88

53 5 5
                                    

ASTRIA (2020)

"A-aegan..." I cried harder. "I love you, Aegan. Where are you?"

Wala na akong magawa pa kung hindi humahulgol. I feel like my heart was being stabbed for a countless of times. Ang sakit... Napakasakit.

I want to punch myself right now. Gusto kong sisihin ang sarili ko sa lahat ng nangyari kay Stygian at kay Aegan. Ako, ako ang dahilan kung bakit nagkagulo ang lahat. Kung hindi na sana ako nakialam pa sa takbo ng tadhana, sana ayos pa ang lahat ngayon. Sana nandito pa si Aegan... o Stygian.

Kung sana lamang ay nalaman ko agad na iisa lamang si Aegan at Stygian, sana naipakita ko na mahal na mahal ko si Aegan ngayon. I shouldn't have to choose between Aegan and Stygian.

Napahagulgol na lamang ako sa kawalan ng lakas para gumawa ng kahit na ano. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Napaluhod ako sa gitna ng garden nila, hindi alintana ang maruming lapag.

"Astria," A familiar voice spoke from behind. Napatigil ako nang marinig ko ang boses niya. Could it be...

Kaagad akong napatayo at napatalikod only to see the man I love, standing there. Hindi ako makapaniwala. Is this real? Or is this just a manifestation of my dreams and thoughts?

I slightly pinched myself to get myself together at doon ko napatunayan na totoo nga ang lahat. Totoong nakatayo ngayon sa harapan ko si Aegan... o si Stygian.

"A-aegan..." I'm lost for words. Kung kanina, pakiramdam ko napakarami kong gustong sabihin sa kanya, bakit kung kailan nandito na siya sa harapan ko, bakit tila tumitiklop ang dila ko?

Kusang pumulupot ang mga braso ko palibot sa kanya na sinuklian niya ng parehong higpit ng yakap. I immediately found the comfort in his arms at pakiramdam ko, nararamdaman ko ngayon si Aegan at Stygian at the same time.

I cried on his chest as he caress my back. Umiiyak ako dahil sa takot na mawala siyang muli sa akin. Tila nakakalma ako ng mga yakap niya, if only I could stay here forever in his arms, I would.

"I heard it all, Astria." Napasinghap ako sa sinabi niya. Hanggang saan ang narinig niya? By all, does that mean... narinig niya pati ang pagsigaw ko na mahal ko siya?

"Yes, even that," aniya na tila nababasa ang isip ko. "Narinig ko lahat mula sa pag-uusap niyo ng lolo ko."

"Fck it. Antagal kong nagselos dahil as pagpili mo kay Stygian kaysa sa akin when in fact I'm also Stygian?!" aniya sa hindi makapaniwalang tono. "At hindi rin ako makapaniwala na ang kinalakhan kong lolo ay ang pinakamatalik na kaibigan ko pala noon."

Humigpit lalo ang yakap niya sa hindi ko malamang dahilan. He held my chin and made me face him. "And to answer you, yes I love you too, Astria. Dati pa. Alam mo 'yan."

Napatigil ako sa sinabi niya. He leaned closer to me habang nakatingin sa mga labi ko. Napatingin din ako sa mga labi niya dahil sa lapit namin. Tila napakalambot ng mapupula niyang mga labi. Ngayon ko lamang napagmasdan ang mukha niya ng ganito kalapit, ang mga ilong namin ay nagtatama na.

Nakikiliti ako sa may bandang tiyan ko. Is this the thing that they call as butterflies inside my stomach? As inches and inches he leans, nalakas lalo ang tibok ng puso ko.

Before I could stop him, his lips already touched mine. Tinutulak ko siya nang marahan ngunit tila nawawalan na ng lakas ang mga braso ko habang nalulunod ako sa mga halik niya.

It was a soft, slow and passionate kiss. Ramdam na ramdam ko ang pagmamahal niya at pag-iingat niya sa labi ko. I've never been kissed before— scratch that —I've never kissed anyone before. Si Aegan pa lamang.

Halos malukot ko ang damit niya sa higpit ng pagkakakakapit ko rito. Halos mawalan din ako ng hininga sa tagal ng halik namin.

"S-sorry..." he said in between our kisses.

"Bakit—" bago ko pa maipagpatuloy ang tanong ko, kaagad niya na muli akong kinulong sa nakalulunod niyang halik.

Tila dinadala ako sa ibang mundo ng mga halik niya. Kumalas na siya pagkatapos ng ilang sandali habang nakapikit pa rin ako pagkatapos ng halikan na iyon dahil sa sensasyon na naramdaman ko.

Pagkadilat ko, wala nang Aegan na nasa harapan ko.

Wala na siya...

STYGIAN | completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon