78

54 5 0
                                    

ASTRIA (2020)

"Si Stygian."

Tila naparalisa ako sa narinig ko. Parang may kung ano na pumako sa akin sa kinauupuan ko ngayon kaya hindi na ako makagalaw pa. I don't know what to feel right now. Should I be happy? Or should I not? Dapat ba akong maging masaya sa narinig ko dahil may tsansa na hanggang ngayon ay buhay pa rin si Stygian ngunit nasa katauhan lamang ng ibang tao o dapat akong matakot sa maaaring malaman ko pa? Isang rebelasyon pa lamang ito at alam kong mas marami pa ang paparating ngunit ganito na agad nito ginimbal ang buong pag-iisip at pagkatao ko.

Ayoko mang maniwala ngunit anong magagawa ko kung nasa harap ko na mismo ang ebidensya? Wala naman sigurong motibo si Sir Agandro na pagsinungalingan ako dahil matalik siyang kaibigan ni Stygian noon 'di ba? Pero ang tanong, nasaan ang bagong Stygian? Nasaan ang katawan niya na binigyang buhay muli?

"Sir—" he shushed me when I was about to ask him. Tila alam niya na ang gusto kong itanong.

"I'm sorry iha," nanlulumo niyang ani. "Pero kailangan kong pangalagaan ang sikretong ito kung nasaan ang bagong Stygian, sa akin lamang. Nasabi ko na sa'yo ang isa sa mga pinakatatago kong sikreto. I hope you'll understand what I'm doing."

Napatango na lamang ako sa tinuran niya. Wala na akong magagawa kung hindi manatili na lamang sa puwesto ko. Kung sana'y hindi deka-dekadang mga taon ang tanda sa akin ni Sir Agandro, I would have convince him to tell me where Stygian is. But because he's already a hundred year old at idagdag pa ang fact na siya ang lolo ni Aegan, that's where I get my high respect for him. Alam ko naman that there must really be a reason on why he's hiding the new Stygian. But what is that? I can't help but to be curious.

Okay lang kaya siya ngayon? Is he still studying? Is he already married? Ano kayang estado nang buhay niya ngayon? Nagkita na nga kaya kami kahit isang beses man lang? Ang mga sagot sa mga tanong kong ito ay makukuha lamang kapag nalaman ang katotohanan.

Pero minsan, mas mabuti pa palang hindi mo na lang alam ang katotohanan.

"Iha," ani Sir Agandro kaya naman agad akong napalingon sa gawi niya. "May isa pa akong ipapakita sa'yo ngunit sana ipangako mo na sa ating dalawa lamang ito? Sayo ko lamang ipinagkakatiwala ang lahat ng impormasyong ito."

Napalunok ako sa sinabi niya. "O-opo... Makakaasa po kayo na ililihim ko po iyan."

Tumango siya saka muling tumalikod para maglakad sa direksyon kung nasaan ang isa pang makinang kanina ay katabi ng malaking tubular capsule. Nakatakip din ito ng puting tela ngunit hindi ko ito agarang napansin dahil sa pagkahumaling ko kanina sa naunang ipinakitang makina. Mas maliit ito kaysa sa nauna ngunit mukhang mas mahaba. Ano kaya ito?

"Handa ka na ba?" tanong sa akin ni Sir Agandro.

Tumango na lamang ako.

Ibinalik niya ang paningin sa makinang tinatakluban ng puting tela saka marahang hinawakan ang tela. Dahan-dahan niya itong ibinaba hanggang sa tumambad sa mga mata ko ang isang pahabang upuan na itim. Gawa ito sa leather at kung hindi ko alam na may kung anong kakaiba rito, mapagkakamalan ko itong upuan sa isang barber shop. It was like an ordinary reclining chair but the difference is that it has several wires attached onto it. May isang parang helmet din sa may itaas kung saan siguro isusuot sa ulo ng kung sino mang uupo sa upuang iyan. Gawa sa bakal ang helmet at may nakakonektang mga wires din dito. Ngunit ang tanong, para saan naman ito?

STYGIAN | completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon