30 - SWEET YES

87 1 0
                                    

Caspian's POV

"Hahaha! Kawawang picture ng nag-iisang Caspian Buefano! Akalain mong patay ka na pala para kay Tanya. Hahaha!"

"Look, Adam. Mayroon pa ditong nakatago."

"'Yan ang napapala ng isang player. Nako! Malay mo hindi lang pala si Tanya ang gumagawa nito."

Nakasimangot na pinagkrus ko na lamang ang dalawang braso ko habang nakatingin sa dalawang walang hiya kong kaibigan na tatawa-tawa. Hawak nila ang mga pictures ko na butas-butas dahil sa bala ng baril. Psh! We're here in Tanya's training room. Or course, with her. Bored ko siyang nilingon at tinaasan lang niya ako ng isang kilay. Nakangisi pa. Tsk!

Umalis ako sa pagkakaupo sa mesa at lumapit sa kaniya. Ngising-ngisi pa rin siya.

"Tss. Pinakita mo pa talaga sa kanila." malamig kong sabi.

"Nacurious sila, eh. Anong magagawa ko? Hmm?" sabi niya.

Napangiwi na lang akong nilingon ulit ang dalawa. No'ng araw na pinagtapat 'yan sa'kin ni Tanya, hindi ko alam sa sarili ko kung bakit natawa na lang ako no'ng araw na iyon. Imbis na makaramdam siguro ako ng galit o inis ay hindi. Talagang natawa ako.

'Of course, I deserved that. Pfft.'

She told me everything. She explained. Ang tanga-tanga ko talaga sa parteng nablangko ang utak ko at hindi man lang siya pinakinggan noong una. But I'm thankful kasi kahit naging harsh ako, mahal pa rin niya ako at naghintay siya.

Kapagkuwan ay naramdaman ko na lang na niyakap niya ako mula sa gilid. Napatingin na lang ako sa kaniya at 'yon siya, nakangiti na parang nakanguso.

'Aysh!'

"I love you." malambing niyang sabi.

Peke ko lang siyang nginitian. "I love you." panggagaya ko sa tono ng boses niya at tinignan ang dalawa. "Hoy, mga tanga! Tama na 'yan!" bulyaw ko sa kanila.

Nilingon kami ni Adam at pinakita pa ang larawan ko. "Look, Caspian. Ang laki ng butas ng ilong mo dito oh. Kasyang-kasya talaga yung bala ng baril." sabi niya at sinundan pa ng malakas na tawa.

Inis akong lumapit sa kaniya at kinuha iyon. Lumapit din ako kay Lewis at kinuha ang hawak niya. Matapos ay pinagbabalik ko iyon kung saan nakalagay.

"Magsilayas kayo dito sa kwartong ito." madiin kong sabi sa kanila.

"Alright. Hahaha! Tangina talaga no'ng mukha ni Caspian." sabi na naman niya at nginisian pa ni Lewis.

Masama ko silang tinignan. "Isa pa. May kalalagyan kayo." pagbabanta ko sa kanila.

But then they just both laughed! Tangina talaga nila! Trip na trip nila ang pictures ko, huh?

"Honey!" malakas na tawag ko sa Honey ko.

"Yes, Honey?" tugon niya.

Malamig lang akong nakatingin sa dalawa bago nagsalita. "Where's your gun?" I asked.

Saka lang natigilan ang dalawa sa pagtawa. Pinagkrus ko na lamang ulit ang braso ko at tiim bagang silang tinignan.

"Naaamoy ko na 'yong luto ni Evienne. Nakakagutom." Adam said.

"I think we should go to celebrate." sabi naman ni Lewis.

Matapos ay hindi na nila ako hinintay na makapagsalita pa. Mabilis silang dumeretso sa pintuan at deretsong lumabas. Marahas na lang akong huminga at nilingon si Tanya. Lumapit siya sa'kin at kapagkuwan ay hinalikan ako sa labi nang mabilis. Sinimangutan ko lang siya.

Revengeful Love (Love Series #3) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon