JOSE
"Agandro, ayos ka lang ba?"
Isinara ng nanay ko ang pintuan ng kuwarto na kinalalagian namin rito sa ospital. Napanguso na lamang ako dahil sa narinig ko sa kanya.
"Ano ba naman, ina? Sabi ko namang huwag mo akong tawagin sa ikalawa kong pangalan, hindi ba? I hate that name."
"Hays," bumuntong hininga siya. "O siya siya, hindi na. Hindi ko alam kung bakit ayaw mo sa pangalang iyon."
Itinukod ko ang mga kamay ko sa kamang hinihigaan ko at tinulungan ang sariling iangat ang katawan. Umupo ako sa kama habang tinitignan ang mga ginagawa ng nanay ko. Ipinatong niya ang mga dalang prutas sa ibabaw ng lamesang nasa gitna ng higaan namin ni Stygian.
Hanggang ngayon, hindi pa rin nagigising si Stygian. Tila pagod na pagod ang katawan niya sa mga nangyari. Pero sana... Sana paggising niya ayos na ang lahat. Sana pagmulat niya ng mga mata niya, hindi niya na sasambitin ang mga katagang iyon. Masakit. Masakit na masakit dahil siya ang katuwang ko sa halos lahat ng bagay. Tapos... bigla niya na lang akong hindi matandaan.
"Agandro," tawag sa akin ng nanay ko.
Napanguso ako sa tinuran niya. Sabing Jose eh. Tila nabasa ni ina ang iniisip ko kaya naman napangiti na lang siya. "Oo na, Jose."
"O siya. Iwan ko muna kayo ha? At maraming kailangang asikasuhin sa bahay. Ikaw na munang bahala kay Stygian iho ha?" pagpapaalala niya.
"Oo, ina. Ako nang bahala kay Stygian. Itatawag ko na lamang sa inyo o kay tita kapag nagising na siya." Nginitian ko siya na sinuklian niya rin ng ngiting ubod ng tamis.
Lumabas na siya ng pintuan at maramdaman ko na naman ang nakakabinging katahimikang pumapalibot sa loob ng kuwarto. Gusto ko sanang lumabas at maglibot-libot ngunit sumasakit ang sugat na nasa kanang balikat ko kaya hindi ako masiyadong gumagalaw.
Nakaramdam ako bigla ng antok kaya ipinikit ko na ang mga mata ko at unti-unti akong nagpalamon sa kadiliman.
-+-
Sobrang dilim ng paligid at halos wala akong makita kung hindi ang sarili ko na nasa kadiliman sa ilalim ng mumunting ilaw na nagbibigay daan para makita ko ang sarili ko. Maliban doon, wala nang kahit anong liwanag ang nanggagaling sa lugar na ito.
Hindi ko alam kung nasaan ako at kung papaano ako napunta rito. Pilit kong inaaalala kung papaano ako posibleng nakarating sa madilim na lugar na ito pero wala akong makuhang kahit anong sagot.
"Hello?" tawag ko ngunit tila bumabalik lang sa akin ang boses ko. Paulit-ulit itong naalulong. "May tao ba diyan?"
My voice just keeps on echoing. Iyon lamang ang paulit ulit na naririnig ko. Hindi ko alam kung dapat ba akong umalis dito sa liwanag at pumunta sa dilim ngunit kahit 'di ako sigurado, ginawa ko pa rin ito.
"Hello?" patuloy kong pagtawag.
Nagpatuloy lang ako sa paglalakad kahit hindi ko na alam kung saan ako dinadala ng mga paa ko. Kahit madilim, pilit kong kinakapa ang paligid ko para malaman ko kung nasaan ako at kung papaano ako makakatakas dito.
Lumingon ako.
Tiningnan ko ang kaninang liwanag na tumqtanglaw sa akin. Pero pagkalingon ko, tila napakalayo na nito.
Anong nangyayari?
Inihakbang ko ang paa ko papalapit muli rito ngunit hirap na hirap akong gawin iyon. Parang may pumipigil sa akin na malakas na puwersa para ihakbang ito. Pinipilit ko ang sarili ko na humakbang at nang magawa ko na iyon ay pinilit ko namang tumakbo nang napakabilis.
Takbo lang ako nang takbo papunta sa liwanag pero tila hindi ako lumalapit dito. Bawat hakbang ko, tila walang nangyayari. Napakalayo pa rin sa paningin ko ng liwanag.
Pilit ko pa rin itong hinahabol kahit napapagod na ako nang bigla na lamang itong mawala sa paningin ko.
Anong nangyayari?
Nasaan na ang liwanag?
Pulos kadiliman lamang ang nakikita ng mga mata ko. Wala nang iba. Ano nang gagawin ko?
"Agandro..." tinig na nanggagaling kung saan man na hindi ko tiyak sa dilim na ito.
"S-sino yan?!" lakas loob kong sambit kahit sa totoo ay medyo natatakot na ako. Nasaan na ba ako?
"Agandro..."
"Nasaan ka!" sigaw ko habang ang nga kamay ko ay nakayukom na sa sobrang frustrasyong nadarama. Patuloy akong nagpapalinga-linga sa paligid pero wala akong maaninag na ibang taong naririto. Wala akong kasama rito. Kung gayon, saan nanggagaling ang boses na iyon?
"Agandro..."
"Ano b-ba!" pumipiyok piyok kong sigaw. "Sino ka ba? Magpakita ka!"
"Hindi mo ba naaalala? Wala ka bang natatandaan?"
Hindi naaalala... ang alin?
"Hindi mo ba naaalala... na papatayin si Stygian?"
H-hindi...
"A-anong sinasabi mo?!" sigaw ko sa boses. "Wala akong narinig na ganyan! Wala akong naaalalang ganyan!"
"Maaari mong itago ngayon pero... handa ka ba sa kakalabasan?"
H-hindi... Hinding-hindi ako magiging handa sa kakalabasan.
Pero... dapat ko na nga bang sabihin ang nalalaman ko?
Paano naman sila?
Kakayanin ba ng konsensiya ko?
"AAAAAAAAAAAHHHHH!" sigaw ko habang hawak ang ulo at wala na akong maramdaman pagkatapos.
-+-
"J-jose..."
"JOSEEEEE!!!!!"
Napabalikwas kaagad ako sa kinahihigaan ko sa sigaw na narinig ko. Anong nangyari at bakit hapong-hapo ako?
Tiningnan ko ang tumawag sa akin at nakita ko ang nag-aaalalang mukha ni Stygian.
"Ayos ka lang?" tanong niya sa akin.
"O-oo..." hingal kong sambit. "A-ano bang nangyari?"
Napabuga siya ng hangin na para bang nabunutan siya ng tinik sa dibdib nang malamang ayos lang ako. Bakit naman ganoon ang reaksiyon niya? Hindi ko maintindihan..
"Binabangungot ka, Jose."
Ibig sabihin... totoo nga iyong lahat at nangyari iyon sa panaginip ko?
H-hindi maaari...
Tiningnan ko muli si Stygian.
Kaya ko bang maglihim sa'yo para protektahan sila? Kaya bang tiisin ito ng konsensiya ko?
Hindi ko na alam ang gagawin. Hindi ko na alam...
BINABASA MO ANG
STYGIAN | completed
Mystery / ThrillerIt was because of a mystery call when Jan Astria Cuevo, just a typical college student... who is fond of playing mystery games, met a man named Stygian Alejandro, a dead man from the past who wants to have justice to his death. What will a wannabe d...