87

64 5 0
                                    

JOSE AGANDRO (1941)

H-hindi...

Hindi maaari...

Lumipad ang maraming bitak ng semento sa iba't ibang direksyon sa paligid. May ilang tumama pa sa katawan ko ngunit hindi ko na inida ang sakit na dinulot niyon. Hindi iyon ang inaalala ko. Si Stygian... Anong nangyari na sa kanya?

Napuno ng buhangin ang paligid dahil sa malaking pagsabog. Halos wala akong makita sa harapan ko ngunit hindi ko inalintana iyon. Kailangan kong mapuntahan si Stygian. Nakakabakla man pakinggan, pero hindi ko na kaya kung pati siya ay mawawala pa sa akin.

Wala nang natira sa akin. Siya na lamang. Hindi ko alam kung paano ko pang kakayanin nang mag-isa kung pati siya ay kukunin sa akin.

Pinilit kong tumayo sa kinalalagian ko, ngunit bahagya rin akong napatumba nang maramdaman ang sakit sa may binti ko.

"Argh!" inda ko rito. Tinignan ko kung saan nanggagaling ang sakit na nararamdaman ko at napangiwi ako nang makita kong umaagos ang pulang likido mula sa kaliwang binti ko.

Napapikit ako sa sakit. Hindi ko alam kung saan ko ito nakuha ngunit siguro ay mula ito sa mga batong kanina ay nagsiliparan dahil sa pagsabog. Ngunit wala na akong oras pa para pansinin ang sakit na ito, hindi na ako dapat pa na mag-aksaya ng panahon para lamang sa sugat kong ito, kailangan ko nang kumilos.

Paika-ika akong lumapit sa kumpol nga mga taong kanina ay nakikita ko pa. Ambagal ng usad ko ngunit nagalaw naman ako. At saka ko nakita ang pinsalang ginawa ng pagsabog ng kanyon. Habang papalapit ako nang papalapit sa direksyon kanina nila Stygian, paparami nang paparami ang mga bangkay na nakikita kong nagkalat sa paligid. Kadalasan ay halos mga edad bente pataas ang naroon, naghihikahos at nanghihingi ng tulong habang lumalaban para sa sarili nilang buhay.

Gusto ko man tulungan sila ngayon, kailangan ko munang makita si Stygian. Halos nabalot na ang buong paligid ng kulay pulang likido na halos magmistula na ito dagat na pula. May mga nagkalat na laman ng tao na nakakasura at nakakapagpaikot ng lalamunan kaya't napapangiwi na lamang ako.

Hanggang sa may nakita akong nakahiga sa isang tabi. Isang lalaki na halatang hirap na hirap sa sakit na nararamdaman niya mula sa mga sugat niya. Pamilyar na pamilyar ang hubog ng pangangatawan niya at kahit pa hindi ko pa man din nakikita ang mukha niyon, sigurado na ako kung sino siya. Hindi ko alam kung kakayanin ko bang lapitan siya ngunit may nag-uudyok pa rin sa akin na maglakad papalapit sa kanya.

Unti-unti akong lumapit kay Stygian ngunit may biglang kumapit sa may kaliwang paa ko.

"T-tulungan mo ako..." naghihikahos na panawagan ng isang halos kasing-edad ko na lalaki habang namimilipit sa sakit. Parang nahabag ang damdamin ko sa tagpong iyon. Naging ganito ang kapalaran ng mga Pilipinong pinili lang namang protektahan ang bansa mula sa mga tusong dayuhan. Sa atin ang bansang ito; tayo ang may karapatan dito, ngunit bakit tila tayo pa ang dehado?

Hanggang ngayon, hindi ko pa rin maintindihan ang dahilan kung bakit ginagawa ito ng mga tusong hapones na mga iyon. Para sa kapangyarihan? Pagpapalawak ng lupain? Bakit? Kahit anong isipin kong dahilan, walang tila tumutugma. Walang sapat na katwiran; walang tama. Kaya siguro hindi ko magawang umiyak nang mamatay ang mga magulang ko ay dahil sa galit sa lahat ng ginawa nila. Kaya siguro hindi man lang ako nakaramdam ng kahit na konting lumbay o hinagpis, ay dahil naiisip ko na dapat lamang sa kanila ito. Sa pagsasakripisyo sa bansang Pilipinas, dapat nilang pagbayaran ang lahat ng ito.

STYGIAN | completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon