napakabuting kaibigan ng ina mo"
"Salamat po at nandiyan kayo ng mga panahong namatay si Mommy.Hindi ko po kasi alam.Nagka amnesia po ako.Salamat po at inasikaso nyo ang pagpapalibing sa Mommy ko"
"Wala yun iha.Sinu sino pa ba ang magtutulungan kundi ang magkakapitbahay lamang."
"Paano po mauuna na po kami",paalam ko ng medyo kumalma na ang pakiramdam ko.
"Sige iha mag iingat kayo."
"Aalis na po kami.Salamat po",wika ni Zaire.
"Sige iho.Mag iingat sa pagmamaneho"
"Sige po",sagot nya at dumiretso na kami sa sasakyan.
Tahimik lang si Zaire habang nagdadrive.Buti nalang magaling sya sa direction.Nakabisado nya agad ang pasikot sikot palabas ng subdibisyon namin.
Hanggang makarating kami sa kumbento ay tahimik ako.Sobrang lungkot ng pakiramdam ko.Feeling ko biglang nadrain lahat ng energy ko sa katawan.
"Iha kumusta ang lakad nyo?",agad na tanong ni Sister ng makarating na kami sa kumbento.
"Hindi po okay Sister Leni.Wala na po si Mommy.Patay na po si Mommy Sister.Hindi ko po alam.Wala po ako sa tabi nya ng namatay sya",yan na naman yung feeling na magbibreak down na nman ako.
"Im sorry iha.Mas makakatulong kung tatanggapin na lamang natin ang kaloob ng Dyos.Alam ko namang may dahilan ang Panginoon kung bakit sya kinuha agad.Magpakatatag ka iha.Hayaan mo at lagi kitang isasama sa panalangin ko",Sister is trying to console me."Alam kong kayang kaya mong lampasan ito Iha.Lumaki ka sa poder ko kaya alam kong matatag ka"
"Sana nga po Sister.Sana nga po"
"Sya halina kayo at kumain muna.Alam kong napagod kayo sa byahe.Kumain na at ng maaga kayong makapag pahinga.Inihanda ko na ang silid nyo"
"Salamat po Sister".Tumango si Sister at tumungo na kami sa komedor.
Kahit anong sarap ng pagkain ay wala akong malasahan.Ayaw ko sanang kumain pero ayaw ko ring mag alala si Sister.
Pagkatapos maligo ay dretso na ako sa dati kong kwarto.Pinatuyo ko lang ang buhok ko at pumwesto na sa kama.May latag sa lapag para kay Zaire.
Nakita ko nakalapag sa may study table ang kwintas ko.Dala dala pala ni Zaire ito.Naalala ko na naman si Mommy.Ito umiiyak na nman ako habang hawak ang kwintas.
Bago pa ako madatnan ni Zaire ay dali dali na akong nagtalukbong ng kumot at tahimik na lumuluha at tumatangis.
A/N:
Oopps bitin pa pala😂
To be continue pa😂😂Comment kayo kung open ending o happy ending😂Kung alin ang mas madami yun ang magiging ending.
Isang boto naman jan pang pagana lang magsulat😂Bumili na ako ng salamin sumasakit na kasi mata ko.Pero worth it naman kasi everytime na inoopen ko story ko nadadagdagan ang bilang ng Reads.Thank you💕
BINABASA MO ANG
Accidentally Mom(COMPLETED)
Short StoryBeing a mother at such a young age is a big responsibility.How can you survive when you dont have a knowledge on how to raised a child? The worst thing is that you cant even tell to the father of your child because it was just a mistake.And you're h...