Note: Magkaibang panahon pa rin po ito pero sabay na nangyayari. Si Astria at Aegan ang magkasama sa scene, habang sa isa naman ay sina Stygian at Jose Agandro. Alam kong magulo, hehe. 1941 ang taon kila Stygian, habang 2020 naman kila Astria. Parehong December 02.
ASTRIA
"BULAGA!" paggulat ko kay Aegan habang nakatulala siyang nakatingin sa labas ng bintana ng sinasakyan naming van na pagmamay-ari nila. Mukhang napakarami niyang iniisip. At gaya nga ng inaasahan ko, tiningnan niya lang ako gamit ang malalamig niyang titig.
"Aegan," I called his name. "Aren't you happy? Birthday mo ngayon, you should loosen up and enjoy!"
He just smiled. Not a genuine smile, that he usually plasters on his face. "Should people be happy always? Can't I be sad sometimes... even if it's my birthday?"
I gaped as I ran out of words to say. This isn't the usual Aegan that I know. Something's really bothering him. I wonder what that is.
-+-
JOSE
"NASASABIK KA NA BA?" masiglang tanong ko kay Stygian habang inaayos namin ang kanya-kanyang suot na americana.
"Hindi," tipid niyang sagot.
"Bakit naman? Kaarawan mo ngayon! Dapat masaya ka! Hindi ka ba masaya ngayon?" sabi ko habang ipinapatong ang braso sa balikat niya para akbayan muli siya.
Tumingin siya sa akin nang napakaseryoso. Anong problema nito?
"Alam mo naman kung gaano ko kaayaw sa mga ganitong klaseng pagtitipon, hindi ba?" Bumuntong-hininga siya. "Pero ganito pa rin ang gusto ng mga magulang ko. Hays."
'Yun lang pala ang problema niya. Pero hindi iyon ang inaaalala ko. Kinakabahan ako na baka may mangyaring hindi maganda ngayon.
-+-
ASTRIA
"Napakaganda rito, hindi ba?" tanong ko kay Aegan saka siya dinala sa itaas ng isang burol sa gitna ng berdeng-berde na mga damo.
"Mhm," Aegan replied shortly.
Silence followed. Walang nagsasalita sa pagitan namin but it isn't awkward. Tila parehas naming dinadama ang katahimikan ng paligid at ang lamig ng simoy ng hangin habang dumadampi sa mga balat namin.
"Astria," he called my name so I looked at him. "Sorry if I'm being like this..."
I smiled. "It's okay."
He smiled too. A genuine smile. "Thank you... thank you for being there with me, always."
How can someone still look so good while being sad?
-+-
JOSE
"Handa ka na ba?" tanong ko kay Stygian habang tinatapik ang likod niya. Namumuo ang pawis sa noo niya na patuloy niya ring pinupunasan, tanda na kinakabahan siya.
Umiling siya. "Hinding-hindi ako magiging handa, Jose. Alam mo 'yan."
"Kaya mo 'yan!" pagpapalakas ko ng loob sa kanya. "Lalabas ka lang doon at ipakikilala ka ng mga magulang mo. O 'di ba? Andali lang!"
BINABASA MO ANG
STYGIAN | completed
Mystery / ThrillerIt was because of a mystery call when Jan Astria Cuevo, just a typical college student... who is fond of playing mystery games, met a man named Stygian Alejandro, a dead man from the past who wants to have justice to his death. What will a wannabe d...