A/n: Woo! Maghanda na kayo ng panyo, masyadong madramang chapter. Hahaha! Enjoy reading! :)
Amanda's P.o.v
" Mandy! Mandy! " tinatawag ako nila Jacob pero hindi ko na nagawang lumingon pa. Masakit na. Ayoko na. Tumakbo lang ako ng tumakbo hanggang sa nadapa ako. Shit! Napalugmok ako. Naputol pa yung takong ng heels ko! Bullshit! For the second time, naputol ang takong ng heels ko dahil tumatakas ako sa masakit na pangyayare. Mas lalo akong napahagulgol, hindi dahil sa sugat sa tuhod ko kundi sa sakit ng puso ko. Mas masakit to, dala buong sistema ko. Tinanggal ko na yung heels ko at pinilit na tumayo. Naglalakad na ako papunta sa lugar na hindi ko alam habang walang patid na tumutulo ang luha ko. Sobrang sakit talaga eh, sobrang sakit na nauwi sa wala lahat ng ginawa ko. Minsan lang ako mag effort ng ganon, napurnada pa. Ano ba talagang nakita ko? Simple lang naman guys, nakita ko ang BOYFRIEND KO NA MAY KALAMPUNGAN SA LOOB NG CR. OO! KALAMPUNGAN! Alam nyo kung sino? Syempre, hindi. Pero gusto nyong malaman?
Si HAYLEY.
OO SI HAYLEY! Hindi nyo kilala? Si Hayley, nababanggit ko siya sa ibang chapters guys. Isa siya sa mga tropa ko. Oo, yun ang masakit. Isa sa kaibigan ko. Kala niyo si Ariesa? Hindi eh. Pero mas okay pa ata kung si Ariesa eh, atleast hindi kame ganon kaclose eh si Hayley? One of bestfriends ko yon! Katropa. Kasama lage! Tapos makikita ko sila ng boyfriend ko na naghahalikan!? Ang sakit lang, putangina! Mas lalo lang akong naiyak. Masakit talaga! Oo wala akong ibang masabe kundi masakit talaga.
" Amanda! " nagulat ako ng bigla akong yakapin ni Jacob. Sinundan pala niya ako. Hindi ako gumagalaw. Umiiyak lang ako at yakap yakap nya. Parang wala na ko sa sarili ko, masyado na kong spaced out. Hindi ko na alam kung ano pa ang iisipin ko. Pagod na ko. Pagod na pagod na. Physically, emotionally and mentally.
" Ma..ndy "
" Ginawa ko naman lahat Jacob diba? Bakit kulang parin? " tanong ko habang patuloy na umiiyak sa dibdib nya. Everything was shattered. My whole life crushed. All my life, handa kong iaalay sa kanya kasi sobra ko syang mahal. Tapos ano? Dahil lang dito sa nakita ko siyang kahalikan ang kaibigan ko mawawala lahat? Nasan na yung pangako nya na ako lang? Na hindi niya ako ipagpapalit sa iba? Akala ko ba hindi na ako iiyak sa sakit, akala ko ba sa saya na? Eh tangina! Puro pangako lang pala siya! Punyetang pangako! Walang natupad ni isa!
" Jacob, pagod na ko. Pagod na akong intindihin siya. Pwede ba kahit minsan man lang ako naman? " wika ko ulit. Hindi siya naimek pero kinacaress nya lang ang likod ko. Sobrang bigat ng pakiramdam ko. Lagi na lang nawawala sakin si Kent. Lage na lang akong may kaagaw sa kanya.
" Ang daya daya niya. Lage na lang ako yung umiiyak, lage na lang ako yung nasasaktan. " wiko ko ulit at patuloy na umiyak. Nanatili kame sa ganong posisyon ng ilang minuto. After nun kumalas na ko sa yakap nya. Masakit na mata ko pugtong pugto. Pinunasan ko yung mga luha ko at tumingin kay Jacob.
" Tama na Mandy. " sabe nya. I fake a smile. Tinalikuran ko na siya at nagumpisa ng maglakad palayo.
" Don't worry Jacob. I'll be fine. And I swear, this is the last time that I will cry because of him. I swear. " I said then left him there. Naglakad ako papunta sa hospital. Isang tao lang ang kailangan ko, yung prinsipe ko lang.
" Tyrone Klein Buenaventura room. " sabe ko dun sa nurse. Napatitig pa siya sakin dahil siguro sa itsura ko. But I dont care. Maya maya pa sinabe rin niya at pumunta na ako. Pagdating ko sa kwarto niya, nothing new. Tulog parin siya. Umupo ako sa tabi niya at niyakap ang kamay niya. Eto na naman ang pesteng luha ko. Natulo na naman.
" Sana pala Ty, ikaw na lang minahal ko no? *sniff* kaso tanga tong prinsesa mo eh. Sobrang tanga! *sniff* " kinakausap ko lang siya. Habang ako walang patid sa pagluha. Lahat ng tiwala na meron ako kay Kent, biglang nawala. Pakiramdam ko, nagsayang lang ako ng luha at oras sa kanya. Kasi, sa huli sasaktan nya lang rin pala ako. Nawala yung bilib ko sa kanya na mahal niya ako at ako lang.
" Ty, ayoko na. Sawang sawa na ko. *sniff* Suko na ko. Hindi ko na kaya. " i said. Umubob lang ako sa tabi ng kama nya at doon nagiiyak.
Last na Ty, last na iyak na to.
Kent's P.o.v
" Asan si Mandy!? " tanong ko sa kanila paglabas ko. Nagulat ako ng bigla akong sinuntok ni Blake. Galit na galit siya. Sabagay, deserve ko to. Napaupo ako sa sahig.
" GAGO KA TALAGA! PUTANGINA MO! AKALA MO KUNG SINO KA DATE NA MURAHIN AKO DAHIL SA GINAWA KO KAY MANDY TAS NGAYON ANO!? IKAW TONG TARANTADONG MANANAKIT SA KANYA!? " sinuntok ulit ako ni Blake sa mukha. Namamanhid na rin ako. Nasasaktan rin ako sa nangyayare samin. Walang kame ni Hayley, nadala lang siya ng emosyon nya kaya nya ako nahalikan! Pero walang kame! Si Mandy ang mahal ko! Siya lang!
" LAGE MO NA LANG SINASAKTAN YUNG BABAENG NAGTIIS SAYO! YUNG BABAENG HANDANG IBIGAY LAHAT NG PAGMAMAHAL NIYA SAYO! LAGE MO NALANG PINAPAIYAK YUNG BABAENG WALANG IBANG GINAWA KUNDI PATAWANIN KA! SINASAKTAN MO LANG YUNG BABAENG PINILI KA KESA KAY TYRONE NA DI HAMAK NA MAS MATINO KESA SAYO! PINAIYAK MO LANG YUNG BABAENG BINALATO SAYO NI TYRONE! TANGINA MO KENT! NAPAKA GAGO MO! " sigaw nya at sinuntok ulit ako. Inawat na siya nila James kaya tumayo na siya. Dinuro niya ako.
" TANDAAN MO TO KENT HINDING HINDI KO NA HAHAYAANG BUMALIK SI MANDY SAYO! " pagkatapos sabihin ni Blake yun umalis na siya. Tinignan ako nila James pero hindi nila ako tinulungan. Alam ko, alam kong galit sakin. Napatingin ako sa likod ko ng biglang sampalin ni Irish si Hayley.
" MALANDI KA PADIN! INAGAW MO NA SAKIN SI REESE TAPOS NGAYON SI KENT NAMAN!? NAPAKAWALANGYA MO! " sigaw ni Irish kay Hayley at sinabunutan si Hayley. Tumayo na ako at nilapitan sila para pigilan.
" Tama na Irish! " sigaw ko, nagulat ako ng bigla nya akong sinampal. Isang malakas na sampal.
" Magsama kayo! Mga malalandi! Sinasabe ko sayo Kent, once na may nangyareng masama kay Mandy. I swear. Hinding hindi kita mapapatawad. " sabe ni Irish at umalis na kasama sila Pionna. Lahat ng tao nakatingin samin, hinawakan ako ni Hayley sa braso. Tinignan ko lang siya at umalis na.
Sorry Mandy. Sorry.
A/n: Short update! :))
BINABASA MO ANG
Maybe, you're the one || ChanDara
HumorCOMPLETED || Just another cliché story of mine. Enjoy reading~! :)
