Sunod-sunod ang putok ng baril ang pinakawalan ko habang nakatutok 'yon sa target. Walang tigil at tuloy-tuloy lamang ako sa aking ginagawa. Kasabay no'n ang pagmamalabis ng aking mga luha habang inaalala ang ginawa niya sa'kin. I've never thought that he would do that to me. I thought he really love me. Akala ko nagbago na siya. 'Yon pa rin pala siya. Ang tanga-tanga ko lang dahil sumubok pa rin ako sa kaniya. Kaya ang nangyari sa huli, ako pa ang naiwang luhaan.
“Pinaglaruan lang kita kasi uto-uto ka.”
Nang maubos ang bala ng baril na hawak ko ay pinalitan ko 'yon at nagpatuloy na naman sa ginagawa.
“Isa ka lang sa mga babaeng laruan ko, Tanya. Pero sa'yo ako mas sumaya kasi.. ang ganda mo nga pero.. napakauto-uto mo pala.”
Gigil na lamang akong pinaputok 'yon nang sunod-sunod. Sobrang higpit na ng hawak ko sa baril na ito. Pagkatapos ay pabagsak ko itong pinatong kung saan at pinunasan ang nagmamalabis kong luha. Grabe. Ang sakit.
Naiiyak akong lumapit sa kaniya. Ang mga binitawan niyang salita ay tila malamig na yelong bumagsak sa katawan ko. Nakakamanhid. Ang tangi ko lang nararamdaman ay sakit sa dibdib ko. Umiling-iling ako sa kaniya. Hindi ako naniniwala. Mahal ako ni Caspian. Hindi niya ito magagawa sa'kin.
“I-Ian, you love me.. Y-You told me you love me..” sabi ko.
Ilang segundo niya akong tinignan bago tumawa na lang ng malakas. Hindi niya ako makapaniwalang tinignan at naiiling pa habang natatawa.
“Seriously, Tanya? Maganda ka lang. Pero laruan lang din kita. Napakauto-uto mo talaga. Did you get it?” sabi niya.
Napatungo na lamang ako at nakagat ang labi ko. “B-But we made it... Y-You took my---”
“I don't mind. You gave yourself to me. At gano'n naman talaga ako, Tanya. Akala mo siguro ay mamahalin kita? Ano ka sinisuwerte?” tanong niya at sinundan pa ng mahinang pagtawa.
Tinignan ko siya nang lumapit siya sa'kin. Ako naman ay napahakbang paatras ng isa. Nakangisi niya akong tinignan. Halatang nasisiyahan na makita ang pag-iyak ko dahil sa kaniya.
“I play hearts. I play feelings. I play dirty, and I don't care because I'm not just Caspian Buefano for nothing. Itatak mo 'yan sa isipan mo. Itatak mo na isa ka lang sa laruan ko at tapos na ako sa'yo kaya balewala ka na sa buhay ko. Hmm?”
Mas lalo ko namang hindi na napigilan pa ang sunod-sunod na muling pagtulo ng mga luha ko. Matapos ng sinabi niyang 'yon ay tinulak na lang niya ako bigla dahilan para mapaupo ako sa pwesto naming ito. Sa sandaling 'yon ay rinig ko ang bulungan ng mga estudyanteng nakasaksi ng pagpapahiya niya sa'kin. Napatungo na lamang ako at hindi makatingin sa napapaligiran ko.
Pinunasan ko na lamang muli ang luha ko at blangkong tumingin sa target kung saan larawan niya doon ang nakadikit. Tiim bagang akong hinawakan muli ang baril ko. Kahit na punong puno na ng bala ang buong mukha nito ay pinaputukan ko muli yun. Ang sakit. Pero mas nararamdaman ko ang galit ko ngayon.
I admit it. I really loved him. I loved him with all my heart. Kaya naman sobrang sakit ng ginawa niya sa'kin. After I gave myself to him, doon na pala niya tatapusin ang ugnayan namin. I also admit that it was also my mistake. From the start, I knew that he's a playboy. But I chose not to mind it because I believed that I could change him. In the end, I became one of his toy.
Napatiim bagang na lamang ulit ako. Hindi ko nga siya nabago. Ako naman ang binago niya. Pinuno niya ng galit ang nararamdaman ko.
‘You were right, Caspian, noong sinabi mong maganda nga ako pero uto-uto naman ako. Yeah, you were right. I became a fool because of you.’
Pero hindi ko na ulit hahayaang mangyari pa ulit 'yon. Pagbabayaran niya ang ginawa niya sa'kin. He play dirty? Well, I can play dirtier than him. He play hearts? Well, it's time to play back his heart as well.
‘You may not just Caspian Buefano for nothing but I'll make you pay for what you have done to me.’
Kung nakilala niya ako bilang isang uto-uto dahil minahal ko siya, ngayon ay iba na. Magbabayad siya sa ginawa niya sa'kin. Hindi niya ako lubusang kilala. Naging malambot lang ako sa kaniya. Pero simula sa araw na ito, ipapakita ko sa kaniya na mali ang kinalaban niya. He may not just be a Caspian Buefano and so do I. I am not just Tanne Niah Canja. I can do better than him. I will do better than him.
‘It's playback time, Caspian.’
REVENGEFUL LOVE
BINABASA MO ANG
Revengeful Love (Love Series #3)
Любовные романыCaspian Buefano | Tanne Niah Canja Lumaki akong nakukuha ang gusto ko at naitatapon na lang din kapag gusto ko. I play. I play hearts. I play feelings. I play dirty, and I don't care because I am not just Caspian Buefano for nothing. But I've never...