JOSE
• • • • flashback
Malapit na ang kaarawan ni Stygian, isang linggo na lang at darating na ang isa sa pinakaimportanteng araw ng buhay niya.
Kung sa babae, ang pagiging debutante ang pinakamahalagang kaarawan nila kung saan papatak na ng disi-otso ang edad nila. Magsusuot ng pinakamagagarbo at magagandang mga damit nila, magsasayawan na parang wala nang bukas. Sa lalaki, ang pagiging bente-uno ang kapareho nito. Hindi ko alam kung anong gimik ang naiisip ni Stygian ukol dito, pero sigurado akong masaya ito.
Natatandaan ko pa ang nangyari sa kaarawan ko noong isang taon kung saan ako'y nag-dalawampu't isa. Pinili naming magrenta ng isang buong tabing-dagat at buong magdamag kaming nagsaya rito. Sana lamang ay ganitong klaseng kasiyahan din ang gusto ni Stygian. Pero hindi na rin naman kataka-taka kung iwawaksi niya ang ganitong klaseng suhestiyon ko lalo na't hindi naman siya palakaibigan at ayaw na ayaw niya ng maiingay na lugar.
Tss. Sayang ang mga naiisip ko.
Tumingin ako sa direksyon ni Stygian, at nakita siyang ngingiti ngiti habang tumitipa at kumakalikot sa maliit na telepono niya. Hindi ko alam kung bakit biglang tila nawili siya sa mumunting bagay na iyon nitong mga nakaraan araw. Mukhang may pinopormahan na ang isang ito ah. Maasar nga.
Kitang-kita ng kahit sinumang papasok sa kuwartong ito ang napakalaking ngising nakakurba sa mga labi ko ngunit ang taong nag-iisang kasama ko rito ay hindi napapansin ito at nakatututok lamang sa ginagawa niya.
"Ano iyan~~" mapaglaro kong ani. "Binata na talaga 'tong si Stygian. May pinopormahan ka na ba?"
Bigla niyang naibaba ang teleponong hawak at nakakunot noong humarap sa akin.
"H-hindi ah!" aniya na hindi maitago ang kaba sa mga salita. "K-kaibigan ko lamang ito, 'wag mong lagyan ng malisya."
Hindi pa rin nawawala ang ngisi sa nga labi ko dahil sa mga reaksyon niya. At kailan pa siya naging palakaibigan? Sa pagkakaalam ko ni isang tao wala siyang kinakaibigan maliban na lang sa akin.
"Huwag mo nang ipagkaila pa, Stygian. Ayos lang naman sakin." Inakbayan ko siya at naramdaman kong tumutunog ang telepono niya tanda na nakakatanggap ito ng mga panibagong mensahe.
Inalis niya ang pagkakaakbay ko ngunit nilabanan ko ito kaya wala siyang nagawa kung hindi hayaan na lang ako. "A-ano ba! H-hindi nga s-sabi..." pag-iling niya.
BINABASA MO ANG
STYGIAN | completed
Mystery / ThrillerIt was because of a mystery call when Jan Astria Cuevo, just a typical college student... who is fond of playing mystery games, met a man named Stygian Alejandro, a dead man from the past who wants to have justice to his death. What will a wannabe d...