JOSE
"Stygian?!" Umaliwangwang ang boses ko sa buong mansyon. Wala na akong pakialam kung may makarinig sa akin dito. Naghuhumerintado ang pintig ng puso ko dahil sa kabang nararamdaman sa kung ano ang mangyayari sa kaibigan ko.
Mabibigat ang yapak sa sahig ang ginagawa ng mga paa ko na nagdudulot ng malalakas na kalabog. Binuksan ko ang bawat kuwartong nadaraanan ko at sinusuyod ito gamit ang nga mata ko ngunit wala akong nakikitang kakaiba.
"Urgh!" mahihinang alulong na nanggagaling kung saan man.
"Stygian!" Hindi ko na mapigilang mapasigaw. Habang nahakbang ako ay lalong lumalakas rin ang mga alulong na naririnig ko.
Kitang-kita ko na mula sa kinatatayuan ko ang pulang pintuan sa dulo ng pasilyo. Nandoon na naman ang pamilyar na kaba sa dibdib ko kaya napatigil ako sa paglalakad.
Handa na nga ba akong muling harapin iyon? Hindi ko alam pero may parte sa kalooban ko na humihiling na sana hindi sa kuwartong iyon dinala ang kaibigan ko. Mayroon sa loob-loob ko na nagsasabing huwag ako pumasok doon.
Mas malinaw ko nang naririnig ang mga alulong at halingling habang papalapit sa pintuang iyon kaya naman ang kaba sa dibdib ko ay lalong sumisibol. Tumatakas na ang nag-uunahang pawis sa noo ko at nanginginig na pati ang mga tuhod ko.
Lumunok ako at huminga ng malalim habang dahan-dahang naglalakad palapit sa pintuang iyon. Tumigil ako makalipas ang ilang sandali nang makaharap ko na ang pulang pintuan.
Ngayon, sigurado na akong sa loob nito nanggagaling ang mga tunog. Hindi ko alam kung dapat bang matuwa ako dahil nahanap ko na si Stygian o kabahan dahil muli na naman akong papasok sa mala-impyernong silid na ito.
"Ahhhhh!" Malakas ang sigaw na nagmumula sa silid kasabay ng pagkalansing ng mga bakal na tila nagkikiskisan sa isa't isa. Takot akong pumasok pero buong lakas kong hinawakan ang seradura ng pintuang pula at malakas itong binuksan.
Natulala ako sa nakita ko. Tumambad sa akin ang nakakadenang si Stygian habang humahangos na nakatingin sa akin. May mga tanikalang bumibihag sa parehas na kamay niya at mga paa niya, at pinorma siyang nakaekis. Punit-punit na ang pantaas niyang mamahaling americana at may mga marka ng latigo na ring nakalatay sa kayumanggi niyang balat.
Nahabag ako sa itsura niya at parang may kumikislot sa puso ko. Ilang sandali akong nakatitig roon habang namumuo na ang mga butil ng luha sa mga mata ko. Hindi ko akalaing aabot sa ganito ang kasamaan at kasakaiman na gingawa ng mga magulang ko. Hindi lamang si Stygian ang naroon, may nasa sampung iba pang nandoon din. Ang iba ay nakagapos rin, nakakulong, nakahandusay at may iilan pang mga nakalambitin. Pawang mga anak ng mga sikat, mayayaman at maimpluwensiyang tao ang nakakulong at pinahihirapan sa kuwartong ito dahil nakilala ko pa ang iilan na nakakasama namin sa mga pagtitipon. Pinalis ko ang luha na dapat ay pabagsak na sa mga mata ko. Hindi ko dapat ipakita sa kanila na natatakot ako. Hindi dapat nila malaman na sa loob-loob ko ay nawawasak na ako, na hindi ko na kaya. Hinding-hindi ko ibibigay sa kanila ang satispaksiyon na gusto nilang matanggap dahil sa mga pinaggagawa nila.
"J-jose..." hirap na hirap na tawag ni Stygian sa pangalan ko. "D-dumating ka.."
Ngumiti siya sa kabila ng nga sugat na nasa mukha niya. Hindi pa gaano karami ang sugat na mayroon siya hindi tulad nang sa iba na halos hindi na makilala ngunit sapat na iyon para makaramdam ako ng awa.
Dahil sa malakas na pagbukas ko ng pintuan, nakuha ko ang atensyon ng mga lalaking puro nakaitim na may hawak ng mga latigo, kutsilyo at kung anu-ano pang mga nakamamatay na armas.
Ngumisi ang isa sa akin na parang pinuno nila. Pamilyar ang mukha niya para sa akin kaya pinanliitan ko siya nang mata para maalala kung saan ko siya makita ngunit hindi ko pa rin matandaan.
"Jose," mapaglaro niyang sabi sa akin habang humahakban papalapit sa kinaroroonan ko. "Anong sadya ng anak ng nagpautos sa amin na gawin ito dito?"
Nakarinig ako ng mga singhap sa paligid dahil sa sinabi ng lalaking kaharap ko. Ngayon lamang din nila siguro napagtanto kung sino ang nagpautos nito dahil sa sinabi niya. Bumaling ang tingin ko sa mukha ni Stygian na ngayon ay hindi ko na mabasa. Hindi ko na mawari ang ekspresiyon na ibinibigay niya. Umiiling-iling ako sa kanya tanda na wala akong alam dito ngunit tumungo lamang siya at umiwas ng tingin sa akin. Wala na akong magagwa kung maiisip niyang hindi ako pumunta para iligtas sila. Hindi ko maiiwasang maisip niya ito lalo na kung ang ama ko ang may utos na gawin ito.
