Caspian's POV
"Dad, please, don't do this to me. Ayaw kong makasal sa babaeng 'yon!" inis kong singhal sa ama ko habang kausap siya sa cellphone.
Frustrated akong sumandal sa hamba ng pinto at tiim bagang na tumingin sa kawalan. Nakakainis talaga.
"You have no choice, son. You did it to yourself. Eat your own karma, huh?"
Napaawang na lang ang labi ko. Fuck! Karma daw.
"Dad---"
"Zara is beautiful. Maganda pa ang buhay ng pamilya nila. I'm sure hindi rin magtatagal at matututunan mo siyang mahalin." sabi niya.
Kinuyom ko naman ang kamao ko dahil doon at mas lalong nainis na humarap sa dalawa kong kaibigan na nakaupo sa sofa habang umiinom ng kape. Tsk! Hindi ko na alam ang gagawin ko. Pero ayaw ko talaga. Karma? Fuck! Tangina talaga.
"Dad, she was just one of my toys. I'm done with her. I don't like her and I will never love her. Lalong lalo na hindi ako magpapakasal sa kaniya." madiin kong sabi.
I'm sure it's not my fault. It was Zara's fault. Kasalanan ko bang kaappeal-appeal talaga ako at ngayon ay gustong-gusto niyang angkinin ako? Pero hindi. Ayaw ko! Hindi siya ang babaeng papakasalan ko. Nag-eenjoy pa ako sa buhay ko. Tsk!
Narinig ko ang marahas na paghinga ni Dad sa kabilang linya. "Ewan ko ba kung sino ang pinagmanahan mo kung bakit ka ganiyan, Caspian." sabi niya.
"Dad, that's my life---"
"And you should stop that! Stop playing anymore, Caspian. Kaya nga gumawa na kami ng paraan ng Mom mo. Hangga't hindi ka natatali ay hindi ka titino!"
Mariin ko na lang na pinikit ang mata ko at napahilamos sa mukha ko. Marahas ang pinakawalan kong paghinga at naupo sa sofa kaharap ng kay Adam. Nakangisi niya akong tinignan na para bang sayang-saya sa pagiging ganito ko ngayon. Tangina nito.
"Dad, I don't want to marry her... I don't love her, Dad. Please, let me just enjoy my life." pagod ko na lang na sabi kay Dad.
Narinig ko naman ang pagbuntong hininga ni Dad. Ilang segundo siyang hindi nagsalita. Bakit ba kasi ganito? Dito ako masaya eh. Dito ako sumasaya palagi kapag nagagawa ko ang magpapasatisfy sa buhay ko. Tsk!
"If you don't want to marry her, then be serious in life. Tama na ang paglalaro, Caspian. Hindi ka na bata. Marami ka ng nasasaktan, anak."
Pagkasabi no'n ni Dad ay binaba na niya ang tawag. Mariin ko na lang ulit na pinikit ang mata ko. Paulit-ulit na lang siya eh. Marahas akong huminga at binaba ang cellphone ko. Tsk! May mga oras talaga na minsan ay walang-wala na ako sa mood sa tuwing hinahadlangan nila ako sa gusto ko. Sinanay nila akong nakukuha ang gusto ko. Lumaki akong nakukuha lahat ng gusto ko.
'Huwag na naman sana nilang alisin 'yon. Psh!'
"What Tito told you this time?" tanong ni Adam.
Napangiwi na lang ako. "Be serious in life." sagot ko.
Dahil doon ay natawa siya. "Tito has a point. Magseryoso ka na nga kasi sa buhay. Bente anyos mahigit na tayo eh. Mabilis lang na lilipas ang panahon." sabi niya.
Inis ko namang inalis ang tingin sa kaniya at tumingin sa gawi ni Lewis. "May sasabihin ka ba?" bored tanong ko dito.
Binaba niya ang tasa niya sa mini table at pinagsikop ang kamay niyang tinignan ako. "I'm waiting for your karma." sabi niya at ngumisi.
BINABASA MO ANG
Revengeful Love (Love Series #3)
Любовные романыCaspian Buefano | Tanne Niah Canja Lumaki akong nakukuha ang gusto ko at naitatapon na lang din kapag gusto ko. I play. I play hearts. I play feelings. I play dirty, and I don't care because I am not just Caspian Buefano for nothing. But I've never...