JOSE
Hindi rin ako nakatagal sa kubong iyon dahil bigla na lang akong tinablan ng konsensiyang baka hindi na ayos pa si Stygian kung nasaan man siya. Habang ako ay natutulog kanina, baka siya naghihirap na sa kamay ng mga walang-awa kong mga magulang. Kaya kahit na maulan pa rin sa labas, buong tapang ako sumuong at tinakbo ang daan papunta sa bahay namin.
Ayoko mang bumalik doon, mukhang wala na akong ibang paraan pa para malaman kung nasaan si Stygian, maliban na lang kung tatanungin ko mismo ang mga may pakana nito, at alam kong ang mga magulang ko ito. Putangina lang. Putangina, dahil sila ang pinakarerespeto kong nga tao, pero nagawa nila ito sa tanging taong nakakaintindi sa akin.
Nakarating ako sa tapat ng bahay namin nang basang basa at hapong-hapo pero wala na akong pakialam doon. Hindi na rin ako nakakaramdam ng gutom, sa hindi ko malamang dahilan. Nagtangis ang panga ko nang makita ang sandamakmak na mga sasakyang panghukbo ng mga batalyon na nakaparada sa labas ng garahe namin.
Ibig sabihin, totoo nga? Na naghahanda na sila para sa paparating na digmaan na sila ang may pakana? Na kaya lang kami nagtungo rito sa Pilipinas ay para angkinin ang lupang hindi naman amin? Naiintindihan ko na. Ipinadala kami dito ng Japan para maging mga galamay nila para makuha ang Pilipinas sa kamay ng mga Amerikano.
Hindi ko pinansin ang nakakatakot na mga bulto ng mga kalalakihan sa bakuran namin at dali-daling tinungo ang bulwagan ng bahay namin. Kaagad kong binuksan ang pintuan at tumambad sa akin ang mga may matataas na ranggo ng opisyal base sa mga damit na suot suot nila. Nakaganoong suot din ang tatay ko at nag-uusap sila, pero wala akong pakialam. Marahas kong binuksan nang mas malaki ang pintuan kaya naagaw ko ang atensyon nila. Para akong isang basura sa sarili kong pamamahay dahil sa basang-basang suot ko.
Kaagad na naglapitan sa amin ang mga katulong namin at binigyan ako ng tuwalya pero hindi ko sila pinansin. Tumitig ako nang matalim sa tatay kong nakatitig lang din sa akin, na parang walang pakialam sa naramdaman ko. Nagtungo kaagad ako sa kanya at inambahan siya ng suntok. Nagulat ang lahat ng naroroon dahil sa biglaang asta ko. Hindi agad nakakilos ang lahat at nang makabawi ay naglapitan ang mga sundalong may mas mabababang ranggo at pinigilan akong suntukin pang muli ang sarili kong ama.
Matalim na tumingin ang ama ko sa akin, ang mga kilay ko ay nakakorteng alam kong galit at napahiya. "Ano na naman bang kadramahan 'yan, Jose Agandro?!"
Nagtangis muli ako ng bagang saka sinuklian ang mga nakakamatay niyang tingin. "Walang-hiya ka! Paano mo nagagawa ang lahat nang ito.. ama?!" Medyo nautal pa ako na sabihin ang huling salita. Hindi ko alam kung dapat ko pa rin bang tawagin siya nang ganoon pero nandoon pa rin ang kaunting respeto na natitira sa akin kahit na ganoon ang ginawa niya.
Hindi nakatakas sa paningin ko ang ngisi na kumawala sa labi niya pati na rin ang nagtatakang mga tingin ng tao sa paligid ko. Batid kong karamihan sa kanila ay hindi naiintindihan ang mga tinuturan namin, dahil sa lengguwaheng ginagamit namin. Mas mabuti na rin siguro ito, na kami lang ang nagkakaintindihan sa ngayon.
"Hindi mo pa rin ba naiintindihan?" Naiintindihan ko... pero ayokong paniwalaan. Ayokong maniwala, maliban na lamang kung manggaling mismo sa bibig niya. "Ito ang sinumpaan ko, Jose Agandro. Ito ang dahilan ng paglipat natin dito."
