59

85 6 8
                                    

JOSE

"Argh!"

May narinig akong mahinang ungol sa gilid ko kaya itinago ko na muna ang de pindot kong telepono sa bulsa ko. Sinundan ko ng tingin kung saan nanggagaling ang mahihinang mga daing at nakita kong nakabukas na ang mga mata ni Stygian.

Papungay-pungay pa ang mga ito na para bang inaayos niya pa ang paningin niya. Umupo siya sa higaan niya habang sapu-sapo pa rin ang ulo.

"Koncha!" bati ko sa kanya.

Pinanliitan niya ako ng mata at kinunutan ng noo, tanda na hindi niya na naman naintindihan ang mga sinabi ko kaya napatawa na lamang ako. "Kumusta ka na? Nahihilo ka pa rin ba?" tanong ko na lang sa kanya.

Umiling siya bilang sagot sa akin. "Hindi, teka. Anong nangyari?"

"Hindi mo natatandaan?" tanong ko sa kanya nang may pagdududa. Maaari nga namang hindi niya matandaan pero parang halos imposible naman nito.

Muli siyang umiling at ibinaba na ang mga kamay mula sa ulo niya papunta sa hita. "Hindi, ano ba talagang nangyari?"

Dapat ko bang sabihin sa kanya? Pero hindi kase lingid sa kaalaman ko na hindi na niya dapat pang matandaan iyon sapagkat baka umulit na naman ang nangyari sa kanya.

"Wala," tanging nasabi ko na lamang.

Nagpalinga-linga na lamang siya sa paligid na tila ba'y may hinahanap. Kinapa-kapa niya ang higaan sa ilalim ng kumot niya ngunit hindi niya pa rin makita ito.

"Anong hinahanap mo?" tanong ko sa kanya.

"Nasaan ang telepono ko?" tanong niya habang ang paningin ay nasa higaan pa rin at pilit na hinahanap ang maliit na bagay na iyon.

Nilusot ko ang kamay ko sa bulsa ko at inilabas ang hinahanap niya. "Eto ba ang hinahanap mo?"

"Oo, ayan!" Dali-dali siyang napabalikwas sa kama pero pinigioan ko siya. "Bakit?"

"Abiso sa amin ng doktor na hindi ka raw muna maaaring mapagod. Kailangan mo raw munang magpahinga hanggang sa umayos ang lagay mo," pagpapaliwanag ko.

"Ha?" taka niyang ani. "Eh ayos naman ako ah? Bakit kailangan pa ng doktor?"

"Basta sumunod ka na lang."

Napanguso na lamang siya at hindi na nagpumilit pa. Alam niya kung kailan ako nagseseryoso at hindi niya na ako kinukulit kapagka ganoon. Halos ituring ko na kaseng nakababatang kapatid si Stygian kahit na buwan lamang ang pagitan ng mga edad namin. Wala kasi akong kapatid na babae kaya sa kanya ko talaga inilalabas lahat ng nararamdaman ko dahil nahihiya ako sa pamilya ko. Napakapormal kasi nila, dahil sa tradisyon namin sa Japan. Medyo nasasakal na ako, kaya nnag lumipat kami rito sa Pilipinas, sa hindi ko malamang dahilan ay medyo nakahinga na ako nang maluwag na para bang nakatakas sa mga tanikalang bumibihag sa akin.

Hindi ko rin mawari kung bakit at papaano kami naging magkaibigan ni Stygian, bagaman noong bata pa lamang kami, halos hindi na kami magkaintindihan sapagkat hindi pa ako ganoon katatas magsalita ng Tagalog. Sa kanya lamang ako natuto ng husto.

Tumayo si Stygian sa kama niya, kaya sinundan ko lang siya ng tingin at minatyagan ang bawat kilos niya. Kailangan ko siyang bantayan at kailangan ko ring malaman kung ano ang mga pinaggagagawa niya ayon na rin sa doktor. Ako ang pinagkatiwalaan nila rito dahil mas komportable raw umano sa akin si Stygian.

Dumiretso si Stygian sa kahoy na bintana ng kuwarto niyang ito saka maingat na hinila patagilid ang isang tabla ng kahoy na humaharang dito. Pumasok bigla ang napakapreskong hangin kahit na magtatanghali na. Ito ay marahil nasa katapusan na ng taon kaya ganito kalamig ang ere.

STYGIAN | completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon