ASTRIA (2020)
Wala na siya...
Wala na si Aegan...
Hindi ko na mapigilan pa ang kanina ko pang tinatagong mga hikbi sa likod ng mga labi ko. Hanggang ngayon, damang-dama ko pa rin ang mainit at mapusok na mga halik ng labi niya sa akin. Pero bakit ganoon... bakit biglaan?
Nagpalinga-linga ako sa paligid at umaasang sumulpot siya kung saan. There's a part of me that still hopes that this is just a prank. Na nandito pa si Aegan. Na hindi niya pa ako iniiwan.
I'm crying... but I'm still waiting. Pinapanood ko ang buwan na unti-unting natatakpan na ng makulimlim na mga ulap. Nawawalan na ng kinang ang mga bituin habang ang kalangitan ay lalong dumidilim. Lalo lumamig ang simoy ng hangin habang nililipad nito ang hibla ng aking buhok. Tila nakikisundo ang langit sa nararamdaman ko, na para bang nalalaman nito ang kirot na nananalantay sa puso ko.
Bumuhos ang napakalakas na ulan, ngunit nandito pa rin ako sa hardin, nauulanan. Naghihintay ng isang himala. Naghihintay sa isang taong hindi ko na sigurado kung babalik pa.
Kasabay ng pagbuhos ng ulan, bumuhos din ang nadarama ko. Mas mabuti nga yatang umulan, dahil natatakpan nito ang mga luhang ngayon ay walang tigil na dumadaloy sa mga mata ko. Hindi ko pa rin matanggap... hindi ko pa rin matanggap na wala na siya.
Dahil sa akin, nawala na ng tuluyan ang lalaking pinakamamahal ko. Kung hindi ko ba binago ang nakaraan, nandito pa rin kaya si Aegan? Kung hindi ba ako nakialam, masaya kami ngayong magkasama?
Hindi ko alam.
At hinding-hindi ko na malalalaman pa.
Ang tanging kaya ko na lamang gawin ngayon ay ang magsisi. Magsisi sa lahat ng maling desisyon na ginawa ko. Alalahanin ang lahat ng mga pagkakataon na magkasama kami. Those times when we are fighting over small petty things. Those times when we're laughing our lungs out with each other's jokes. Those moments under the yellow lamp posts admiring the beauty of the night. Those beats of my heart as I stare into his soul. Those memories... that I wish I can still see. Pero wala na. Wala na ang lahat. Hindi ko na maibabalik pa ang kung anong nawala. Wala nang paraan pa.
Hindi ko alam na kaya ko palang umiyak ng ganoon katagal, ngunit ngayon, wala na akong maramdaman pa. Tila pagod na ang mga mata ko sa kabubuhos ng balde-baldeng luha habang pilit na umaasa. Wala nang luhang lumalabas dito, ubos na. Pero bakit ang sakit na nasa puso ko ngayon ay tila hindi nawawala? Na imbes na bumawas dahil naiiyak ko na lahat ng luha ko, bakit parang dumodoble pa?
Nakatulala lamang ako sa kawalan habang ang ulan ay patuloy pa ring bumabagsak nang bigla kong maramdaman na wala nang napatak sa akin na ulan. Tumingala ako at nakita ko ang isang itim na payong na nakabalandra sa itaas ko. Someone's holding it for me, para hindi ako mabasa. Kumabog bigla ang dibdib ko, is it possible that it is him?
Kaagad kong sinulyapan ang mukha nang may hawak ng payong at nanlumo ako nang makita kong si Sir Agandro pala ang may dala niyon.
It's not him.
And it will never be him.
Iniiwas ko ang tingin ko sa kanya at umusog sa kinauupuan ko upang muli akong mabasa ng ulan ngunit sumunod siya sa akin para payungan ako. Wala na akong lakas pa para makipag-iwasan sa kanya kaya hinayaan ko na lamang siya.
BINABASA MO ANG
STYGIAN | completed
Mystery / ThrillerIt was because of a mystery call when Jan Astria Cuevo, just a typical college student... who is fond of playing mystery games, met a man named Stygian Alejandro, a dead man from the past who wants to have justice to his death. What will a wannabe d...