Beat.
Tama nga ako ng hinala. Tila naestatwa ako doon sa gitna, pilit na pinoproseso ang lahat. Unahang naglalandasan ang mga luha ko, na nagpapatunay na mahina talaga ako na hindi ko man lang nabalaan ang pamilya ni Stygian sa maaaring mangyari.
"Jose!" Umaliwangwang ang malakas na sigaw ng nanay ko mula sa marmol na hagdanan namin. "Ayos ka lang ba? Saan ka nanggaling?"
Kaagad niya akong yinakap pero iwinakli ko lang iyon. "B-bakit, Jose Agandro?"
"K-kasabwat ka rin ba doon, ina?" may panggigigil kong saad pero tila natutop ang dila niya at hindi na siya makapagsalita ngayon. "Inuulit ko ina, may alam ka ba rito?"
Namuo ang luha sa mga mata niya saka marahang tumango. "W-wala akong magagawa, anak. Alam mo iyan. Pinigilan kong gawin iyon ng ama mo ngunit alam kong tayo ang mapapahamak kung hindi tayo susunod."
Hinawakan niya ang kamay ko nang mahigpit at hinayaan ko lang siyang gawin iyon. "A-anak... sana maintindihan mo ang ginagawa namin. Para sa kapakanan mo rin iyon."
Tumalim ang titig ko sa kanya. Pinipigilan ko ang sarili ko na magsalita dahil baka may masabi akong hindi maganda pero hindi ko na kayang manahimik pa. "Para sa kapakanan ko? Eh paano naman ang mga inosenteng taong maaagrabyado rito?"
Hindi niya nakasagot sa tanong ko at nabitawan niya ang kamay ko. Mukhang anumang oras ay babagsak na siya sa kinatatayuan niya kaya kaagad na tumabi sa kanya ang ama ko at hinawakan siya sa magkabilang balikat.
"Agandro!" suway ng tatay ko sa akin. "Kailan ka pa natutong sumagot ng ganyan sa ina mo?! Kailan ka pa natutong mawalan ng respeto?!"
"A-agaro..." pigil ng nanay ko.
"Ngayon," simpleng sagot ko. "Tinulak niyo akong magrebelde, aayusin ko ang dinulot niyong gusot sa pamilya ng tanging kaibigan ko!"
Natahimik ang lahat. Tila nabigla sa napakalakas kong sigaw. "Kaya sabihin niyo sa akin, saan niyo dinala si Stygian?!"
"A-anak.."
"S-SABIHIN NIYO!!"
"Hindi mo pa rin ba—"
Pinutol ng nanay ko ang tatay ko. "S-sa mansiyon natin sa Calamba, anak."
Narinig kong nagmura ang tatay ko dahil sa sinabi ng nanay ko pero ginawa kong pagkakataon iyon para makaalis doon. Sumigaw ang tatay ko na habulin ako ngunit mabilis akong nakalayo. Sinakyan ko ang isang motor na nakaparada sa labas at pinaharurot ito.
Alam ko kung nasaan ang mansiyon na iyon. Isang beses pa lang akong nakakapunta roon, pero pakiramdam ko kabisado ko pa rin ang bawat parte ng istrakturang iyon.
Iyon ang pinakakinatatakutang mansiyon namin sa lahat dahil sa mga gamit na naroroon. Nakakatakot ang lugar na iyon dahil punumpuno ng mga armas, espada at ibang mga kasangkapang panglaban o hindi kaya pampaslang.
Hindi ko inaakala na babalik ako doon ngayon. Alam ko kung gaano kaimpyerno ang lugar na iyon. At handa akong lumusob para maitama ang lahat.
BINABASA MO ANG
STYGIAN | completed
Mystery / ThrillerIt was because of a mystery call when Jan Astria Cuevo, just a typical college student... who is fond of playing mystery games, met a man named Stygian Alejandro, a dead man from the past who wants to have justice to his death. What will a wannabe d...