ASTRIA (2020)
Huminga na ako ng malalim. Nandito na ako. Sa tapat ng bahay nila Aegan at ang lolo niyang si Sir Agandro. Ramdam ko ang napakabilis na tibok ng puso ko ngayon, na hindi ko alam kung dahil ba sa kakausapin ko ngayon ang nakakatakot na lolo ni Aegan o dahil may tiyansang magkita kami ni Aegan dito.
Magmula nang magsabi siyang lalayo siya sa akin, I haven't seen him anymore. I admit that I'm missing him, but I need to endure. Kailangan kong tiisin itong pagkamiss ko sa kanya dahil alam kong para sa amin din naman ito. I never thought that he would confess to me that day and his feelings would affect our relationship like this. Pero wala, nangyari na. Hindi na mababago pa ito.
Iniyugyog ko ang mga kamay ko para mawala ang panginginig nito. Kaya ko ito, Astria! Kaya ko ito! Kailangan ko lang namang kausapin ang lolo niya, hindi ba? Itatanong ko ang mga bagay na kailangan kong malaman dahil gulong-gulo na ako. Hindi ko na maintindihan lahat ng nangyayari. Magmula sa nakatanggap ako ng text mula sa isang tao na galing sa nakaraan, hanggang sa nangyayari ngayon. Kailangan kong malinawan.
"Ma'am Astria!" sigaw ng isang katulong nila na mukhang tumakbo pa mula sa kung saan habang may hawak na walis tingting. "Bakit ka po nandyan, ma'am? Bibisitahin niyo po ba si Sir Aegan?"
Tumango na lamang ako kahit hindi naman si Aegan ang sadya ko rito. Binuksan niya ng kaunti ang gate, sapat lang para magkasya ako. Kaagad naman akong pumasok. Sumabay ng paglalakad sa akin ang katulong nilang iyon.
"Nandoon mo ma'am si Sir Aegan sa may garden," aniya habang naglalakad kami.
"A-ah, sige salamat."
Ngumiti siya sa akin saka nagpatuloy sa ginagawang pagwawalis ng mga tuyong dahon kanina. Ngayong sinabi niya sa akin kung nasaan si Aegan, nagdadalawang-isip tuloy ako kung pupuntahan ko muna siya o didiretso na ako kaagad sa lolo niya.
Inilibot ko muna ang paningin ko sa paligid. Mahabang pasilyo muna ang daraanan bago ka makarating sa mansiyon nilang puting-puti kung galing ka sa gate. Punong-puno ng puno ang paligid. Sa kanang bahagi ng mansiyon makikita ang garden nila kung saan nandoon ang swing. Sa likurang bahagi naman ang swimming pool.
Hindi ko namalayan ang mga paa ko na tinatahak ang daanan diretso sa hardin nila. Wala na akong nagawa kung hindi tumuloy doon at ipagmamaya na lamang ang takdang pakikipag-usap ko sa lolo ni Aegan. Sisilip lang talaga ako, saglit lang. At kung totoo ngang nandoon si Aegan, hindi ako lalapit sa kanya. I will give him the space he wants. I will give him time to heal, because I know he needed that. He can't fall for me because... b-because... Bakit nga ba bawal? Is it because I'm already in love with someone else? Someone else na hindi ko pa naman nakikita? Nalamangan ba talaga ni Stygian si Aegan sa puso ko?
I shrugged off those thoughts inside my head. Nagpatuloy na ako sa pagpasok sa napakaganda nilang hardin. Green leaves are everywhere, complimented by the bright hues of the flowers. Kahanga-hanga ang ayos ng bawat bulaklak at halaman. Halatang napangalagaan ito ng maayos.
I stood next to a santan bush. Alam kong hindi naman ako magtatagal dito sa garden kaya hindi na ako nag-atubili pang magtago. Tumayo ako roon at nakita agad ng mga mata ko ang isang lalaki na nakaupo sa swing. He's watching the peacefulness of the nature. Ang kalmado niyang panoorin. Sa built pa lamang ng katawan, alam ko nang si Aegan ito. Nakatagilid siya sa puwesto ko kaya kitang-kita ko ang side features niya. His pointed nose is very prominent. At ngayon ko lang narealize na miss na miss ko na siya. I wanna hug him right now and tell him to come back to me... of course as best friends. I would have done that if I am selfish. But I know that this is for the better. I must endure. I must take this.
Bigla kong naramdaman ang isang patak ng luha na dumaloy sa kaliwang pisngi ko. Kaagad ko itong pinalis pero hindi ko inaasahan na tuluy-tuloy nang bubuhos ang mga ito.
Kaagad kong pinunanasan ang lahat at ibinalik muli ang tingin kay Aegan, ngunit laking gulat ko nang makitang nakatitig na siya sa akin. Fudge. I'm freaking crying tapos saka niya ako makikita?!
Tumalikod kaagad ako saka naglakad papalayo sa garden na iyon dahil sa kahihiyan. I'm expecting a hand to pull me and face him but nothing happened. Walang pumigil sa akin. I guess mas maganda na rin iyon dahil hindi ko alam ang dapat kong gawin at sabihin kapag nagkaharap na kami.
Pumunta kaagad ako ng banyo pagkapasok ko ng bahay nila at inayos ang sarili. Kilala na ako ng mga tao rito dahil halos araw-araw ako kung dumalaw rito noong ayos pa kami ni Aegan. Tinignan ko ang sarili ko sa salamin. Medyo ayos pa rin naman ang mukha ko at kailangan lang siguro ng kaunting pulbos para matakpan ang kaunting pamamaga ng mga mata ko dahil sa pag-iyak. Bumuntong-hininga ako. Hindi ko na dapat pang patagalin ang pagkakataon na ito. I need to ask Sir Agandro immediately to confirm everything. To know everything.
Lumabas na ako ng comfort room and to my surprise, kaaagad na bumungad sa akin ang nakakapanindig balahibong mukha ni Sir Agandro habang nagkakape sa sofa niya.
BINABASA MO ANG
STYGIAN | completed
Mystery / ThrillerIt was because of a mystery call when Jan Astria Cuevo, just a typical college student... who is fond of playing mystery games, met a man named Stygian Alejandro, a dead man from the past who wants to have justice to his death. What will a wannabe d...