"Jose Agandro. Matagal ko na ring naririnig ang pangalan mo mula sa iyong ama. Palagi niyang pinangangalandakan sa amin na lumaki kang matalinong bata. Batid kong naiintindihan mo naman kung bakit ginagawa ito ng ama mo, hindi ba?" dire-diretso aniya.
Gusto kong umiling ngunit hindi ko pa rin maproseso ang lahat. Taliwas sa sinabi niya ang nangyayari sa akin ngayon dahil hindi ko maintindihan ang lahat. Hindi ko makita ang dahilan kung bakit nila ginagawa ang mga ito. Para sa rebelyon? Pananakop? Totoo nga kayang balak ng mga hapones na sakupin ang Pilipinas? Dahil sa mga nangyayari ngayon, alam kong posible. Posible na tama nga ang lahat ng iyon. Pero ayokong tanggapin. Ayokong tanggapin na lahat ng pinaggagagawa namin ay planado. Na lahat ay patungo rin sa pananakop.
Mariin kong hinarap ang lalaki na ngayon ay may matagumpay nang ngisi sa mga labi habang nilalaro ang kadena sa kanyang mga palad.
"P-pakawalan niyo sila," mariin kong sabi.
Saglit na napatigil ang lalaking kaharap ko dahil sa sinabi ko saka tumawa nang mapang-asar. "Nagbibiro ka ba? Sabihin mo sa aking nagbibiro ka dahil lagot ka talaga sa ama mo."
Umiling ako. "Hindi ako nagbibiro. Pakawalan niyo sila dahil wala naman silang ginawang masama sa inyo!" Hindi ko inaasahang tataas ang boses ko. Biglang sumeryoso ang lalaking kaharap ko kaya lalong nadepina ang nakakatakot na aura niya.
"Bakit ko naman gagawin iyon?" aniya habang nakadiretso lamang ang mukha.
Napalunok ako. "H-hindi sila dapat na madamay dito! Wala silang kinalaman sa lahat ng ito!" Hindi ko alam kung saan nanggagaling ang lakas ng loob ko para sabihin ang lahat ng ito, gayong alam ko na makakalaban ko rin ang ama ko pagdating sa huli.
Ngumisi siya. Kinuha niya ang isang maliit na baril saka pinasakan ito ng bala. Napalunok ako dahil sa ginawa niya.
"Ginagawa mo ito dahil narito ang kaibigan mo, hindi ba?" sabi niya sabay tutok sa baril sa napapahikahos nang si Stygian. Binaba niya rin ito makalipas ang ilang segundo. "Sige, bibigyan kita nang pagkakataon para iligtas siya at ang iba pang naririto. Pero kailangan sa loob ng sampung segundo ay nakaalis na siya rito sa kuwartong ito."
Inihagis niya ang mga kumalansing na susi sa may paanan ko. "Kung hindi mo magagawa," pinutol niya ang sasabihin niya saka tumingin sa akin. "tatagos ang bala ng baril na ito sa bumbunan ng pinakamamahal mong kaibigan."
Kinakabahan ako sa tinuran niya. Alam kong nakasalalay sa akin ang buhay ng higit sa sampung katao na naririto sa silid na ito.
"Isa." Nagulantang ako sa biglaang pagsisimula niya ng pagbilang kaya napabalikwas muna ako saka agarang pinulot ang mga susi sa paanan ko.
"Dalawa." Kaagad akong kumaripas ng takbo ngunit nasa magkabilang dulo kami ng silid. Aabutin ako ng ilang segundo bago ko marating iyon kaya mas lalo ko pang binilisan ang takbo ko.
"Tatlo." Hingal na hingal man, buong lakas kong hinawakan ang mga kadenanang nakapulupot kay Stygian at halos mapamura ako nang mapagtanto kung gaano iyon kahigpit. Konti galaw lang ay nasasaktan na si Stygian.
"Pito." Ano? Napalingon ako sa lalaki at nakita siyang ngumisi dahil sa pandadaya niya sa pagbibilang. Mas lalong umusbong ang kaba sa dibdib ko dahil sa mas kaunting oras namin.
"Walo." Kaagad kong kinalagan si Stygian. Bumagsak siya sa sahig habang hinahapo at kumukuha ng lakas.
"Siyam." Napalunok ako. "Takbo, Stygian!" sigaw ko sa kanya ngunit bago pa man siya makatayo ay natumba agad siya dahil sa sakit na nananalantay sa buong katawan niya dahil sa mga sugat na mayroon siya.
"Sampu."
H-hindi...
Itinaas ng lalaki ang kamay niyang may hawak na baril at itinutok sa direksyon ni Stygian. Hindi ko kayang panoorin siya ng ganoon. Alam ko ang gagawin ko at hindi ko pagsisisihan ito.
Umaliwangwang ang putok ng baril.
BINABASA MO ANG
STYGIAN | completed
Mystery / ThrillerIt was because of a mystery call when Jan Astria Cuevo, just a typical college student... who is fond of playing mystery games, met a man named Stygian Alejandro, a dead man from the past who wants to have justice to his death. What will a wannabe d...