72

44 4 1
                                    



Madilim.

Masakit.

Babae.

Bistidang puti.

Bahid ng dugo.

Nakahiga ang isang batang babaeng nakasuot ng bistidang puti na may mga bahid ng dugo sa loob ng isang madilim na kulungan.

Hinang-hina na siya at nawawalan na nang pag-asa nang makarinig siya ng paulit-ulit na tunog ng isang bagay na parang natalbog.

Dinungaw niya ang labas ng kulungan kung saan siya naroroon at nakita ang isang pulang bolang unti-unting lumalapit sa lugar kung saan siya naroroon. Pagkatapos ng ilan sandali ay tuluyan na itong tumigil pagkabunggo sa bakal na rehas.

Pinulot niya ito at pinasadahan ng mumunting mga kamay na may bahid ng mga dugo.

Napangiti siya.

Naalala niya ang mga sandali kung saan masaya siyang naglalaro ng bola kahit na mag-isa. Naalala niya ang mga panahon kung saan malaya pa siyang nakakatakbo sa malawak na bukirin. Ngunit ngayong nadakip na sila ng buong pamilya niya, at siya na lamang ang natira, wala nang pag-asang maulit muli iyon.

Tila hinihintay niya na lamang si kamatayan na lumapit sa kanya para makita niya na ang kanyang yumaong mga kapamilya. Kung bakit buhay pa rin siya ngayon ay walang nakakaalam. Mas mabuti pa umanong sinabay na lang siya sa pamilya niya nang hindi siya nagdurusa nang ganito kalala.

Ngunit tila may ibang plano ang langit at tadhana. Biglang bumukas ang pintuan at tumambad ang isang batang lalaking halos kasing-edad niya o kung hindi man ay mas matanda nang kaunti sa kanya.

Pagkalapit nito sa kanya ay inilahad niya ang pulang bola. Gusto niya mang sarilihin ang bola, tinuruan siya ng mga magulang niya na huwag angkinin ang hindi sa kanya, hindi katulad ng mga taong nagdala sa kanya rito. Mukhang nagulat pa ang bata nang makita ang kalunus-lunos na kondisyon niya.

"Anong pangalan mo?" masiglang tanong ng batang babae sa kabila ng lahat na sakit na iniinda niya.

"Jose..."

Hindi niya inaasahan na tutulungan siya nitong makalabas sa rehas na bumibihag sa kanya. Inihagis nito ang susi sa kanya na mabilis niyang itinago sa ilalim ng kanyang bistida.

Kinagabihan ay nagbalak siyang tumakas. Habang mahimbing na natutulog ang lahat, may isang batang babaeng nakaputing bistida na may bahid ng mga dugo ang pumupuslit palabas.

Tinandaan niya ang pangalan ng batang tumulong sa kanya.

At hindi na muling nakita pa ang babae ninuman.

-+-

ASTRIA (2020)

"Ahhh!" Napasigaw ako nang magising ako sa isang hindi pangkaraniwang panaginip. Ilang beses nang nauulit ang panaginip na ito sa hindi ko malamang dahilan.

Everytime I woke up from this certain nightmare, I feel exhausted. Hapong-hapo ako palagi at pawis na pawis na para bang ako ang nasa posisyon nang batang babae na nasa panaginip ko.

Pamilyar din ang pangalan ng batang lalaki... Jose? Hindi ba Jose din ang pangalan ng lolo ni Aegan? Jose Agandro, hindi ba? Tsaka Jose din ang pangalan ng matalik na kaibigan ni Stygian?

Nanlaki ang mata ko sa napagtanto. Posible kayang iisang tao lamang sila? Ngayon tuloy ay parang gusto ko agad pumunta sa bahay nila Aegan, hindi para bisitahin siya kung hindi para tanungin ang lolo niya tungkol dito.

Napatigil uli ako sa napagtanto ko. Hindi pa nga pala kami nagkakausap at nagkakaayos ni Aegan mula nang lumayo siya sa akin. He said he wanted to be alone to fix himself. I still don't get it kase he can heal naman if we're together, diba? Or am I not getting his point?

And... hindi pa rin ako nakakatanggap ng kahit na ano mang mensahe galing kay Jose o kay Stygian sa kung ano nang nangyayari doon. Hindi ko maiwasang kabahan dahil wala akong magawa para tulungan sila roon. Ang huling nalaman ko ay nadakip daw umano si Stygian ng mga nakaitim na mga lalaki. Natatakot ako dahil baka ito na ang katapusan niya. No. Iniling ko ang ulo ko sa naisip ko. I need to save him. I need to stop him from reaching death. Even if I have to fight with death himself to change the past, I will gladly take it. But how? Paano ko siya maliligtas gayong nasa magkaibang panahon kami? Walang pag-asa. Wala nga ba talaga?

Hindi ko na alam ang susunod kong gagawin. I feel like I'm trapped on a pause button of my life not knowing what to do. But I have to take actions immediately. Alam kong hindi na dapat magtagal ito.

Kaagad akong bumangon sa kama ko at 'di na nag-atubili pang lumabas ng bahay.

I hope I'm doing the right thing now. Sana maging maayos ang kahihinatnan nitong gagawin ko. Because I will surely blame myself if this doesn't turn out well.

STYGIAN | completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon