85

45 5 6
                                    

ASTRIA (2020)

Tumigil na ang kotse sa harap ng bahay nila Aegan. Mula nung sinabi niya ang mga iyon, hindi na kami nag-usap pang muli sa loob ng sasakyan. Mabuti naman at may pagkagentleman pa siya kaya binuksan niya ang pintuan ng kotse para sa akin. Lumabas naman ako at kaagad na bumalik ang kakaibang kaba sa dibdib ko. Hindi ko alam kung tungkol saan ang pag-uusapan namin ngayon, pero kinakabahan na kaagad ako.

"Let's go," malamig na sabi ni Aegan.

Sumunod lang ako sa likuran niya habang siya ang nangunguna sa paglalakad. Nilagpasan namin ang napakalawak nilang bakuran pati na rin ang hardin nila na punong-puno ng mga halaman. Dumeretso kami sa hapagkainan nila at nakitang naghihintay na roon si Sir Agandro. Nahiya tuloy ako bigla. Pinaghintay ko ba siya?

"Oh, there you are. Have a seat, iho iha," alok niya sa amin na malugod naman naming tinanggap.

Pagkaupo pa lamang namin, kaagad na kaming pinagsilbihan ng mga katulong nila. Naglapag sila ng mga kubyertos at mga pagkain sa hapagkainan. Napakaraming mga pagkain ngunit hindi ko alam kung makakakain ba ako ngayon. Grabe ang paghuhuramentado ng puso ko sa sobrang kaba.

We ate silently and it felt like ages dahil wala man lang nag-uusap sa pagitan namin. Matatapos na kaming lahat sa pagkain when finally, Sir Agandro spoke.

"Iha," tawag sa akin ni Sir Agandro. "Pasensiya ka na nga pala sa inasal ko kanina ah! Nabigla lamang ako. I hope you can forgive me."

I nodded and smiled genuinely at him. "Wala po 'yun, naiintindihan ko naman po kung saan nanggaling ang galit niyo."

Ibinaba ko na ang kubyertos na ginamit ko indikasyon na tapos na akong kumain.

"I have something to say to you pala, iha." He turned to Aegan. "Privately."

Bago pa ako makapagsalita, Aegan spoke immediately. "Yeah, sure. Take your time. Sa labas lang ako."

He marched outside without even putting even a single glance at me. I felt... hurt. Nasasaktan ako dahil hindi naman ganyan ang turing niya sa akin dati. We were so close. Para na kaming magkapatid na hindi mapaghiwalay. But what happened now? It pains me to think that this is just what happened to our sacred friendship. Hindi ko akalaing dito uuwi ang lahat ng pinagdaanan namin. I never thought this day would come.

Hindi ko namalayan na umalis na pala ang lahat ng kasambahay at mga serbidora sa kuwartong ito leaving I and Sir Agandro alone here in the dining room.

"Astria," he called me.

"Y-yes po?" I stuttered! Agh!

"Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa, remember what I said earlier?" tanong niya sa akin.

"Alin po r'un?"

"That Stygian was brought to life by a machine and he's living in the personality of a different person."

Kinabahan ako bigla sa sinabi niya. Ito ang dahilan kung bakit niya ako pinatawag dito? Bakit kaya? Ano kayang dahilan kung bakit kaagad niya akong pinapunta rito dis oras ng gabi, para lamang kausapin siya? Ganoon ba kahalaga ang sasabihin niya para rito sa lahat ng ito?

Napalunok ako. "O-opo..."

"Well," he started and looked at me intently. "Actually, nakita mo na ang tao kung saan naroon si Stygian. Their personalities may be different because of their lifestyle, but they're still the same. From the looks, body, voice, everything. Siyang-siya pa rin iyon."

Bumilis ang tibok ng puso ko nang marinig kong nakita ko na ang taong iyon. Ang bagong Stygian. Hindi ko alam kung dapat ko ba iyong ikatuwa o ikatakot. Iniisip ko kung saan ko posible nakita ang lalaking iyon pero kahit saan ko ipadako ang isip ko, iisang tao lang ang naiisip kong siya. Could it be him? Sana hindi...

"S-sino po iyon?"

"The new Stygian is..." he trailed. May parte sa aking gusto malaman pero may parte rin naman saking pumipigil dahil sa takot.

"He's Aegan."

At tuluyan nang gumuho ang mundo ko.

Saka ko na lang namalayan ang mga luha sa mga mata ko na kusang tumulo. Is that why I am capable of loving two persons at the same time, dahil iisa lang naman sila? But why do I have to push Aegan away just to choose Stygian? Why didn't I realized it sooner?

Tumikhim si Sir Agandro. "That's the reason why I'm against your plan of saving Stygian in the past. Dahil si Aegan ang future niya. One change in Stygian's life would have a large impact on Aegan's. Or worst," he looked at me seriously. "Worst, he might not even exist."

Lalo akong napaluha sa narinig ko. Kasalanan ko nga ang lahat. I shouldn't have fought with fate. I shouldn't have fought for his life if this is what it takes. Ang buhay ni Aegan, ang Stygian na kasama ko, maaaring mawala sa isang iglap, dahil sa pagkakamali ko.

Sir Agandro was about to say something when I immediately went outside. Pinalis ko ang luha ko habang nagmamartsa palabas. I need to find Aegan... the new Stygian. Baka kung ano nang nangyari sa kanya dahil sa padalos-dalos kong mga desisyon ngayon. I need to see him, even for one last time.

"Aegan!" I shouted in their backyard pero walang Aegan na lumabas. Nilibot ko ang buong bakuran nila but I can't seem to find any trace of him.

"A-aegan!" I continued shouting while my eyes are still beaming with tears falling unstoppably. "Aegan! Where are you?!"

I went inside the garden, but just like their backyard, no one was there.

I sat on the swing where I saw him sitting earlier. "A-aegan..." I cried harder. "I love you, Aegan. Where are you?"

The moon is shining very bright, illuminating the dark night. I cried and cried and cried, but no trace of Aegan, came across my sight.

STYGIAN | completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon