Prologue

262 22 3
                                    

"Rayne bakit?"

Tumalikod ako sa kanya at pinigilang ang luha ko.

"Bakit hindi mo ako kayang mahalin ulit?" mahinang tanong sa akin ni Frank habang umiiyak.Nabuhay bigla ang galit na matagal kong kinikimkim dahil sa tanong na iyon, 'mahal?' tumawa ako ng sarkastiko at hinarap sya.


"Seriously? "Anong karapatan mong magtanong ng ganyan?" Galit na tanong ko sa kanya, tumingin sya sa akin na parang nagmamakaawa.


"Sorry! Babe sorry!" Lumapit sya sa akin at pilit na hinahawakan ang mga kamay ko iniwas ko yun sa kanya at galit na tumingin ng deritso sa mga mata nya, gusto kong maramdaman nya kung gaano ako kagalit. Kung gaano pa rin ako nasasaktan.


"Sorry? Sorry lang?". I sarcastically laughed and clapped my hands.


"Alam kong galit ka! Sige sampalin mo na ako sapakin mo na ako! Ibuhos mo sa akin ang galit mo!"

Kinuha nya ang kamay ko at pilit na isinasampal sa mukha niya. Binawi ko ang mga iyon at tumalikod, aalis na sana ako ng yumakap sya sa akin.

"Mahal na mahal kita Rayne!please wag ganito." Napayuko ako at lalong nasaktan sa sinabi, sana noon pa! sana noon pa nya sinabi yan baka matanggap ko pa.


"Tang ina naman Frank eh!"Kinalas ko ang kamay nyang nakayakap sa akin at hinarap sya, "Nong nagmakaawa akong wag mo akong iwan nakinig ka ba?" Pumiyok ako ng sabihin ko yun. "Pagod na ako Frank! pagod na pagod na akong mag mahal!" Tuluyan ng tumulo ang luha sa mga mata ko. " Pagod na akong tanungin ang sarili ko kung saan ako nag kulang! Kung saan ang lugar ko sa mundo!" huminto ako saglit at pinunasan ang luha ko. "Ikaw na lang meron ako nong panahon nawala sa akin ang lahat!" Humakbang ako palayo sa kanya. " Ikaw na lang ang pinagkukunan ko ng lakas nong mga oras na hinang-hina na ako! Ikaw na lang!" pinunasan ko ulit ang mga luha ko at tumingin sa kanya. 


"Pero iniwan mo rin ako! Nangako ka! Pinanghawakan ko yun! Sobrang tanga ko, sobrang tanga lang! " Humihikbi na ako sa lakas ng iyak ko, " Ang sakit sakit Frank! Sobrang sakit! tapos tatanungin mo ako ng ganyan! Nakakagago alam mo yun? Ayos na ako eh, tapos babalik ka na parang wala kang nasaktan! Yeah I love you!" Sigaw ko sa kanya at patuloy pa rin sa pag iyak. "BEFORE!"


"Sorry! Sorry! Sorry babe sorry! Babawi ako! gagawin ko lahat please!" Lumuhod sya sa harap ko, iniwas ko ang tingin sa kanya dahil nasasaktan ako lalo kapag nakikita kong umiiyak sya.


"Hindi na kita mahal Frank! A happy ending is not for us!" Madiin kong sabi at pilit na pinipigilan ang mga luhang patuloy na tumutulo.


"Alam kong mahal mo ako! Alam kong mahal mo pa rin ako! Please I begging you! Rayne please, just one more chance!"


"Tumayo ka dyan Frank! Umuwi kana" Tuluyan ko syang tinalikuran at nag lakad palapit sa kotse ko. Pag sakay ko pinaharorot ko iyon paalis, inihinto ko lang iyon sa tapat ng bahay namin at doon ako umiyak ng umiyak.


"I hate you!" Humihikbing bulong ko. "I hate that I still love you kahit sobrang sakit, kahit sobrang hirap mong mahalin!"

_____________________________


DISCLAIMER: this is a work of fiction. Names, characters, businesses, place, events, locales, and incidents are either the product of author's imagination. Any resemblance of actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

It might have typographical and grammatical errors. Sorry bagohan si author ei, pasentabi na lang po hehe.

There are few chapters with mature scenes. Read at your own risk❤

Hope you like it mhuapps.❤

Ms. architectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon